Chapter 22

919 26 0
                                    

Diana P.O.V

Dalawa araw na pero hindi parin gumigising si Demon. Haayyy, baka hindi pa bumabalik ang lahat ng lakas niya.

"Diana kain ka muna oh" sabay bigay ng pagkain sa akin ni Drake.

Tss. Iba din 'tong lalaking 'to sa akin lang nagpapakita ng emosyon, ang unfair kaya sa iba kung sa akin lang niya pinapakita ang ibang side niya. Pero napansin ko lang mukhang napapagaan na ang loob niya kay Demon.

Hindi kasi kami madaling nagtitiwala sa isang tao dahil kailangan pa ng panahon para magiging close na kayo. Kasi ayaw na namin mangyari yung nakaraan na may nagkakaibigan sa amin pero fame lang pala ang gusto kaya ayun nakatikim ng maraming lait at bully sa mga white wizard dito. Kaya kailangan talaga ng panahon para magiging totoong kaibigan namin sila.

"Salamat" at kinuha ko ang binigay niyang pagkain. Umupo siya sa tabi ko at kumain din.

Sila Nathan at Mikko ay naglalaro ng chess sa may gilid. Si Troy naman ay nasa tabi ni Demon natutulog. Sina Lissana at Arianna ay kumakain din habang si Janice ay binabantayan si Demon. At kung nagtataka kayo kung nasaan ang mysteryusong lalaki aba ewan namin bigla na lang lumabas at hindi na bumalik at mabuti na rin dahil nagbibigay lang siya ng bigat na atmosphere dito.

"GUUYYYSSS!" nabigla kami ng sumigaw si Janice kaya nagising si Troy.

"Bakit kaba sumisigaw Janice?" Iritang tanong ni Lissana na may kaunting kanin sa mukha dahil napaluwa si Arianna ng sumigaw ito. Kaya ayun naman ang tatlo tumatawa nanaman.

"GISING NA SIYA, GUMALAW ANG KAMAY NIYA!" Bwesit.

"WAG KA NGANG SUMIGAW HINDI KAMI BINGI!" sigaw ni Arianna sa kanya. Kaya napa pout na lang ito.

Pero ano? gising na siya kaya tumayo na ako at lumapit kay Demon. At unti-unti na niyang binuksan ang mga mata niya.

"DEMMOOOOON!" sigaw nina Lissana at Arianna at lapit sa amin kaya pinagbatukan sila ni Troy.

"Wag nga kayong sumisigaw" sabi ni Troy. Napatungo na lang sila dahil sa natanggap.

"Demon ok ka na?" Tanong ko dito.

"T-u-ub-ig" kaya dali-daling kumuha ng tubig si Janice at binigay kay Demon.

"Salamat" sabi nito pagkatapos niyang uminom ng tubig.

"Ano? Ok ka na?" Tanong ko ulit.

"Ok na ako, pero ilang araw na ba akong nandito?"

"Dalawang araw" kaya napalaki ang mga mata niya.

"Weehhhh, dalawang araw grabe anong klaseng panaginip ba meron ako at dalawang araw ako nakatulog" nagmumukhang tanga si Demon dahil kinakausap niya ang kanyang sarili.

"Nagugutom ka na ba Demon" tumango na lang ito at balik sa pagiisip nanaman.

Tumayo si Drake at kumuha ng pagkain at binigay kay Demon.

"Salamat" at nilantakan na niya ang pagkain. Hahahaha para siyang patay gutom.

"Ang takaw mo Demon" sabi ni Nathan.

"Nahiya naman ako sayo Nathan, at paki mo ba eh dalawang araw kaya akong walang kain" at sumubo ulit ng kanin.

Napailing na lang ako kahit bagong gising ang kulit pa din. At aaminin ko napapasaya ako ni Demon kahit hindi naman siya nag effort. At Isang ngiti niya lang napapangiti na rin ako. Parang may kung ano sa loob ko pati na sa puso ko parang kilala ko na siya kahit month pa kami nagkikilala.

--»»White Academy««--Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon