Isang liggo ng nagkukulong si Gelyn sa kuwarto simula ng mapag-alaman niya kung saan tumungo ang kasintahan. Maski pagpasok sa paaralan ay hindi niya ginawa. Saka lang niya binubuksan ang pinto ng kanyang kuwarto 'pag may pagkain na linagay sa tapat ng pintuan niya.
Dahil sa pag-aalala ng mga kaibigan ay napag-isipan ng mga itong dalawin siya sa kanilang tahanan.
"Gels, may bisita ka!" sigaw ng mama niya mula sa sala.
Gising siya at rinig niya ang sinabi ng kanyang ina pero nagkunwari siyang nagbibingi-bingihan dahil hindi pa siya handang humarap sa mga kaibigan. Pakiramdam niya kase ay hindi siya kamahal-mahal para lokohin lang ng isang Earl Sarmiento.
Nakahiga lamang siya at iniisip kung bakit hindi siya magawang mahalin ng lalaking kanyang iniibig.
Nagulat na lamang siya ng unti-unting mabuksan ang kuwarto niya at niluwa nito ang dalawa niyang kaibigan na isang linggo na rin niyang hindi nakikita. Napaayos siya at umupo sa kanyang kama para salubungin ang mga ito. Napaluha siya ng yakapin siya ng mga ito ng mahigpit.
"Pasensiya ka na, ngayon ka lang namin nadalaw. Alam namin na you need space pero 1 week is enough." saad ni Drae sa kaibigan.
"Ano ka ba? Ba't ka ba kasi nagkulong? Para lang sa kanya?! Girl, others are better than him saka we're here oh. Diba forever tayo?" cheer up naman sa kanya ni Jinky ng pansing sobra na ang iayk ng kanilang kaibigan.
Hindi mapigilan ni Gelyn ang umiyak dahil ngayon ay naramdaman niyang mayroon pa pala siyang mga kaibigan na nagmamahal sa kanya ng totoo at buo.
"Sorry, masakit kasi e. You know, it's my first time to fall in love like this and he ran away tapos malalaman ko na lang nasa Maynila na pala without my knowledge." Sagot niya sa mga kaibigan habang tuloy pa rin ang tulo ng kanyang luha.
"Gels, ayaw naming sabihin 'to sa'yo but you need to know the truth."
Pagkasabi pa lang iyon Jinky ay parang alam niya na kung ano ang sasabihin ng mga ito. Parang alam niya na masasaktan lamang siya sa maririnig. Ayaw niya itong marinig pero kung hindi niya ito papakinggan,kakalat ang tanong sa isipan niya. Kailangan niyang maging matapang.
"Earl is here with her girlfriend Gels." agarang sabi ni Drae.
Alam na alam niya kung sino ang binabanggit nilang girlfriend ni Earl pero hindi mawala sa kanya ang umasa kaya't nagtanong muli siya ng tanong mula sa katangahan ng kanyang isipan.
"I'm her girlfriend, right? So nandito talaga ako diba?"
Nanginginig na naman ang kanyang mga labi at nagbabadya na namang pumatak ang mga luha sa kanyang mga mata.
"Don't fool yourself, you know what we mean. He fooled you Gels, he fooled you. Sinamaan lang siya ng girlfriend dito para magpaalam sa tita niya because Earl will be on Manila permanently."diretsang sagot ni Drae rito.
Para siyang nasampal sa sinabi ng kaibigan sa sobrang sakit ng nararamdaman niya ngayon. Ang nagbabadyang luha kanina ay kusa ng bumaba ng tuloy-tuloy.
She decided to get out from her room saka naisipang tumungo sa bahay ng tita ni Earl. Sinubukan pang tawagin at habulin siya ng mga kaibigan pero mabilis ang kanyang takbo para abutan ang lalaking hinihiling ng kanyang puso.
Pagkarating niya roon ay naabutan niya sina Earl kasama ang babaeng sinasabing kasintahan ng binata magkahawak ang kamay habang lumalabas sa may bakuran ng bahay ng tiya nito.
"Earl!" malakas na sigaw niya rito.
Nagulat ang binata paglingon niya sa kung saan nagmula ang sigaw.
'Si Gelyn' saad ng kanyang isipan.
Tumakbo ang dalaga patungo sa kanya at niyakap siya ng mahigpit na tila ba hindi sila magkahawak ng kamay ng kasintahan.
Inalis ng binata ang mga kamay nito na nakayakap sa kanya.
"E-arl?" nagtatakang tanong ni Gelyn sa kanya.
"Excuse me? Sino ka ba? You don't have the right to touch him!" sigaw ng babae kay Gelyn saka hinatak si Earl palayo kay Gelyn.
Para bang hindi narinig ni Gelyn ang sinabi ng kasintahan ni Earl dahil muli niyang linapitan ang binata at lumuhod siya rito habang hawak ang kamay nito.
"Earl, please. You're kidding, right? Ako yung kasintahan mo! Don't leave, diba sabi mo emergency lang? You kissed me right on the rooftop kaya naging tayo, diba?" she said while crying.
"Para kang basang basahan, don't mess with our relationship! You know Earl won't love you saka ano ba hindi ka niya papatulan!" muling sambit ng babae sa kanya.
Tila ba bumagsak ang mundo niya noong bitawan ng binata ang kanyang mga kamay saka tuluyang talikuran siya nito kasama ang tunay nitong kasintahan.
Nasaktan na naman siya, at iisang dahilan dahil sa kanyang katangahan.
Buong katawan niya ay nanginginig na at para bang siya'y nanghihina. Hiniga niya ang sarili sa lupa habang tuluyan pa rung nagdagsaang pababa ang kanyang mga luha. Tumingin siya sa langit sabay sabing,
'Sana masaya siya'
YOU ARE READING
The Second Choice
Teen Fiction"Nothing is more painful than regret." Earl Sarmiento said since the day the girl he loves left him. "Letting go someone you love is setting the both of you free." Gelyn Cortez told to herself because she wants to let go the pain she's keeping in...