Chapter 31

808 23 0
                                    

Demon P.O.V

Good morning world. Good mood yata ako ngayon ha. Ano kaya nakain ko. Tss nevermind. Tumayo na ako at dumeretso sa cr.

Pagkatapos ay lumabas na ako at nadatnan na sina Dara at Janice pa ang nandoon.

"Ang aga natin Demon ha" ningitian ko siya.

"Yun nga ang pinaktaka ko eh, at alam mo ba na nasa good mood ako ngayon" pagmamalaki ko.

"Weeeehhh, baka niloloko mo kami ha, ikaw? good mood? ngayon?" bigla na lang ako nag pout dahil sa sinabi ni Dara. Ang bad niya.

"Kung ayaw mo maniwala edi wag" saka ako bumaba ng hagdanan.

"GOOODDD MOORRNNIINGG, WOORRLLDD!" bigla ako napatakip ng teynga ng may sumigaw sa teynga ko.

"Leche ka Arianna gusto mo ba mamatay ha!" Pakita ko ng kamao sa pagmumuka niya. Pero ang bruha nag snob lang. At nilagpasan ako.

"Aba wengya wag mong gawing bad mood ang araw ko arianna sinasabihan na kita" pero nag tago na ito sa likod ni Janice.

"Ang aga-aga ang iingay niyo grabe mahiya naman kayo sa kapit bahay natin" biglang sulpot ni Lissana sa kung saan.

"At ikaw pa talaga ang nag sabi 'no, nahiya naman kami sayo"

"Tsee, ingit lang kayo" sabay upo nito sa may dining table. Kaya pumunta na ako doon at umupo.

"Can you please stop hitting words to each other, umagang umaga yan agad ang bati niyo, what a shame" na tememe kaming tatlo sa sinabi ni Dara. Ang galing talaga niyang magpatahimik ng tao.

"Si Arianna kasi eh!" Pero naka tanggap lang ako ng death glare galing kay Dara.

"Sabi ko nga shut up lang" sabay zip ko ng bibig ko.

"Mamaya na kayo mag away para makakain na tayo. At ngayon please lang wag nga kayo mag unahan sa pagkain hindi ba kayo tinuruan ng proper manner sa gitna ng hapag kainan" naka nguso lang ako habang nakatingin sa paligid.

"This will be a warning for the three of you and Janice wag kang magdiwang diyan kasali ka rin dito" gusto kung matawa sa reaksyon ni Janice pero pinigilan ko na baka ma sapok ako ni Dara.

"Good"

~~~\~~~

"Good moooorning classmates " bati ko sa lahat ng makapasok kami sa classroom.

"Wow good mood tayo Demon ha! ano nakakain natin" pag bugad agad ni nathan sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay.

"Aba tabi diyan baka ikaw pa ang dahilan kung bakit mawala ang mood kung unggoy ka" pero tumawa lang ito na umalis.

Ng maka upo ako ay napansin ko na wala akong katabi. Huh nasaan si Dara.

Agad ko itong hinanap pero nandun siya sa pinakalikod kasama si Drake, tatawagin ko sana si Janice pero busy siya sa pag gawa ng assignment niya sa healing. Si Arianna nakikipag bato bato pick na kapag ma talo ay hahampasin ang kamay kay nathan. Si Mikko naman busy sa pag sa-sound trip. Si Janice at Lissana naman ay nag chismisan sa ibang klaklase namin. At si Troy ayun tulog kahit bagong gising. Haayyy ano na ang gagawin ko.

"Pssst."

"Psstt. Huuyy"

"Sa likod mo wala sa kanan, kaliwa , at syempre sa harap mo at gago naman kung nasa taas ako kaya wala kang choice kundi tumingin sa likod" tawag ko sa isang nerdy na lalaki. And to be honest gwapo sana pero naka eyeglasses eh malabo yata talaga ang mata.

--»»White Academy««--Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon