Chapter 23

947 25 0
                                    

Demon P.O.V

Naglalakad kami palabas ng hospital dahil gaya ng sabi niya mag de-date 'daw' kami.

"Silver saan tayo pupunta?" Tanong ko dito.

Tinignan lang niya ako at ngumiti atsaka tumingin ulit sa unahan. Minsan napa-isip na lang ako kung si Silver pa din ba ang kasama ko kasi naman hindi naman ganito yung dating Silver eh. Yung dating Silver kasi ay tahimik, may cold expression paminsan- minsan, tipid kung magsalita at hindi naman siya ganito kung ngumiti.

"Silver, nakadrugs kaba?" Tanong ko dito ng ikinatigil niya at nilingon ako.

"What the-- saan naman yang lupalop ng mundo at natanong mo yan?" Inis niyang sabi sa akin. Kaya napatungo na lang ako at nag pout.

"Nagtatanong lang eh" kaya ayun kinurot niya ang magkabilang pisngi ko. Kaya napa 'aray' na lang ako.

"Bakit mo kasi natanong yun, sa mukhang 'to *sabay turo niya sa mukha niya* naisipan mong nagdru-drugs " kaya tinignan ko kung saan niya tinuro ang index finger niya.

"Saan banda" kaya nakatanggap ako ng death glare sa kanya.

"Hahahahahaahaha, joke lang eh kasi naman nung araw na, na gising ako parang may naiba kasi sayo, for example yung attitude mo at yung palaging killer smile mo parang hindi ako sanay" pag amin ko dito. Kinurot niya ang ilong ko saka nagsalita.

"Ngayon lang ako ganito kaya lubos-lubosin mo na lang at wag ka ng mag tatanong ng kahit ano, UNDERSTOOD" tumango lang ako parang tuta.

"Now our first destination is" tss pabitin pa eh 'no. Atsaka niya ako hinila sa may magic cub na nakita niya.

Para lang itong yellow cub pero ang pagkaiba ay walang gulong dahil lumilipad lang ito. Kaya nga magic cub eh.

I just roll my eyes ng ibinulong niya sa driver kung saan kami pupunta. Eh kung ayaw niya sabihin edi wag pilitin. Baka mastress lang ako.

Baka sa park kami pupunta kundi sa mall pwede din sa isang village na may flower festival kundi sa aahhhhhhhh. Mababaliw na ako kakaisip kung saan, sa laki ba naman ng immortal world.

Napatingin ako sa labas ng biglang huminto ang magic cub what the. Dito lang pala kami pupunta.

"Leche naman silver kung saang lupalop na pumapasok sa isip ko kung saan tayo pupunta pero dito lang, DITO LANG SA AMUSEMENT PARK" hala sige napasigaw na ako sa huli. Eh kasi naman parang sasabog na ang utak ko kung saan.

"Why, saan mo ba gusto?" Lumabas na lang ako at hinintay siya na ngayon ay nagbabayad sa driver. At saka siya lumabas na parang baliw dahil kanina pa nakangisi.

"Stop that " saway ko dito. Nagtaka naman ito pero nakangisi pa rin.

"Aaahhhh, stop smiling Silver"

"Why, what's wrong if I'm smiling, I'm just happy cause it's our first real date"

"Kahit na, hindi lang kasi ako sanay na naka ngiti ka" sabi ko rito.

"Pero sa ngayon masanay ka na dahil palagi na ako nakangiti para sayo" ok. I admit kinilig ako pero slight lang.

"Tss. Tara na nga sayang ang oras" atsaka ko siya hinila papaunta sa may entrance ng amusement park. Siya na ang nagbayad kasi wala akong dalang wallet at kagaling ko lang sa hospital diba.

"Tara na " excited ko na sabi sa kanya.

"Now saan tayo una sasakay?" Tanong niya sa akin. Napa isip ako san ngaba.

--»»White Academy««--Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon