Masayang-masaya si Gelyn na sa wakas nagbalik na ang taong sabik na sabik niya ng makita at makasama. Tila nawala sa isipan ng dalaga na may kasintahan na ito.
"Kamusta ka na?" tanong sa kanya ng binata.
Napangiti si Gelyn sa pagkasabi ng binata ng tatlong salita na tila ba sinasabi nito sa kanya na may pakealam din pala ito sa kanya.
"Masaya kasi andito ka na sa wakas." galak-galak na sabi ng dalaga rito. Hindi mawala sa labi ng dalaga ang mga ngiti ng galak na nararamdaman niya.
Nasa rooftop sila pareho ng paaralan nina Gelyn dahil hinatak siya ng binata upang makapag-usap sila ng masinsinang dalawa.
"Pasensiya na dahil naglihim ako sa'yo, dahil hindi ko man lang nasabi na may kasintahan na pala ako." hinawakan ng binata ang kamay ng dalaga.
Ang mga salitang narinig ng dalaga ay tumagos agad sa puso't isipan niya na wala na talagang pag-asa ang salitang 'sila'. Masakit man sa damdamin ay humarap si Gelyn sa binata kasabay ng paghawak rin niya ng kamay nito. Binigyan niya ito ng pilit na ngiti.
"It's fine. No need to say sorry, I'm just a friend of yours na hindi naman talaga lahat dapat ng tungkol sa'yo ay malaman ko."
Alam ni Earl na sa pagbigkas ng dalaga sa mga salitang kanyang binitawan ay may pait itong nararamdaman na sa kanyang mga mata ay may nagbabadyang patak ng luha. Sa pagbabalik nito ay nagdesisyon siya ng isang bagay na alam niyang mali pero ito lang ang siyang tanging paraan para maibsan ang sakit na nararamdaman ng dalaga.
Nang tuluyan ng pumatak ang mga luha ng dalaga ay hinatak ng binata ang kamay nito patungo sa kanya upang bigyan ng isang mainit na yakap na nagsasabing 'andito ako'.
"Can you be my girlfriend?"
Pagkarinig ng dalaga sa tanong ng binata ay tila napatigil siya't tiningala ang kanyang mukha upang tignan ang reaksyon ng binata na tila walang pag-aalinlangan sa pagtanong sa kanya.
"G-girlfriend? W-wala na ba kayo?" nauutal pang tanong ni Gelyn rito.
Lumakas ang kabog ng puso ng dalaga kumpara sa kabog nito kanina. Sa muling pagkakataon ay hinatak siyang muli ng binata ngunit hindi para yakapin pero hinalikan siya nito ng maingat.
Sa una ay parang naestatwa ang dalaga sa ginawa nito sa kanya dahil sa gulat pero agad din naman niyang linabanan ang halik mula sa binata.
Nang tuluyang maramdaman ni Earl na hinalikan siyang pabalik ni Gelyn ay dineklara niya mismo sa sarili na sa kanya na ito, na sa pagkakataong iyon ay sila na.
Pumatak ang huling luha ni Gelyn kasabay ng pagtatapos ng halik na nag-ugnay sa kanila na siyang nagpapatunay na mahal niya talaga ang binata. Pinahid ni Earl ang mga luhang natitira sa mukha ng dalaga at ang ngiti ng galak ay siyang gumuhit sa kanilang mga labi.
"Halika't sabihin natin sa kanila." sabi nito sa dalaga at nagpatinaod naman ito patungo sa kanilang mga kaibigan na nasa classroom na kinaroroonan nila kanina.
Napatingin ang kanilang mga kaibigan sa kamay nilang magkahawak ng sobrang higpit na tila pinapakitang hindi sila mapapaghiwalay na dalawa.
"Kami na!" sabay nina Earl at Gelyn na saad.
Napangiti ang mga kaibigan ni Gelyn na sina Jinky at Drae ngunit may pagtataka pa rin sa kanilang mga mata na habang napapailing naman ang kaibigan ni Earl na si Nathan. Madaming katanungan mula sa mga kaibigan pero pinili na lamang nila na tumahimik at maging masaya para sa dalawa.
"Congrats pero Gelyn, puwede mahiram ko muna kaibigan ko? May pag-uusapan pa kasi kami." saad ni Nathan.
"Ano ba Nate? Kita mo namang kasasagot lang ata sa kanya ni Gelyn e. Pwede mamaya na?" reklamo naman ng kasintahan nitong si Jinky.
Alam nito na kakausapin ng kasintahan ang kaibigan dahil alam niyang may alam itong may mali pero gusto niya rin lang naman maging masaya ang kaibigan niya kahit saglit lamang.
"Okay lang Jinks, ano ka ba. Hahaha sige!" tawang-tawa na sabi ni Gelyn sa kaibigan.
Sa pag-alis nina Earl at Nathan ay agad na nagsilapitan sa kanya ang mga kaibigan na at inintriga siya sa nangyari sa kanila ni Earl kung paano at bakit.
"We're happy for you naman but is it okay with you na may kasintahan 'yung tao which is not good." may pag-aalalang tugon ni Drae sa kaibigan ngunit ngumiti lamang si Gelyn at humarap sa kanila.
"Thank you but he told me na wala na daw sila nung girlfriend niya."
Yinakap nina Jinky at Drae ang kanilang kaibigan dahil sa sobrang saya nila para rito na sa wakas makikita na naman nila ang ngiti ng saya mula rito na hindi nila nakita ng matagal dahil sa sobrang lungkot na nararamdaman ni Gelyn noon.
Nararamdaman ni Jinky na parang may mali sa relasyon nina Earl at Gelyn pero hindi na lamang siya magsasalita pa dahil alam niyang sa sandaling ito na si ang binata lamang ang kailangan ng kaibigan sa ngayon.

YOU ARE READING
The Second Choice
Teen Fiction"Nothing is more painful than regret." Earl Sarmiento said since the day the girl he loves left him. "Letting go someone you love is setting the both of you free." Gelyn Cortez told to herself because she wants to let go the pain she's keeping in...