Sa gabi ay hindi na nakatulog pa si Gelyn dahil sa kakaisip sa lalaking 'yun. Hindi naman talaga interesado sa mga lalaki pero hindi niya alam sa sarili niya kung bakit napansin niya si Earl. Hindi ito karaniwang bagay na nangyayari sa kanya.Bumangon siya at tutungo na sana sa kusina para uminom ng gatas pero biglaan na lang tumunog ang cellphone niya.
Pagtingin niya rito ay unknown number naman. Pero sinagot niya na lang.
"Hello?"
(Hi!)
Napaisip siya kung sino namang sira ulong lalaki ang tatawag sa kanya para sabihin lang ang Hi.
"Sino 'to?"
(It's Earl, Gelyn.)
Nagulat talaga siya dahil sa sinabi ng tumawag. Iniisip niya lang kanina pero eto ngayo't tumatawag sa kanya.
"B-bakit?"
Napamura talaga siya dahil imbes na tanungin niya kung saan niya nakuha numero niya iba naman natanong niya.
(I just wanna make sure kung numero mo ba talaga 'to. Parang nanloloko kasi kanina si Jinky e noong tanungin ko numero mo.)
Tinanong niya numero ko? Gosh!
Sa isip-isip ni Gelyn. Yung ngiti niya talaga ay umabot sa mga mata niya.
"Bakit mo naman natanong numero ko?"
(I don't know. Maybe I just want to talk to you kahit hindi tayo nagkikita.)
And with that sentence napatay niya ang tawagan nila.
Napamura talaga siya ng sobra dahil hindi niya malaman kung bakit gusto niya pang makausap ng matagal ang binata.
Hinintay niyang tumawag pa ito pero wala. Nahiya naman siyang tawagan ito pabalik baka sabihin pang gusto niya ang binata.
Gusto niya nga ba?
Sorry guys so short update talaga. Hmmm...hindi talaga gumagana 'tong utak ko ngayon. Huhuhu!
YOU ARE READING
The Second Choice
Teen Fiction"Nothing is more painful than regret." Earl Sarmiento said since the day the girl he loves left him. "Letting go someone you love is setting the both of you free." Gelyn Cortez told to herself because she wants to let go the pain she's keeping in...