Chapter 8

1.7K 31 1
                                    

White Royalties

Apple's POV

"Apple gising na."

"Shhhhh" tinakpan ko ng kumot ang muka ko.

"Mansanas! gumising ka nga diyan!" rinig ko ang isa pang boses

Naramdaman ko na lamang na natanggal ang Kumot ko kaya dumapa at tinakpan ko ng unan yung ulo ko. Napakaistorbo naman ng mga toh. Natutulog pa eh.

"Gumising ka nga diyan kundi kakaladkarin kita paalis"

Di ko siya pinansin at nagpatuloy lamang matulog. I'm too sleepy to understand whatever she's crying about.

"Ahh ganun ha?!"

Bigla ko nalang naramdaman na may humawak sa mga paa ko at hinihila ako. Kumapit ako sa nasa ulo ko at tsaka ko lang nalaman na nasa couch pala ako.

"Ano ba Riley!!!" Sigaw ko.

"Di ka pa ba gigising?!!"

"Eto na! Gising na oh. Kinakausap ka na nga eh!" Sigaw ko pa at kinusot kusot yung mata ko.

"Oh magsisimula nanaman kayong dalawa eh. Riley, tumulong ka na lang kay ate darbs sa kitchen at ako na bahala dito"

"Hmmp. Si Quinn kase.. Tsk" bulong niya

"Ano? May sinasabi ka ba tungkol kay Quinn? Lagot ka!" Banta ko "QU-" bago ko pa maisigaw yung pangalan ni Quinn ay tinakpan na niya ng unan yung muka ko.

Pilit ko itong tinanggal kundi dead end ko na ngayon. Kakagising palang eh matutulog ulit. Nung naka succeed ako ay binato ko siya ng unan. Ayun sapul sa muka.
Alam ko naman kaseng takot sya kay Quinn. Ewan ko ba dun. Kay Quinn at ate darbs lang natatakot. Pero mas grabe kay Quinn.

"Sige na. Pumunta ka na dun sa kitchen, Riley"

Nakita ko namang umalis na siya at ako, humiga ulit ako.

"Cookies gising na. Anong oras na at may pasok pa tayo. First day of class ngayon!"

Ay! Oo nga nuh! Tsk. Pero ayoko pa! Tinatamad akooo!

"Cupcake! Bukas nalang ako papasok. Gusto kong matulog"

"Bawal! Sige na. Maligo ka na at kumain na. Bakit ka nga pala nawala sa party tapos nadatnan ka nalang namin dito sa sala na tulog?"

Oo nga nuh. Inisip ko yung kagabi pero di ko talaga matandaan eh.

"Ewan ko best. Di ko nga maalala kung ano nangyari kahapon eh"

"Maligo ka na. Mamaya nalang natin pag-usapan yan. Anong oras na oh. Male-late tayo"

"Okay okay! Maliligo na" Pumunta na rin ako sa kwarto upang maligo na rin.

----------------------------------

"Are you ready girls?" I asked.

We're in front of the gate ng school ground. This is a new school, new blockmates, and new prof. Everything was new and we are ready!

Now That I've Found You (GirlxGirl) [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon