Demon P.O.VTatlong buwan akong nagkulong sa kwarto ko hindi na ako kumakain. Iyak lang ako ng iyak na parang wala ng bukas kasi naman hindi pa rin ako maka move on. Sila master vic nga at lalong-lalo na si luci alam kung alalang alala na na siya, silang lahat.
Kaya tumayo na ako at pumunta sa banyo para maligo dahil hindi na rin ako masyado naliligo. Pagkatapos ko maligo nag bihis na rin ako at bumaba at nadatnan ko silang lahat sa baba ng hinintay sa akin.
"Buti naman demon iha may plano ka pang bumaba alam mo bang alalang alala kaming lahat sayo halika nga dito at kumain ka ang payat mo na at ang taas na ng buhok mo" pagbubugad ni aling milla sa akin.
Pumunta na kami sa dining hall para kumain ng almusal medyo madami kami mga 15 plus. Ang iba nakatayo kumain ang iba nasa sala. Nakakatuwa kahit paano nabawasan ang lungkot na nararamdaman ko.
"Salamat" parang nagulat sila kasi naman ngayon lang ako na pag salamat sa kanila as in first time.
"Tama ba yung narinig namin nag pasalamat ka" parang tanga na sabi ni greg dahil naman naibuga niya ang kinain niya at nanglaki pa ang mga mata niya kaya nakakatawa ang itsura niya.*chuckle*
"Sandali narinig niyo iyon tumawa siya tumawa siya YESSSSS!!!! sabi sa inyo pwede ako maging comedian eh ayaw pa ninyo maniwala" sa lahat ng tao dito siya lang ang tao dito na bilib sa kanyang sarili.
"Tama na yan, sige dahil tapos na kayo makikain masing layas na kayo ang sikip na nga dito dumagdag pa kayo hala sige layas na chu chu chu" pag tataboy ni master lenny sa kanila isa sa mga namumuno dito at asawa ni master vic.
At nasinglayas na silang lahat kumakaway pa ang iba at ang iba ay nag tutulakan pa kung sino mauuna.
"Salamat ulit kahit paano nabawasan ng kaunti ang nararamdaman ko, thank you" Niyakap ako ni luci kaya ginantihan ko din siya ng yakap.
"Walang anuman demon basta tandaan mo nandito lang kami kung kailangan mo ng tulong, nandito lang kaming lahat diba may kasabihan tayo 'one for all and all for one' diba" Tama nandiyan silang lahat para sa akin nag mamahal at itong si luci.
"Sige na magpahinga ka muna demon, sige na luci halika na dito magpapahinga pa ang ate Demon mo at demon walang gulo na ha bagong linis pa naman ang bahay mo at bagong furniture pa naman, oh siya lalabas na kami" at lumabas na silang lahat na natira dito at naiwan ako dito mag isa.
Tumayo na ako sa pagkakaupo at pumunta kung saan ang mga pictures namin ni Silver. Kinuha ko ang isang picture ang first anniversary namin tumulo na naman ang mga luha ko dito kasi ang memorable day para sa akin dahil nandito kami sa mortal world sa paris. Sa pangalawang picture naman ay sa japan at iba-iba pa. At ito na naman ako iyak ng iyak kailan pa ba ito titigil sa pag tulo ha nahihirapan na ako.
Pumunta ako sa kama ko at niyakap ang picture namin dalawa habang dinadalaw ng antok.
* 6 month after *
After 6 month maraming nag bago sa akin naging cold ako pero hindi masyado sa kanila hindi ako masyado nag sasalita kapag hindi naman interesado ang pinag uusapan.
Nandito ako ngayon sa gubat nag hahanap ng masamang hayop dito. Malapit kasi ito sa amin at ang iba ay pumapasok sa village namin at sinusugod ang mga tao dun kaya nilagyan ko ng sheild para hindi na makapasok. At habang nag hahanap ako may narinig akong parang nag aaway kaya nag teleport ako kung saan nag mumula ang ingay at napadpad ako sa lugar kung saan may nag aaway na white wolf at isang chimera na kayang bumuga ng apoy.
BINABASA MO ANG
--»»White Academy««--
FantasyIsang babae na ang gusto lang sa buhay ay isang normal na buhay kasama ang mahal niya sa buhay. Kaya lang nawala ito ng dumating ang mga dark wizards kaya . . . . . . . . . . . . Samahan niyo sya sa kanyang paglalakbay sa paghanap ng kanyang pamily...