Chapter 9

130 2 0
                                    

Habang kumakain sina Earl at Gelyn ay biglaang may tumawag sa binata. Nagpaalam ito kay Gelyn na sasagutin muna ang tawag na sinang-ayunan naman ng dalaga. 

She thought to herself na hindi man ideyal ang first date nila, sisiguraduhin niyang magiging perpekto ang relasyon na mayroon sila. Earl is her first boyfriend and she want him to be her last. 

Paubos na ang pagkain ni Gelyn ngunit hindi pa bumabalik ang binata kaya napagdesisyunn niyang gamitin muna ang cellphone niya. Napangiti na lamang siya sa nakakatawang mensahe ng mga kaibigan sa kanya ng makita ito.

'Yung mga pinabili namin, huwag papairalin ang hiya. Mapera kaya 'yan sulitin mo na hahaha charot enjoyin mo date mo.'

Hindi na siya nagreply sa mga makukulit niyang kaibigan kundi inikot na lamang niya  ang mga mata sa paligid ng shop. Nakita niya si Eral sa may labas nito at nakakunot ang noo nito habang nakikipag-usap sa cellphone na parang galit sa kausap. Gustuhin man niyang lapitan ito upang pakalmahin ay pinili na lamang niyang manatili sa upuan niya.

They are together. Yes , pero wala siyang karapatang manghimasok sa kasintahan niya. If he wants her to know, sasabihin naman niya sa kanya.

Ilinagay niya na lamang ang atensyon sa pag-ubos ng mga pagkaing inorder nila. 

Habang kumakain ang dalaga, hindi niya namalayan na nasa may gilid niya na pala si Earl na nakangiti. Umupo ulit ito sa tabi niya but this time nakahawak na ang mga kamay nito sa kamay niya habang nakatitig sa kanyang mga mata.

"Gels, I'm sorry. There's an emergency and they need me, I hope you understand." then he kissed her cheek. 

Imbes na kiligin ang dalaga ay napatulala na lamang  ito ng makita ang likuran ng kasintahan na paalis na palayo sa kanya. Gusto niyang maintindihan pero ganoon na lamang ba matatapos ang first date nila? 

'May emergency at kailangan siya roon. What kind of emergency?' tanong niya sa sarili.

Hindi niya maikubli ang sakit na nararamdaman niya pero kailangan niyang intindihin ang binata. Mahal niya ito kaya kailangan niyang magtiwala. Hindi na naubos ni Gelyn ang mga pagkain na inorder nila imbes ay umalis na rin lamang siya sa lugar at nagdesisyong umuwi na. 

***

Dalawang araw na ang nakalipas simula nang iwanan ni Earl si Gelyn sa kanilang date dahil sa isang emergency pero simula noon ay hindi nakakausap at nakikita ng dalaga ang kanyang kasintahan. Sinubukan niya itong kausapin sa tawag at text pero hindi din naman sinasagot. Tinanong niya sa kaibigang si Jinky kung alam ba ni Nathan kung nasaan ang kaibigan pero maski ito ay hindi alam kung nasaan si Earl.

Nagbakasali si Gelyn na baka nasa bahay lang tiya si Earl naroon kaya sa unang pagkakataon ay napunta siya doon.

Her mind is invaded by worries. Pag-aalala na baka may nangyari ng masama sa binata at pag-aalala na baka narealize niya na hindi pala siya nito gusto.

"Tao po!" sigaw niya sa may bandang gate ng tiya ni Earl. Nakailang ulit pa niyang inulit-ulit ang pagsigaw ngunit ni anino ay walang lumabas mula sa bahay hanggang sa may kumalabit sa may likuran niya. Sa pagharap niya ay naguhit ang ngiti sa kanyang mga labi ng makita niya ang tiya ng binata.

"Hinahanap mo ba si Earl iha?" tanong nito sa kanya habang nakangiti.

"Opo kasi dalawang araw na siyang wala sa school, nag-aalala lang po kasi ako bilang kaibigan niya." 

Pinatong ng tiya ni Earl ang kamay niya sa braso ng dalaga na tila nagpapahiwatig na huwag na siyang mag-alala pa.

"Hinatid ko siya sa terminal noong isang araw pa, patungong Maynila dahil nasa ospital ang nanay ni Kelly, kailangan niya ngayon si Earl. Huwag kang mag-alala may letter of excuse naman siya sa university niyo."

Pagkadinig ni Gelyn ang pangalang Kelly naramdaman niya ng nagbabadya ang kanyang mga luha pero pinilit niya itong pigilan at ngumiti na lamang sa tiya ng binata.

"Sige po, salamat." pagkasabi niya nun ay agad-agad siyang tumalikod habang nag-uunahang pababa ang kanyang mga luha.



The Second ChoiceWhere stories live. Discover now