Dinala ng binata si Gelyn sa bilihan ng cotton candy.
"H-hoy ba't ba nanghihila ka na lang b-bigla? Ano bang gagawin n-natin rito?" tanong ng dalaga rito.
Napapautal lang si Gelyn dahil sa malakas na kabog ng puso niya.
"Ibibili kita." malambing na sagot sa kanya ng binata.
Hindi naman siya mahilig sa mga matatamis pero simula siguro ngayon magiging sweets lover na siya. Hindi niya alam kung bakit iyon ang iniisip niya. Tinanong niya ang sarili kung nawawalan na ba 'to ng wisyo.
"Gelyn, ilan ang gusto mo?" nagulat siya sa pagsasalitang muli ng binata.
"Ah...ano? Hmmm...isa na lang isa."
Ang totoo niyan nahihiya siya kay Earl dahil hindi niya na talaga alam kung ano ba ang nararamdaman niya para rito. Pangalawang araw pa lang nilang magkita at halos sa chat at text lamang sila nagkakausap, parang ang babaw naman kung nahulog siya agad.
Hindi niya alam na kanina pa pala siya kinakausap ng binata dahil sa malalim na pag-iisip niya habang nakatitig rito.
"What are you thinking? I'm talking to you but seems like you're in a deep thought. Cotton candy mo." kinuha naman niya ang inabot sa kanya.
"Thanks!" sabi niya na may nakaukit pang matamis na ngiti sa mga labi.
Pakiramdam niya first date nila 'to dahil dadalawa lang sila rito sa parke magkasama. Kasama nila mga kaibigan pero malayo naman ito sa kanila.
Shet! Nababaliw na ako. isip niya ulit.
"Balik na tayo?" parang nabiyak naman ang puso niya sa tanong nito sa kanya. Kakaimagine niya lang na may date sila tapos matatapos agad?
Pero dahil sa matalino siya, nakaisip siya ng paraan.
"Upo muna tayo doon sa may bench, medyo sumasakit na kasi 'tong paa ko natapilok kasi ako kahapon. Malayo pa naman sila mula rito." umarte pa siya na nasasaktan nga ang paa nito.
Nauna na siyang naglakad patungo roon sa sinasabi niya ng paika-ika. Malapit lang naman ito mula kung nasaan sila. Sumunod naman ito sa kanya saka inalalayan.
Best actress bes! pinuri niya ang sarili.
"Gusto mo hilutin ko?" napaoo na lang siya agad.
Yumuko ang binata sa kanya at sinimulang hilutin ang kanyan mga paa.
Ano ba talaga ang nakain niya at napakalandi niya ngayong araw? Ayaw niya ng mga nangyayari sa totoo lang pero wala siyang magagawa ito ang sinasabi ng puso niya.
Habang nahihilot siya tahimik ang paligid. HIndi niya matiis na hindi kausapin ang binata kaya ayun bumubuo na naman siya sa isipan niya kung ano ang gagawin para bumuo ng usapan nila.
"Hanggang kailan ka rito?" tanong niya.
"Pagkatapos ng summer siguro." sagot naman ng binata habang hinihilot pa ang paa niya.
Kabaliwan na nga ang ginagawa niya. Siya pa ang unang gumagawa ng paraan para magkasama pa sila imbes na ito sana.
"Bakit?" napanganga siya.
Anong klase ba naman kasi yung tanong niya? Hindi ba obvious na isinama lang siya nung boyfriend ni Jinky rito?
"Kasi may pasok na this June diba? Ayos naman 'tong paa mo. Wala naman akong naramdaman na kahit anong mali." sabi sa kanya ng binata saka tumabi na ito sa kanya.
"Ah so saan kayo tumutuloy ng boyfriend ni Jinky?"
"Huh? Wala rito si Nathan. Saka kina tita ako tumutuloy."
"So you mean, you're not here because of Jinky's boyfriend?"
Nagtataka siya.
"You know Tita Blanca?" tanong sa kanya nito.
Napaisip naman siya. Tita Blanca? 'Yun yung babaeng nasa 40's na siguro. Yung mapagkakamalan mong araw-araw na may regla dahil sa kasungitan. Tita niya 'yun? Hala! Buti hindi siya nagmana.
Habang nag-iisip siya, hindi na niya namamalayan na kanina pa pala siya tinatawag ng binata.
"Uy."
Nagulat siya sa pangangalabit nito sa kanya. Parang natauhan siya.\
"Ah... oo masungit 'yun hindi ba?" at mas nagulat pa siya sa lumabas sa bibig niya.
Tita niya yun e ba't ba kasi harapan niyang sinabi ito sa lalaki?
Tumawa lang ang binata ng mahina. "Don't worry, hindi naman 'yun masungit talaga. Actually, she's the nicest aunt I have. Masungit lang naman 'yun sa mga taong nararamdaman niyang plastik." sambit nito.
Plastik? Ah oo nga naman. Kasi yung mga kadalasang sinusungitan niyang nadadatnan ko 'pag bumibisita ako kina Drae ay mga plastik talaga ng barangay. Judgemental kasi ako masyado.
"Hahaha! Sorry ha nanghusga na naman ako saka sa auntie mo pa." yinuko ko na lang ang ulo ko sa kahihiyan. Naku naman!
Ano bang pumasok sa isip ko at kinaya ko 'yung tinanong? Paano na 'to? Ano na lang ang masasabi niya sa akin na mapanghusga ako?
Bigla na lang bumilis ang tibok ng puso ko nang bigla niyang iniangat ang ulo ko at iniharap sa mukha niya hanggang sa nagtapatan ng titig yung mga mata naming dalawa. Parang gustong lumabas ng puso ko. Jusko! Ano ba 'tong nararamdaman ko?
"Okay lang yun." and he just chuckled then without my knowledge, he kissed my temple.
YOU ARE READING
The Second Choice
Teen Fiction"Nothing is more painful than regret." Earl Sarmiento said since the day the girl he loves left him. "Letting go someone you love is setting the both of you free." Gelyn Cortez told to herself because she wants to let go the pain she's keeping in...