Nagsasayawan na ang mga kaibigan ni Gelyn na sina Jinky at Drae habang siya naman ay nakaupo lang sa kanyang silya. Sa katunayan madami na ang nag-aaya sa kanya mula pa kanina kaso ayaw niya talaga. Ang nais niya lang ay makauwi na kaso mapilit ang dalawang kaibigan niya na dapat magrelax siya kahit ngayong gabi lang daw.
Marerelax ba talaga siya? Mas lalo pa nga siyang naistress sa ingay ng musika at mga tao sa paligid.
"Gelyn, right?" sabi ng isang baritonong boses sa harapan niya.
Sa pagtingala niya ay parang sila lang nung taong nasa harapan niya ang nag-eexist sa mundo niya.
Kakaiba 'to!
Sabi niya sa mismong sarili.
"Hey!" tawag ulit sa kanya nito.
Nagulat siya parang nagkaroon ng malay sa pagkakatulala nito.
"Y-yes." nauutal pa niyang sabi rito.
Napangiti naman ang binata sa naging reaksyon ng dalaga sa kanya. Sobrang guwapo ba talaga niya para ikatulala ng kahit na sinong babae?
"Can we dance?" alok nito kay Gelyn.
Sa hindi namamalayan ni Gelyn ay sumasayaw na sila sa gitna pareho.
'Ang ganda naman ng mga mata niya. Para niya akong inaalok na titigan pa siya.' sa isipan ni Gelyn habang tinititigan nito ang guwapong mukha ng binata.
Sino ba naman kasing babae ang hindi matutulala sa isang katulad niya? Bukod sa malatsokolate niyang mga mata ay talaga namang napakapupula ng kanyang labi na tila inaaya kang halikan ito. Guwapo na nga, sobrang matipuno pa ang katawan. Bruskong-brusko.
"How'd you know my name?" curious na tanong ng dalaga rito.
"A girl asked me to dance you."
Pagkarinig niya nun ay nanlumo siya bigla. Akala niya kusa siyang nagustuhan na isayaw ng lalaki. Teka! ba't bigla niyang naiisip iyon?
"What's the name of that girl?"
"Dren? Oh I forgot."
"Drae? Tama ba ako?" mabilisan niyang tanong sa binata.
"Yes. It's Drae."
Sinasabi ko na nga ba!
"Can we sit?"
Umupo naman na sila sa dati nilang kinaroroonan. Yung dalawa niyang mga kaibigan ay nasa gitna pa at nag-eenjoy.
"By the way, I'm Earl Sarmiento. Just call me Earl."
Napasaisip niya na parang bago ito sa kanila. It seems like ngayon lang niya nakita ito sa lugar nila.
"Parang ngayon lang kita nakita." takang tanong niya sa binata.
"Yes, of course. I just came here yesterday. I'm from Manila." sabi nito habang nakatitig ng sakto sa mga mata ni Gelyn.
"You're the Manila boy my friends want me to meet."
Napatawa na lang si Earl sa sinabi ng dalaga. Sa katunayan una pa lang na kita ni Earl kay Gelyn ay nagustuhan niya na ito. She's so gorgeous for him that no man can resist her. Probinsyana man siyang maituturing ay kakaiba siya sa lahat ng babaeng kanyang nakasalamuha.
"Who are those friends of yours?"
"Drae and Jinky."
"Drae? the one who asked me to dance you and Jinky, yung girlfriend ng tropa ko na kaibigan ko na rin."
Gelyn asked him how kung paano sila naging magkaibigan. He told her na ipinakilala si Jinky sa kanya ng tropa na it happened na girlfriend nung tropa niya. She remembered na dun pala sa Maynila nagbakasyon si Jinky last summer.

YOU ARE READING
The Second Choice
Teen Fiction"Nothing is more painful than regret." Earl Sarmiento said since the day the girl he loves left him. "Letting go someone you love is setting the both of you free." Gelyn Cortez told to herself because she wants to let go the pain she's keeping in...