TEASER

16.8K 242 14
                                    

For those who read the unedited version of PSYCHO HEART: ZEUS CREED

Please be advise that some part of this story has been revised for better improvement. Scenes, characters and plot also changes.  Thank you and sorry for the inconvenience. Enjoy reading and don't forget to share and vote. Thanks again.

Teaser

Nanginginig ang mga tuhod ko habang pinipihit ang seradura ng pinto ng bahay ko.

"Teka nga, ba't ba ko kinakabahan eh wala naman siyang kahit na anong puwedeng nakawin sa bahay ko?"

Naibulong ko na lang. Ingot ko rin eh, nakalimutan ko na dukha nga pala ako.

Dumere-deretso na ako papasok ng bahay at nang nasa bungad na ako....

Anak ka ng-----

"Susme! Baliw ka ba! Bakit mo iniinom itong lotion ko!"

Laking gulat ko talaga nang mabungaran ko siya na hawak-hawak ang bote ng lotion ko at subu-subo ang bandang bibig nito! Mabilis ko iyong hinablot sa kamay niya.

"Lotion?"

Utal nitong bigkas sa nag-iisang salita saka niya tinikman ang nasa bibig niya nang laman ng lotion ko. Hindi naman maipinta ang mukha nito, marahil sa sama ng lasa noon.

Kahit naguguluhan pa sa mga nakakawindang na pangyayari ay inalalayan ko siya papuntang lababo. Sinahod ko gamit ng palad ko ang tubig sa gripo saka ko ito itinapat sa bigbig niya para sana ipamumog. Ang kaso, ininom niya 'yong tubig imbes na iluwa!

"Siraulo ka ba talaga ha! Bakit mo ininom?"

Hindi man lang niya ako sinagot. Nakatitig lang siya sa'kin habang nakakunot ang noo.

"Hoy ikaw! Umamin ka nga sa'kin, sabog ka ba? Baka naman adik ka nga talaga at high ka ngayon o kaya isa kang durugistang nasa watch list ng pulisya kaya ka sugatan ng makita kita?" Hindi ito umimik. "Puwede ba, sumagot ka!"

Mas lalo niya lang ikinunot ang kaniyang noo bago nagsalita.

"Hindi kita maintindihan."

Ako naman ngayon ang napakunot ng noo.

"Anong pangalan mo? Ilang taon ka na at sa'n ka nakatira?"

Siguro naman ayon masasagot niya na ng matino.

Or so I thought?

Sampung minuto na kasi't lahat-lahat pero nakatitig pa rin siya sa'kin at hindi man lang sinagot maski isa sa tanong ko!

"Labas!"

Pasensiya, ngunit hindi ganoon kahaba ang pasensiya ko. Tila naman mas iniinis pa ako ng isang ito. Ultimo daliri niya kasi ay hindi man lang kumilos.

"Sinabi ng labas!"

Wow grabe, stay still si kuya!

"Ah, ayaw mo ha."

Ako na mismo ang humila sa kaniya palabas ng bahay at nang nasa labas na siya ay saka ko pabagsak na isinara ang pinto.

"Diyos ko naman! Baliw pala 'yong lalaking 'yon!"

Naisigaw ko na lang pagkaupo ko.

Akala ko pa naman talaga naka-jackpot na ko ng pogi at maskuladong puwedeng syotain. Eh may sayad naman pala!

Mukha yatang hindi na pinapasahod ni San Pedro si Kupido. Ang tamad eh! Hindi man lang mamana ng kung sinong malaking isda para sa'kin!

Napasentido ako dahil sa frustration.

Tsk, sayang lahi ni kuya. Sumobra nga sa itsura nagkulang naman sa tornilyo.

Nagluto na lang ako ng hapunan para malibang at hindi na maalala pa ang guwapong psycho na iyon.

"Mukha pa naman siyang malinamna---ay peste! ano bang malinamnam ang pinagsasabi ko rito! Ano siya, magic sarap?"

Ayan, dahil sa kaniya kinakausap ko na ang sarili ko! Naku, sana dumeretso na siya sa mental! Wala akong planong sumunod ano.

Speaking of magic sarap, wala na pala dito. Baka walang lasa 'tong niluluto ko kapag asin lang ang inilagay ko. Makabili nga.

"Ay malinamnam! Wengya naman! Andiyan ka pa rin?"

Pagbukas ko ng pinto ayon, nasa tapat siya nito at parang istatwang nakatayo.

"Diba sinabi ko umalis ka na! Wala akong planong magdagdag ng palamuning baliw dito sa pamamahay ko! Shooo. shooo. Alis!"

Ngunit imbes na siya eh 'yong tiyan ang sumagot sa'kin. Malakas itong kumalam tanda ng matinding gutom.

Para namang piniga ang atay ko ng makita ko na hinawakan niya lang iyon at bahagyang hinimas saka siya yumuko. Pero gaya ng dati, hindi pa rin siya umaalis sa tapat ng pinto ko.

"Aist! Sige na nga! Pero ngayon lang ha!"

Hinawakan ko na siya sa braso at pinapasok sa loob.

Swear, ngayon lang!

PSYCHO HEART: ZEUS CREEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon