Chapter 4

480 6 4
                                    

Halos araw-araw ay nagti-text sa kanya si Earl. Palagi niyang tinatanong kung kumain na ba siya at tuwing umaga nama'y binabati siya ng binata ng 'magandang umaga' o kaya nama'y tinatanong siya kung nakatulog ba siya ng maayos.

Hindi alam ni Gelyn kung ano ba ang nararamdaman niya sa binata. Sobrang masaya siya tuwing magkatext sila. Hindi niya talaga maipaliwanag ang nararamdaman niya para rito.

"Nakakapagtaka talaga noh? Yung kaibigan natin diyan, diba tamad sa pagtatype, ayaw sa text text na iyan? Pero tignan mo nga naman, yung ngiti hindi mo maipaliwanag sa sobrang saya habang tipa ng tipa."

"Laki nga ng pinagbago e. Hindi na nga tayo makausap kasi busy sa katext."

Hindi naman talaga mahilig sa text-text si Gelyn pero malay niya ba kung ano ang nangyari sa kanya simula ng makatext niya ang lalaking galing sa Maynila.

"Pinaparinggan niyo ba ako?" aniya sa mga kaibigan.

"Oo, ikaw nga. Sino ba kasi 'yang katext mo at kung makangiti ka diyan wagas?" tanong sa kanya ng kaibigang si Drae.

"Si Manila Boy." diretsong sabi ni Gelyn sa mga kaibigan ng walang pagdadalawang isip.

Napangisi ang mga kaibigan saka tinukso ito.

"Sinasabi na nga ba!"

"Hoy babae! Ako made of honor sa kasal niyo ha!"

"Hindi puwede, ako dapat. Diba Gels?"

Natawa na lang siya sa mga makulit niyang kaibigan.

"Kasal agad? Grabe kayo ha! Saka playboy 'yun, ayoko dun." aniya.

"Bakit sa tingin mo gusto ka nun?" pang-aasar ni Jinky sa kanya.

"Tama na nga!" sabi niya saka sila naghalakhakang magkakaibigan.

Lingid sa kaalaman nila na patungo pala sa kanila ang grupo nina Earl.

Nasa parke kasi sila ngayong magkakaibigan.

"Gels, your future husband is arriving." nakangising asar ng mga kaibigan rito.

"Girls, sup?" sabi ng mukhang half american na kasama ni Earl kina Gelyn.

"Anong sinadya niyo rito?" tanong ni Gelyn na agad ang tingin kay Earl.

"We're just there but we saw you here so we came to approach pretty girls like you." tugon nung half american.

"Okay." sabi naman ni Gelyn pero nakatuon lang ang tingin  kay Earl.

Napansin naman agad ng binata na hinihintay nito ang sagot niya.

Linapit ni Earl ang mukha kay Gelyn na nagpagulat sa dalaga.

"I miss you and I want to see you again."

Tumaas ang mga balahibo sa katawan ni Gelyn. Kumalabog ang puso niya ng mabilis.

Ilinayo na ng binata ang mukha sa dalaga at biglang naghiyawan ang mga barkada ng dalaga na sina Jinky at Drae.

"You look good together!" sigaw nila.

Tumawa lang si Earl pero nag-init bigla ang mukha ni Gelyn.

What in the world na makakaramdam siya ng mga ganoong bagay?

Does she feels something for Earl? Pero ang bilis naman. Nakita niya lang ito sa ball at higit sa lahat nagkausap lang sa text and call.

Iba talaga ang awra ng binata para sa kanya.

"Stop it." saway ng dalaga sa kanila noong nakontrol niya na ang sarili.

Ngunit sa hindi namalayan ni Gelyn ay hinila na siya bigla ni Earl palayo sa mga kaibigan.

Itutuloy!

The Second ChoiceWhere stories live. Discover now