Chapter Three
Heaven
IBINALIK ko ang libro sa bookshelf at mabilis na tinungo ang pinto ng bookstore para lumabas.
Nakita ko sina Cloud na papunta na sa kotse na pag-aari ni Fatima.
Mabilis kong tinawag ang pangalan niya para pigilan na huwag sumabay kay Fatima sa pag-uwi."Cloud teka lang! " tawag ko sa kanya saka mabilis na humakbang.
Agad naman siyang lumingon sa gawi ko. Pero nanlaki ang mga mata niya habang nakatingin sa gawing kanan ko. Napalingon ako sa gawing kanan ko bago ko pa malaman kung ano iyon ay narinig ko ang isang lalaki na nagsalita.
"Miss tabi! " sigaw ng lalaking naka-skater.
Pero bago pa ako makaiwas ay nahagip niya na ako at pareho kaming napasubsob sa sementadong daan.
"Ahh! " daing ko habang nakaupo.
Naidiin ko kasi ang kamay ko sa semento kaya medyo nakaramdam ako ng kaunting hapdi sa kamay ko. Samantalang 'yong lalaki naman ay napasubsod talaga lupa. Pero may suot naman siyang knee band kaya alam kong hindi siya nasugatan kahit na gumasgas ang tuhod niya sa semento.
"Heaven! " boses ni Cloud at patakbong lumapit sa akin.
Mabilis niya akong hinawakan sa magkabilang balikat para alalayan sa pagtayo.
"Ayos ka lang ba? " tanong niya sa akin saka mabilis na nilapitan ang lalaki at kwenelyuhan niya.
"Bulag ka ba!? Hindi mo ba siya nakita ha!? "
Akmang susuntukin ni Cloud ang lalaki ng biglang sumigaw si Fatima para pigilan siya. "Cloud! "
Halos hindi pumapasok sa isip ko ang nangyayari kasi nakatuon lang ang mga mata ko kay Cloud. Like wow... Nananaginip ba ako? Tama ba ang nakikita kong matinding pag-aalala sa mukha ni Cloud?
"Okay din naman si Heaven eh, " sabi ni Fatima na noon ay nasa likod na ni Cloud habang nakahawak sa balikat niya.
Binitawan niya ang lalaki. "P-pasensya na, " hinging-paumanhin ng lalaki.
"Huwag mong sabihin sa akin 'yan. Sa kanya, " turo niya sa akin.
Hinarap ako ng lalaki na sa tingin ko ay high schooler palang dahil nakasuot pa ito ng uniform na pang-high school.
"P-pasensya na miss, " hinging-paumanhin niya.
Tumango lang ako habang tila name-mesmerize parin na nakangiti at nakatitig kay Cloud. Kaya siguro cloud ang pangalan niya kasi talaga dadalhin ka sa ulap sa umaapaw na ligaya.
***
ISANG nakakabinging tili ang pinakawalan ko kasabay ng pagtakip nina Gina at Mazeth ng kani-kanilang mga tenga.
"Grabe! As in! He is really my shinning knight mga bes! " Kinikilig na sabi ko pagkatapos kong ikwento sa kanila ang nangyari kagabi sa bookstore. Ahh! Halos hindi ako pinatulog ng pangyayari na iyon.
Although hindi kami nagkasabay ni Cloud sa pag-uwi dahil kinabukasan na ang reporting nila which is ngayon kaya kinailangan niyang pumunta sa bahay ni Fatima para sabay nilang pag-aralan ang i-re-report nila. Hindi na ako nag-isip ng masama doon dahil tuluyan ng nilamon ng kilig ang puso ko nang parahan niya ako ng taxi at siguruhin sa driver na sa subdivision namin ako ibababa. Akalain mo iyon! Lumabas ang pagiging concern at maalaga ni Cloud sa akin. At sobrang sarap sa feeling ng ganoon ang crush mo saiyo.
BINABASA MO ANG
Chasing Cloud
Storie d'amore" Selfish na kung selfish pero gusto ko akin ka lang" Cloud Angeles Cruz. Grabe! pangalan pa lang ni Cloud iba na ang dating sa akin. Matagal ko na siyang crush. Pero sa tuwing nakikita niya ako. Wala akong nakikitang emosyon sa mukha niya. Well...