Chapter 30

841 21 0
                                    

Janice P.O.V

*KKRRIIIIINNGGGG*

Waahhh bakit ang ingay. Agad kung pinatay ang alarm clock na inalarm ko ng 5:30 am palagi kasi ako ang huling magigising dati pero ngayon hindi na dahil nandito na si Demon ang tulog mantika sa grupo. Hahahahahahah.

Agad tumaas ang kilay ko ng makita ko ang oras sa alarm clock ko.
WHAT THE F*CK SINASABI KO NA BA KULANG PA AKO NG TULOG.

Pano ba naman it still 3 am in the morning at ang masasabi ko lang sina Lissana at Arianna ang pakana nito. Eh sila lang naman ang mga sira ulo dito sa dorm kung ano ano na lang ang ginagawa sa akin na prank.

Hayyy bwesit mapapatay ko talaga ang dalawang iyon. At dahil hindi na ako makatulog pag nagising na ako kaya tumayo na ako at kinuha ang tuwala ko at dumeretso sa cr.

As usual ano pa ba ang gagawin sa cr kundi ligo lang naman. Pagkatapos ay lumabas na ako at nag bihis ng uniform. At dahil ako pa lang ang gising lumabas na muna ako at nagsaing ng kanin at dahil medyo tamad ako. sila na ang bahala ang mag luto ng ulam at saka ginamitan ng mahika na timer para hindi ito umitim.

Lumabas muna ako ng dorm at tinungo ang music room kung saan palagi akong nag tatambay at nag lalabas ng sama o kundi lungkot na nararamdaman.

Agad akong tinungo ang piano at hinimas ang mga tiles nito. It feel good when i am hearing music.

Umupo ako sa upuan at nag simulang pindutin ang tiles.

[Thousand years 🎶🎹🎶]

Heart beat fast
colors and promises
How to be brave
How can I love
when i'm afraid to fall
Watching you stand alone
All of my doubt
Suddenly goes away some how
One step closer, one step closer

Sa unang pagkakataon ay bigla na lang tumibok ang puso ko nung araw na nakita ko siya. Na naka ngiti at walang kahit kaunting kalungkutan na makikita sa mukha niya. Para akong na love at first sight kung baga.

I have died everyday waiting for you
Darling don't be afraid
I will love you
For a thousand years
I'll love you for a thousand more

Sa araw na kinausap mo ako bigla na lang ako naatrasan ng dila dahil sa bigla mong paglapit sa akin at sa pagusap sa akin. Parang nag party-party ang puso ko at tiyan ko sa paglapit mo.

~~

"Janice nandito ka lang pala kanina pa kita hinahanap" biglang lapit niya sa akin at tabi sa bench na inoupuan ko.

"O bakit ba ha, at hinahanap mo ako" sa tanang buhay ko ngayon lang siya lumapit sa akin at kinausap na kami lang dalawa.

"Libre ka ba? Wala ka bang gagawin?" Ano naman ba ang gusto nito. Pero isang part sa akin ang kinilig dahil sa simpleng tanong niya.

"Wala, bakit nanaman" expect ko na sasabihin niya na 'tara mall tayo' o kundi ' pwede ba tayong mamasyal' pero hanggang imagination lang yata mapupunta ang mga katagang iyon dahil ang totoo ito ang sinabi niya.

"Pwede mo ba akong bilhan ng bulaklak sa may malapit na flower shop may nakita kasi akong maganda kanina tatanungin ko kung ano ang pangalan" at bigla na lang gumuho ang mundo ko. Bwesit naman wag kang traydor kang luha ka.

"Eh tatanungin mo lang pala kung ano ang pangalan, bakit bibigyan mo pa ng bulaklak?"  Haggang sa kaya ko pang pigilan ang mga pesting luha na ito ay pipigilan ko talaga.

"Wala lang trip ko lang, pero ganun naman diba pag may gusto ka sa babae bibigyan mo ng bulaklak?" bigla kung inangat ang ulo ko para ibalik sa mga mata ko ang mga luhang malapit ng tumulo.

"Ayaw ko, may gagawin pa pala ako, sige una na ako" at saka ako tumalikod sa kanya at nag simulang maglakad palayo at buhos naman ng mga traydor ko na mga luha.

Ang sakit palang malaman na may ibang gusto ang  mahal mo. Ang sakit, parang isang dosenang karayom ang tumusok sa puso ko dahil sa narinig ko.

Bakit ba ako nakagusto sa kanya? Bakit sa dinadaming lalaki sa mundo ay siya pa? Bakit? pero sabi ng putang inang puso ko ay mahal ko siya dahil sa mga mata at lecheng mga ngiti nito. Dahil sa isang ngiti niya lang ay bigla na lang nawawala ang galit ko sa kanya o kundi parang natutunaw ang mga tuhod ko. Bwesit.

~~~

Bigla na lang ako tumigil sa pag tugtog ng piano ng maalala ko ang unang heart break ko. At sa pagtulo ng mga traydor kung luha.
"Puta ka, sa lahat ng lalaki sa mundo bat ikaw pa, bat ikaw pa na walang ginawa sa mundo kundi saktan ako, saktan ang damdamin ko, ang manhid mong gago ka" sabi ko sa gitna ng pag iyak.

"Hindi ko nga alam kung pinatulan mo pa ba ang babaeng sinabihan mong bibigyan mo ng bulaklak, dahil wala na akong paki sayo, dati  Pero itong puso ang tigas ng ulo, mahal ka pa rin ng gago kung puso kahit anong move on ko walang epekto dahil sa araw-araw ba naman natin na magkakasama makakalimot pa nga ba ako sa anong nararamdaman ko sayo, hindi, at itinaga ko na sa puso ko na hindi muna kita kakalimutan sa puso ko na Mahal kita kung ikaw na mismo ang mag sasabi sa akin na 'tama na wala na ka ng pag-asa, hindi kita mahal' isang sabi mo lang titigil na ako, pero ngayon itatatak ko muna sa puso ko na Mahal kita mahal na mahal" at saka punas ng mga luha sa mga mata ko. 

"Tama na ang iyakan malapit mag 5 baka gising na si Dara" at saka ako tumayo at lumabas ng music room.

Pag dating ko ng dorm ay gising na si Dara at nag luluto na siya ng almusal.

"Morning" medyo paos kung sabi sa kanya. Kaya nilingin niya ako at binati din.

"Oh, good morning din, anong nangyari sayo umiyak ka ba?" Puta halata bang umiyak talaga ako ng todong todo.

"Ah wala napuwing lang ako sa labas" tumango naman ito at nag patuloy sa pag luluto. At saka ako ay nag lagay na lang ng mga plato sa mesa at mga kutsara at tinidor.

"Ay, oo nga pala Janice ikaw ba ang nag saing ng kanin?"

"Oo, maaga kasi akong nagising dahil sa mga sira ulo nating ka dorm na si Lissana at Arianna na ginawang 3am ang alarm sa alarm clock ko kaya ayon, humanda na lang sila sa ganti ko sa kanila"

"Naisahan ka nanaman sa kanilang dalawa" kaya nag pout na lang ako sa sinabi niya.

Kahit kakagaling ko lang ng pagiyak ito parin masaya dahil nandito parin siya, sila nagmamahal sa akin kahit mga sira ulo.

—————
DONE

PLSS...

VOTE AND COMMENT

--»»White Academy««--Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon