Chapter 24

1.7K 48 9
                                    

Falls

Apple's POV

"Hello sa inyo! I'm Apple Justine Del Rosario" Introduce ko sa sarili ko. "I'm Eureka's frie-"

"Girlfriend"

"Yeah. I'm her Girlfrie-"

TEKA ANO DAW?!

G...Gir.... Girlfriend?! 

Napalaki yung mata ko ng narealize ko kung ano yung sinabi ko. Nakita ko naman silang nakangiti na abot hanggang tenga. 

"Ay hindi po. Mali po kayo ng hinala. Magkaibigan lang kami ni Eureka." Depensa ko sa kanilang dalawa na namumula pa ako't umiiling. Nag hand signal pa ako na hindi pero umililing lang si ate Ricka habang inaayos yung salamin at nakangiting may alam siya na hindi ko alam. Pati rin si ate Jamie na nakangiti at nakapamewang. Tumingin naman ako sa katabi ko para humingi ng tulong pero nakangiti lang siyang nakatingin sa ibang direksyon.

Kurutin ko kaya toh? Ayaw manlang ako tulungan at gustong gusto pa niya ah.

"Hay naku! Joke lang yun pero alam naman namin na duon naman kayo uuwi and don't worry open minded ang mga tao dito so be comfortable. May gusto ka bang kainin? Hindi pa kase kami kumakain ni Ricka eh" 

Ano sasabihin ko? Waah. Ang awkward naman.

"Ay hindi na ate Jamie. Kakakain lang namin ni Eureka eh"Paliwanag ko "at salamat ate" Ngumiti naman siya ng genuine na nakakagaan sa loob.

"Osige, magluluto lang ako pero pagmay kailangan ka ah wag ka na mahiyang lumapitbsa akin ah" paliwanag niya at pumunta na siya sa lutuan mukang nagluluto ata siya ng pancit canton eh. "At wag mo na kami i-ate dito. Mas tatanda pa kami sayo eh"

Ngumiti lang ako sa kanila.

"Asan nga pala si Krissy?" Rinig kong tanong ng matanda sa tabi ko.

Tukoy niya ata sa isa pa nilang kaibigan.

"Ah nasa labas may kinakausap sa telephone." Sagot ni Jamie na sinasalin yung drained na pancit canton sa plato.

"Ganun? Osige" sagot ni Eureka. Tumingin siya sa akin na nakangiti. "Gusto mo makita yung labas?" Tanong niya at tumango naman ako.

"Osige lalabas muna kami" paalam ni Eure sa kanila. Nagwave naman sila na nagse-senyas na osige.

Dumaan muna kami sa sala at nakita kong nananunuod sina Maze at Reese ng movie sa laptop habang yung magasawa ay kakapasok lang sa kwarto nila. Bale isang floor lang ang wood house na ito. At as in gawa sa kahoy. Lahat.  Walang entertainment appliences dito except sa stereo na malaki. Sa harapan kase ng sofa at table  na nasa gitna ay harap ang fire place. Ang ganda.

Pinagbuksan ako ni Eure ng pinto kaya tumuloy akong lumabas ang tanging masasabi ko lang ay WOW!

Pinagbuksan ako ni Eure ng pinto kaya tumuloy akong lumabas ang tanging masasabi ko lang ay WOW!

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Now That I've Found You (GirlxGirl) [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon