Chapter 8

176 3 0
                                    

"What was that all about? Tell me! Anong nangyayari sa'yo?!" galit na tanong ni Nathan sa kaibigan.

Hindi siya sang-ayon sa narinig mula sa bibig ni Earl na sila na ng babaeng tinuturing nitong kapatid lamang kaya hinigit niya na ito agad. Alam niya na merong malalim na rason ito pero hindi naman dapat umabot ng ganoon.

"Iyan ba ang ating pag-uusapan?" paismid na tanong ni Earl kay Nathan. 

Napasabunot na lang sa ulo ang kaibigan na parang hindi niya alam ang gagawin dito.

"Kung ganun, babalikan ko na ang girlfriend ko." kalmang saad nito saka tinalikuran ang kaibigan ngunit hindi pa man niya naihahakbang palayo ang kanyang mga paa ay napatigil siya sa sinabi ng kaibigan.

"Sinong girlfriend? 'Yung nasa Maynila o 'yung kasasagot lang sa'yo?" sarkastikong tanong ng kaibigan sa kanya. 

Pagkaharap ni Earl sa kanya ay lumapit agad ito at tinulak siya ng marahas.

"Kung makapagsalita ka parang may alam ka 'ha?" sa mga mata ng binata ay halata ang galit mula rito.

Umismid lang si Nathan mula sa reaksyon ng kaibigan.

"Paano naman si Kelly, Earl? Think of her! Ilang taon na kayo tapos lolokohin mo lamang siya sa pamamagitan ng babaeng kapatid lang naman ang turing mo?!" and with that, Earl punch his face without any hesitation.

"You don't know anything! Shut your mouth!" galit pa ring saad ni Earl sa kaibigan. 

Galit siya. Galit na galit. Ayaw niya na pinapakialaman siya sa mga desisyon niya at alam niyang alam ito ng kanyang kaibigan.

"HAHAHA! Iyon na nga e, WALA AKONG ALAM!" inayos muna ni Nathan ang sarili saka iniwang tulala si Earl sa pagkakatayo.

Earl knows na sa ginawa niya ay mali siya but no one can stop him from his decision. He did it  on purpose.

***

Masayang kumakain sina Gelyn at ang mga kaibigan niya sa cafeteria ngayon ngunit sa kanilang tatlo siya ang pinakamasaya. Sino ba naman ang hindi kung ang lalaking mahal na mahal niya kasintahan na niya.

Sa matagal na panahon ay hindi niya naramdaman ang pakiramdam na mayroon siya sa ngayon. She's not sure if Earl will stay in their province for good but she told to herself na malayo man sila sa isa't-isa, ibibigay niya ang buong tiwala niya rito. 

"Labas tayo mamaya, libre ko." masayang tugon ng dalaga sa mga kaibigan. 

Napangiti naman si Drae sa narinig. Minsan lang manlibre ang kanilang kaibigan kaya siniko niya na rin si Jinky para sumang-ayon. 

"Oo na Drae pupunta ako. Ano gusto mo books ilibre niya sa'yo?" sinapok naman siya nito sa ulo.

Tawang-tawa na lang si Gelyn sa mga asta ng kaniyang mga  kaibigan. Ramdam niya ang saya nila para sa kanya. 

"Don't have money for books Drae." Drae just glared at them.

Habang nagkukuwentuhan ay nagulat na lang si Gelyn ng may nagtakip sa kanyang mga mata. Hindi niya mawari kung kanino ba ang mga kamay na iyon pero mabango sila. Gustong-gusto ng dalaga ang mga amoy na iyon pero gusto niya din naman agad malaman kung kanino ang mga iyon kaya pinilit niyang tanggalin ang mga ito sa kanyang mga mata.

"Guess who kasi, atat mo girl ha." komento ng kaibigang si Jinky kaya pagkasabi nun ng kaibigan ay agad siyang nag-isip kung sino ba ang madalas magpiring sa kanya.

Sa pagkakaalam niya ay wala naman kundi ang tanging makulit na pinsan niya lamang na lalaki ngunit hindi naman ganto kabango ang mga kamay niya.

"Mahal na mahal mo!" pagtulong ng kaibigang si Drae sa kanya.

The Second ChoiceWhere stories live. Discover now