➸ 14| Brother and Tattoo

47 1 2
                                    

3rd Person's POV

Naalimpungatan si Bryan ng tumama ang sinag ng araw sakanyang mga mata.

Agad niyang naalala si Empress ngunit wala siyang maramdaman sa tabi niya. Tumayo ito at hinanap si Empress ngunit hindi niya ito makita.

Napatingin siya sa hagdan na spiral kung saan patungo ang isa pang kwarto sa attic.

Inisip ni Bryan na baka andun si Empress.

Inakyat nito ang hagdan at ng makarating sa may pintuan ay binuksan niya iyon.

Sumilip siya at nakita si Empress na nasa may bintana at nakatanaw na tila malalim ang iniisip.

Hindi parin ito nakadamit at ang tanging suot ay isang malaking jacket na pag mamay ari ni Bryan.

Nakuha ito ni Empress sa closet ni Bryan.

"What time is it?" Tanong ni Empress. Naramdaman nito ang presensya ni Bryan.

Ngunit nanatili lang itong nadungaw sa bintana habang nakaupo sa kama.

"Uhm.. Its 6:27. Are you hungry?"

Sabi ni Bryan matapos tignan ang wrist watch niya.

Umiling lamang si Empress sa tanong ni Bryan.

Dahan dahang pumasok si Bryan at naglakad papalapit kay Empress.

Hahawakan niya sana ito sa noo para malaman kung nilalagnat pa ito ngunit sa isang iglap ay nasa pinto na si Empress.

Shunpo..

Manghang bulong ni Bryan habang nakatingin kay Empress.

Hindi ito nagsalit at bumaba na sa attic.

Si Bryan naman ay sumunod na dito.

^^~~~^^

Empress' POV

kahit hindi mapakinabangan at gulo gulo ang kwarto ko ay pumasok ako.

Dumiretso ako sa walk in closet at pumasok sa banyo upang maligo. Kahit kumikirot pa ang sugat ko at kahit pinunasan nako ni Mira kagabi. Feeling ko ay may dugo paring naka dikit sa balat ko.

Ngayon ang dating ni Clyde. Nagpapasundo to sakin sa gate.

Nagising ako kaninang mga 5 dahil sa tawag nito na sinasabing paalis na daw siya sa kanila.

Kung siya ang mag dadrive ay baka mga 2 oras lang din ang byahe niya katulad ng sakin.

Pero ang normal na byahe ay nasa 3 oras mahigit.

Alam ko namang mabilis din magmaneho ung ugok na un kaya, kayang kaya niya ng 2 oras un.

Sinabit ko ang jacket ni Bryan bago tumapak sa shower.

Gusto ko sanang mag babad sa bath tub kaso may tama ang tagiliran ko.

Napapikit ako ng maramdaman ko ang maiinit na tubig na tumama sa balat ko.

Naalala ko ang mga nangyare kagabi.

Hindi ko alam kung pano ako napunta sa black house. Naalimpungatan ako na nakasandal ako sa pinto kagabi pero hindi ko maalala kung paano ako nakarating dito.

Sa pag kaka alala ko ay napasandal na ako sa isang puno at dun nawalan ng malay. Hindi nman kasi malala ang sugat ko. Isang tama lang ng baril. Pero bat ganun yung epekto sakin? Kung tama ang hinala ko...

Hihintayin ko nalang ang sasabihin ni Mira.

Kaya hindi ko alam kung paano ako napunta sa may pintuan ng BH.

Mystic HighTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon