Chapter Six
Heaven
"DAIG mo pang a-attend sa burol sa suot mong iyan, " komento ni Gina sa suot kong itim na bistida.
Kusang nalaglag ang mga balikat ko sa sinabi niya. "Eh alin ba ang bagay? Halos naubos na ang damit sa closet ko pero wala parin kayong napipili. "
Yeah! Nagkalat na ang lahat na mga damit ko sa kama ko pero halos wala parin napipili ang dalawa kong kaibigan.
Ngayon ang araw na makikipagkita ako kay Cloud. Ngayon ang araw na sasabihin niya sa akin kung ano ang tunay na nararamdaman niya sa akin. Ngayon ang araw na hindi ko alam kung magiging masaya ba ako... O masasaktan ulit. Pero pinangako ko na sa sarili ko na kung ano man ang maging resulta ng lakad ko ngayon. Kung ano man ang sasabihin ni Cloud. Tatanggapin ko iyon. Kailangan kong tanggapin ang desisyon niya.
"Sabi ko kasi, simplehan mo lang. Hindi mo naman kailangan sumuot ng magarang damit Heaven, " naiiling na sabi ni Mazeth.
"Eh, sa gusto kong maging special ang pagtatapat niya sa akin ng nararamdaman niya, " Sabi ko ng nakanguso at saka umupo sa kama.
Napailing na din si Gina. "Nababaliktad na talaga ang panahon. Ang lalaki na ang huling nagtatapat sa babae. "
Napairap ako. Ayan na naman siya sa pagiging concervative niya. " Uso na yan ngayon 'no. At saka kung lagi ka na lang conservative. Walang mangyayari sa love life mo. "
"Pero minsan mas mabuti ng ilihim ang nararamdaman para hindi ka masyadong nasasaktan, " suhisyon naman ni Gina.
Magsasalita pa sana ako ng pumagitna na sa usapan si Mazeth. Lagi naman siyang pumapagitna kapag umiinit na ang debate namin dalawa ni Gina. Pero sabi ko nga hindi naman iyon nakakaapekto sa relasyon namin bilang magkakaibigan.
"Oh siya tama na iyan, Eto na lang ang suotin mo Heaven. Mas bagay iyan sa iyo. At saka sa plaza lang naman kayo mag-uusap ni Cloud. " awat ni Mazeth saka pinakita sa akin ang damit na umaabot sa itaas ng tuhod.
"Oy! Hindi iyon basta plaza lang 'no! " sabi ko saka kinuha ko ang damit at pumunta sa CR para magbihis.
***
ALAS Tres y medya ako nakarating sa plaza sakay ang scooter ko. Kagaya ng sinabi ko kay Mazeth. Hindi iyon basta plaza lang na dinadayo ng mga tao. Infact walang tao sa plaza na iyon. Dahil isa iyong pribadong lugar para lamang sa buong pamilya nina Cloud. Nababakuran ito ng mataas na pader na halos nilamon na ng mga halamang namumulaklak. May malaking gate ang plaza na iyon.
Binuksan ko ang gate. Gladly at hindi nakasarado. Siguro sinabihan ni Cloud ang hardinero na huwag i-lock ang gate. Tuwing umaga, bumibisita ang hardinero para linisin ang buong lugar.
Sa pagbukas ko ng gate ay tumambad sa akin ang napakalinis na at tila magandang hardin ng plaza dahil sa napagandang tabas ng mga mabubulaklak na halaman. Sa pinakagitna ay naroon ang napagandang fountain. Kadalasan ginagamit ang lugar na iyon tuwing may selebrasyon o kaya reunion ang buong pamilya at kamag-anak ni Cloud. Syempre kasama na doon ang pamilya ni Stanley. Kung saan ang nanay ni Cloud ay kapatid ng papa ni Stanley.
Nilibot ko ang paningin sa buong paligid. Wala pa si Cloud. Kaya naman ang unang ginawa ko ay libutin ang kabuuan ng plaza. Umabot sa paningin ko ang isang halaman ng rose na nasa ibaba ng fountain.
Napangiti ako at nilapitan ko iyon kasabay ng pagpasok ng isang alaala sa isipan ko.
"Bakit ka pa nagtatanim ng rose? Eh ang dami naman niyan dito, " naalala kong tanong kay Cloud noon. Grade Six pa lamang kami nang mga oras na iyon. Nakita niya iyon sa daan at kumuha siya ng tangkay para itanim sa plaza.
BINABASA MO ANG
Chasing Cloud
Romance" Selfish na kung selfish pero gusto ko akin ka lang" Cloud Angeles Cruz. Grabe! pangalan pa lang ni Cloud iba na ang dating sa akin. Matagal ko na siyang crush. Pero sa tuwing nakikita niya ako. Wala akong nakikitang emosyon sa mukha niya. Well...