Chapter 19

1.7K 44 7
                                    

As our heart speaks for itself


Apple's Pov

"Ano ba yan Apple Justine Krypton! Huminga ka nga! Tingnan mo yang sarili mo! Pulang pula ka na! Tama nga sinabi ni Eureka! Kamatis na kamatis na yang mukha mo oh!" Mahinang sabi ko sa harap ng salamin ng cr ni Eure which is sa sarili ko.

Pero kase hindi ko kase mapigilan sarili ko. Yung feeling na di ka mapakali tapos parang hiyang hiya ka. Kanina pa nga ako pabalik balik dito sa loob ng cr eh. Hindi pa ako nakakaligo. Kahit ayokong isipin, naiisip ko pa rin siya at yung nangyari kanina.

Ang sarap pa nga ng pagkagising ko kanina. Feeling ko may nagproprotekta saakin habang nakapikit ako. Yung parang mapapagkatiwalaan ko yung nakayakap sa akin. Yung pakiramdam ko ang safe safe ko pag nakayakap siya sa akin at ang bango-bango pa. Parang nasa garden ako ng lavander and lime. Ang sarap sa pakiramdam. Pero nung pagkagising ko, ayun napatitig ako sa anghel na mukha niya at tsaka ko lang narealize na magkatabi kami matulog then napa-OA ako.

And I really thought that she called me "Love" pero hindi. Maraming bawal at talagang bawal! So mali lang yung pagkarinig ko nun.

After that.... Eto na! Yung muntikang kiss na naudlot!

Parang disappointed ka naman ata? - B

OMG! Bhieeee! Andyan ka pala. Kala ko wala ka na kaya di ako makapag-isip eh! At hindi ah! Talagalang naiinis lang ako sa mga ginagawa niya.

Matagal na akong nandito. Talaga lang pinili mo yang bwiset na puso mo ang pinapakinggan mo. Boooom!! - B

Ano naman kinalaman ng Puso ko? Hahaha! Wag ka mag patawa Bhieee.

Pero gusto mo matuloy yung kiss niyo kanina? -B

Hindi ah! Nadala lang ako sa mga mata niya na parang dagat. Ang ganda talaga ng mga mata niya.

Bahala ka na nga jan. -B

Uy teka! Tapos alam mo kanina! Gosh!!! Naka-panty and tank top lang siya kanina!!! Waaah! Nakakahiya! Napatitig pa ako!

Tse! Alam mo na kase sagot jan, ayaw mo lang tanggapin. Dahil alam mong di tama yan. -B

I know. Eh ano gagawin ko?

You have to rid of your feelings. Napagdaanan mo na ito nuon at magagawa mo yun ulit. -B

Tama! Napagdaanan ko na ito last year. Remember yung babae sa cine, my first kiss... But. Stop. Matagal na yun at baka nakakalimutan mo Apple that Eureka is freakin' TAKEN and one of them is by your own freakin' Brother!

Gosh!!! Oo nga pala!! Shit! Habang iniisip ko na may kasama siyang iba, parang tinutusok ng milyong karayom yung dibdib ko. Parang gusto kong tanungin yung tadhana na bakit yung kuya ko pa?

Kakayanin ko ito. Aalisin ko itong nararamdaman ko para sa kanya but... it felt so right when you see her first thing in the morning. I feel alive and safe. I wanna wake up like that again pero hindi lahat talaga ng gusto mo ay makukuha mo.

Tiningnan ko yung sarili ko sa salamin at hindi ko alam na naluha na pala ako kaya pinunasan ko ito. Nahulog na talaga ako sa bitag ng diyosang witch na si Eureka Skylar Smith.

Nagshower na ako, gamit yung mga binigay ni Eureka at nang natapos na ako ay ginawa ko yung morning routines ko like mag lotion then nagtapis muna ako ng twalya. Sumilip muna ako sa pinto at tiningnan kung andun siya. Wala naman kaya lumabas na ako ng cr.

Nakita kong may mga damit and unused undergarments sa bed kaya sinuot ko na. Meron pala siyang ganitong mga klaseng damit, ang cute niya. It's a Mickey Mouse T-shirt. Nagsuklay na rin ako gamit yung brush niya na nasa table niya.

Now That I've Found You (GirlxGirl) [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon