Chapter 6

344 4 0
                                    

Gelyn and Earl, ano na nga ba sila? that's what Geline thinking everytime she's with him.

Simula noong nag-inarte si Gelyn na masakit ang paa niya ay palagi na silang magkasama ng binata dahil sa pagsundo nito tuwing madaling araw sa kanya sa kanilang bahay upang mag-jogging. Pagkatapos nun ay pupunta sila sa dalampasigan upang magpahinga at siyempre mag-usap tungkol sa iba't-ibang klase ng bagay na puwede nilang pag-usapan.

Sa hapon naman ay magkikita sila ni Earl sa plaza at walang sawang kakaing ng kung anumang gustuhin nilang kainin. Hindi na nga nila makasama ang kanilang mga sariling kaibigan dahil okupado sila ng isa't-isa.

"Kailan ka babalik?" masakit man sambitin ay pinilit pa rin na tanungin ni Gelyn na kung ano ang nasa isip niya.

Earl is going back to Manila already and he's with Gelyn now to say goodbye. Patapos na kasi ang summer break at siyempre kailangan ng bumalik ni Earl kung saan siya galing.

"I don't know, I really don't know kung babalik pa ako." unti-unting yinakap ng binata ang dalaga kasabay ng pagtulo ng kanilang mga luha.

They will surely miss each other lalo na si Gelyn na hindi napigilang mahulog sa binata. She did try all her best to prevent her feelings but she just can't stop herself from falling in love.

"Paano ako?" Gelyn asked without any hesitation.

Napabitaw ang binata sa yakap niya kay Gelyn. She surprised him with her question.

I'll make a way to go back. gusto niyang sabihin rito pero ayaw niyang umasa ang dalaga na babalik pa siya lalo na't hindi niya sigurado. Alam ng binata na may nararamdaman ang dalaga sa kanya kaya mas mabuti na sigurong lumayo siya lalo na't wala siyang nararamdaman para rito kundi parang kapatid lamang niya.

"Marami ka pa namang kaibigan." sagot niya rito

"Hindi ako sanay na wala ka. Please for me!" pumiyok-piyok na boses ni Gelyn habang nagmamakaawa.

Ayaw niyang nakikita ang dalaga sa ganoong sitwasyon ngunit wala na siyang magagawa pa.

"Someday you'll realize na sanay ka na, na wala ang presensya ko." tugon ni Earl sa dalaga ng nakahawak ang dalawang kamay niya sa balikat nito.

Sa una nagustuhan niya talaga si Gelyn pero noong tumagal niya itong nakasama ay tinuring niya itong parang kapatid na kailangan niyang protektahan. The girl made him comfortable at the place, made him welcome at all times. Pero ngayon kailangan niya na talagang mamaalam sa lugar at pati na rin sa kanya.

"Take care of yourself, okay? Huwag mong pabayaan ang sarili mo. I'll miss you Gels, I will." for the nth time he kissed her temple again. She's used to it kasi palagi naman na iyong ginagawa ng binata.

Kahit gusto pang manatili ni Earl at samahan si Gelyn ay wala na siyang magagawa. He need to say goobye.

"Bye Gels!" tugon niya sa kanyang pagtalikod.

Sa tuluyang pag-alis ni Earl ay tuluyang nagbagsakan ang mga luha na kanina pa pinipigilan ni Gelyn. She wanted to say, I  will miss you and I love you but nothing came out from her mouth. Para siyang tuod habang pinapanood ang pag-alis ng lalaking minahal niya sa buong buhay niya.

***

6 Months Later

"Hoy babae!" napakamot na lang siya sa kanyang batok ng marinig ang nakakarinding boses ng kaibigan pero ano bang magagawa niya, kaibigan e.

"Oh?" poker face niyang sagot rito.

Sa anim na buwang nakalipas hindi pa rin mawala sa isip niya ang binatang unang nagpatibok sa puso niya kaya't tuwing hapon ay nasa dalampasigan siya para alalahanin ang mga ala-ala nilang magkasama. Hindi na rin naman na kasi ito nagpaparamdam sa text o sa tawag man kaya wala rin siyang magawang iba para makausap ang binata. Pasalamat na lang siya at meron siyang mga baliw na kaibigan na nasa tabi niya.

"Oh ka diyan! May balita ako sayo." lumapit si Drae sa kanya at iniharap sa mismong mukha niya ang bago nitong cellphone.

Nagtatakang tumingin siya sa kaibigan. Iniisip niya kung nagyayabang ba ito sa kanya, hindi naman ito ganto ang kaibigan niya, hindi nito hilig ang magyabang.

"Aanhin ko 'yan?" tanong niya rito.

Naparoll-eyes na lamang ang kaibigan niya sa hindi pag-intindi sa gusto nitong sabihin.

"Open mo, tignan mo."

Nagtataka man siya sa kilos ng kaibigan ay ginawa niya pa rin ang utos nito. Pagkabukas niya sa cellphone ng kaibigan ay hindi niya inaasahan ang kanyang nakita.

Kelly Thomas with Earl Sarmiento

I don't wanna live without you, I just want you in my life.
Happy 3rd anniversary mahal. Stay strong to us!

98 likes     2 comments

She dropped the phone of her friend with her mouth opened.

"Jusko Gelyn! Bago daw yung phone ko. Huhuhu!"

Hinayaan niya lang ang kaibigan niya habang pinupulot ang cellphone niya. Hindi siya mapakali sa nakita niya. All this time may kasintahan pala ang lalaking nagpapatibok sa puso niya. Pero ano iyong mga ipinakita nito sa kanyang kabutihan na parang may gusto rin ito sa kanya?

She fooled herself!

"I assumed." tumakbo siya paalis sa dalampasigang araw-araw niyang binibisita.

Pagkadating sa bahay nila ay diretso siya sa kuwarto niya. Iniyak niya lahat ng luha na puwede niyang ilabas.

Ganito pala ang pakiramdam ng magmahal. Masaya at the same time masakit. sabi niya sa kanyang sarili.

She tried her best to forget Earl. All of the memories na meron siya tungkol sa kanya ay binura niya. Sa cellphone at pati na rin ang mga gamit na binigay nito sa kanya.

Sa araw-araw na pagpunta niya sa lugar kung saan sila magkasama ay iniwasan niya na ring puntahan. Ang gusto niya lamang ay bagong buhay na walang Earl sa sistema niya. For her, being in  love is a horrible feeling. You won't care if you will get hurt in the end, you will just go with the flow. It will ruin everyone's life.

"Shut your mouth Drae! Wala dapat malaman si Gelyn tungkol sa pagbalik niya rito." mabilis pa sa kisap mata siyang pumasok sa pintuan ng kuwarto kung saan naroroon ang kanyang mga kaibigan pagkarinig ng mga sinabi ni Jinky.

"Ano ang hindi ko dapat malaman?" maawtoridad na tanong niya sa kanyang mga kaibigan.

Nagtitinginan lamang ang dalawa niyang kaibigan. Wala sa kanila ang gustong sumagot sa tanong niya. They are afraid masaktan lang siya. Alam kasi nila na pinipilit na nitong limutin ang lalaking unang nagpatibok sa puso nito.

"Tell me! Ano ba? We're friends, please." pamimilit niya sa mga kaibgan na sabihin ang bagay na hindi niya dapat malaman.

"Ahhh, we are about to surprise you sa--" pangangatwiran ni Jinky pero hindi gumana dahil pinutol agad siya ng dalaga.

"Don't make reasons. Just tell me the truth!" this time naging mas seryoso na siya at makikita na sa mukha niya ang pagkagusto niyang malaman ang bagay na pinag-uusapan ng dalawa.

"Jinks water na lang inumin mo, wala na daw kasing soft drinks." hindi man pamilyar ang boses na narinig ng dalaga ay tumingin pa rin siya.

It was an unfamiliar face pero noong tignan niya ang katabi ng lalaking nagsalita ay lumakas ang paglundag ng kanyang puso. Sa hindi niya inaasahang pagkakataon ay makikita niya muli ito.

Hindi niya namalayan ang sarili na tumutulo na pala ang mga luha habang yakap yakap ang taong gusto niya ng kalimutan ngunit ngayo'y hindi niya alam kung ano ang bumulong sa kanya at nagawa niya ang kanyang ginagawa ngayon.

***

The Second ChoiceWhere stories live. Discover now