Chapter 22

1.9K 67 15
                                    

She cried for me to listen

Apple's POV

"Kuya Jim sa tapat nalang ng Vero" Sabi ko sa driver namin.

Tinapat niya sa entrance ng Vero Club. Ang daming tao. Kala ko kokonti lang yung inimbita nila sabi nina Realm kaya pumayag ako sa pangungulit nilang pumunta ako. Ang kukulit kase eh sabi ko nalang na papadalhan ko nalang sila ng gift eh at next time nalang kami magbonding pero siyempre namiss ko rin sila kaya pumayag na rin ako na pupunta. Alam niyo naman kung gaano kahigpit yung security ng University kinakailangan ko pa ng tulong ni kuya para lang makatakas ako.
Nagtext ako kay Realm na sunduin ako dahil pagkaraing tao pero ilang minuto na ay wala pa rin siya so nagpasya nalang ako na ako nlang maghahanap saI nameskanila at naiinip na rin ako dito sa sasakyan.

"Kuya Jim aalis na po ako. Salamat po." Magalang kong sabi.

"Mag-ingat ka Princess ah. Pinapasabi nga pala ng kuya mo na susunduin ko kayo mamaya" sabi ni kuya Jim na nakasuot ng black na polo at pagkakaalala ko ay nasa late 40's and early 50's na siya.

Sabi ko naman sa inyo na Prinsesa ang turing sa akin ng pamilya ko kaya sinasabi nina mommy lalo na si daddy na itawag at ituring nila akog prinsesa dahil Princess niya ako. Diba ng sweet ng daddy ko? Namimiss ko na tuloy siya. Kaso busy siya sa work niya eh. Simula nung last year. Si kuya lang nakakaalam dahil siyempre siya ang heir para dun at wala akong hilig sa ganun.

"Kuya makikisabay nalang ako sa mga kaibigan ko. Kilala naman ni kuya sina Realm eh. Sige na kuya. Balato mo na po sa akin toh oh" pa-cute kong sabi. Para ko na rin kase siyang kuya o tatay dahil bata pa ang ako ay nagtratrabaho na siya sa pamilya namin.

"Osige Princess. Kung may problema ay tawagan niyo nalang ako ah."

"Sige kuya. Salamat" huling sabi ko at binuksan ko na ang pinto para makaalis na ako. Sinuot ko na rin yung glasses ko dahil nasisilaw ako sa mga flashes ng cameras. Bakit may mga media dito? Kala ko isang maliit na salo-salo lang kasama yung ibang kaibigan nila? Oh well, sanay naman ako sa ganito eh kaya bahala na nga.

Taas noo akong lumakad with poise and confidence. Tandaan mo Apple, ikaw si Justine Del Rosario. All the flashes of the media's camera irritates me. They all asking how did I know Realm De Rio? or When will I start my new movie? or where will I shoot it? is it here in the Philippines or in the Canada again?

Realm and Jace were one of the hottest pair in acting industry here in the Philippines. Besides I'm friends with Realm long before he became famous and he's a De Rio then Jace we had a movie together and we became friends immidiately so that's how I met them.

Sabi ko naman sa kanila last two months sa press con na magbre-break muna ako sa acting at tatapusin ko muna ang pag-aaral ko eh tapos kukulitin nila ako sa mga tanong na yan. Give me a break. I just walk passed them without saying a word. Good thing is that there's a lot of body guards here to hold the media down.

Bago ako pumasok sa club ay tinanggal ko muna yung shades ko dahil syempre ay madilim ng konti sa loob.

Binuksan ng mga waiter yung pinto at pumasok na rin ako. Luminga-linga ako para hanapin sila. Pero di ko talaga sila makita eh so tatanungin ko sana yung waiter sa gilid ko kaso biglang may humawak sa braso ko at pinaharap ako sa kanya. Sisimulan ko na sanang bungangaan este kausapin pero mas nagulat ako sa ginawa niya.

Hinalikan niya ako. Hindi ako makagalaw sa kinakatayuan ko at hindi ko maikilos ang aking mga kamay. Parang na-paralyze ako sa halik na ito. Sa Hindi ko malamang dahilan pero pinikit ko ang aking mga mata at damhin ang halik na ito at ang kanyang malambot na labi. Ang tanging alam ko lang ay babaeng hindi ko kilala nanaman ang humalik sa akin. Katulad ng una kong halik ay napakalambot rin ng labing nakadampi sa akin labi ngayon. Ang aking isipan ay tila nablanko at ang puso ko naman ay parang tumigil sa sandaling ito na biglang bumibilis ang tibok nito na para bang tumatakbo ako. May nararamdaman rin akong sensation na hindi ko alam kung ano na parang kinakabahan ako o yung pakiramdam na may kung anong meron sa tiyan ko na parang pag tinitingnan lamang or kinakausap ko si Eureka. Yung tanging kay Eureka ko lang nararamdaman.

Now That I've Found You (GirlxGirl) [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon