Demon P.O.VPagkabalik namin ay bigla akong nahilo kaya napahawak ako kay Silver na ganun din.
"Are you alright?" Tumango lang ako sa tanong ni Silver. Parang may nawala sa akin na hindi ko alam kung ano. At bakit nahihilo ako?
"Ang weird lang dahil parang may nawala sa akin bigla" sabi ko dito.
"Hmm" at ano naman iyon? Eh sa pagkaka-alam ko pumunta lang kami ni Silver sa isang lugar na maganda at nag usap at-at ano ang sunod na nangyari.
"Something just lost in my mind but i don't know what it is" sambit ko na naguguluhan.
"Demon nandiyan na pala kayo, alam mo ba kung anong oras na ha?! Ipaalala ko lang po alas 4 na at mamayang 5 lalabas na tayo para pumunta sa assign na sasakyan natin papunta sa kastelyo, at ikaw na lang ang hinihintay ko para matapos na to, kaya halika na, at ikaw din Silver mag palit ka na at puntahan si Shakira pagkatapos para ayusan yang buhok mo" sabi ni Sheena na hinalbot ako at dinala sa kwarto niya.
Ang daming mga make-up sa desk niya parang hindi na kakasya ang isang lipstick sa dami. Bigla niya ako hinarap sa kanya at tinitigan ako ulo hanggang paa.
"Problema mo?"
"Maligo ka muna para presko ka, bilis sa cr" saka tulak niya sa akin papunta sa cr.
"Bilisan mo para mapadali ang proseso pag katapos" pumunta na lang ako sa cr niya at nagsimula ng maghubad at maligo.
Lumabas ako na naka t-shirt at short at may towel sa ulo. At nakita si Sheena na abala sa pag arrange ng desk niya at kuha ng mga gamit na hindi ko alam kung ano.
"Oh? Tapos ka na pala, halika at papatuyuin natin ang buhok mo, at magsisimula na tayo sa mukha mo pagkatapos" saka niya nanaman ako hinila paupo.
Kumuha siya ng blower at i-non at tinapat sa buhok ko hanggang matuyo. Tapos nag simula na siyang lagyan ang mukha ko ng kung ano-ano. Nakatulog nga ako habang nag me-makeup siya sa akin.
"Gumising ka na diyan at tapos na, suotin mo yung damit mo para matapos na tayo nito, kanina pa sila ng hihintay sa baba at malapit na tayo malate" tumayo na ako pero tinignan ko muna yung mukha ko.
At ang masasabi ko ang ganda ko. Dahil dark ang color ng damit ko ay medyo light yung make ko pero may kaunting dark color na, na blend.
Kinuha ko na ang gown at sinuot ito. Binigyan ako ni Sheena ng isang pares na high heels at saka ko ito sinuot.
"You look gorgeous Demon" ngumiti lang ako sa sinabi niya at tumingin sa salamin.
"Let's go" at lumabas ako sa kwarto niya.
Nakita ko sila sa sala na nababagot sa kakahintay. Bigla sila umangat ng tingin ng sumigaw si Sheena na 'tapos na kami' saka nakita ko yung mga mukha nila na parang mga timang sa kakatitig sa akin. Tumayo si Silver at lumapit sa akin at binigyan ako ng kamay saka ko ito kinuha.
"You look gorgeous, today" saka halik niya sa pisngi ko.
"Tumigil nga kayo diyan, baka malate pa tayo" pang basag ni Lex. Saka na lang ako natawa at sumunod kami ni Silver sa kanila na lumalabas na ng dorm.
Pumunta kami sa may gate ng academy at nakitang may mga grupo ng mga tao na nag hihintay sa sasakyan na gagamitin nila papuntang palasyo. Sa isang sasakyan ay may 6 tao lang ang makakasya kaya yung iba ay by dorm mate or by tropa.
"Demon, Silver halina kayo nandito na sundo natin" tawag ni Shakira sa amin.
Sumunod na lang kami sa kanila at nakita ang isang puting kalesa na may gold na design ang nandoon. Pumasok na sila kaya sumunod na lang din kami ni Silver.
BINABASA MO ANG
--»»White Academy««--
FantasyIsang babae na ang gusto lang sa buhay ay isang normal na buhay kasama ang mahal niya sa buhay. Kaya lang nawala ito ng dumating ang mga dark wizards kaya . . . . . . . . . . . . Samahan niyo sya sa kanyang paglalakbay sa paghanap ng kanyang pamily...