Chapter I

2K 63 6
                                    

My Nutcracker
By: GHIEbeloved

This story is inspired by "Kiera Cass" of The selection Novel.

* * *

"Mr. Nutcracker saan ka pupunta?" tanong ko sa aking laruang nagsasalita. Ang katawan nito ay gawa sa kahoy. Ang mga palamuti nito sa katawan ay pintura lamang, pero ang berde niyang mata ay para bang isang bagay na gusto kong titigan magdamag.

"I need to go somewhere, My Lady. But I promise, babalik ako." Haplos nito sa aking buhok at nang oras pa lang na marinig ko iyon ay tumulo na agad ang luha ko.

"Iiwan mo rin ako Mr. Nutcracker?" I cried as I buried my face on my palm.

"Shh. Don't cry my, Lady Wendy. Don't Cry," pagpapatahan sa akin ni Mr. Nutcracker pero sa pagkakataong ito ay itinaboy ko na siya.

"Go away. I don't need you. Go Away." Iyak ko pa pero nanatili pa rin ito sa harapan ko.

"I'm sorry my lady, but I need to do this. Don't be mad at me. Please."

Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng awa sa tono ng pananalita nito. Ngunit nanatili parin saakin ang takot na iiwanan din ako ng kaibigan ko.

"Kailangan mo ba talagang umalis?"

Pilit kong pagpapakatatag kasabay ng pagpunas ko sa aking luha. Sa sandaling iyon ay tinanaw ko siyang muli. Umaasa na magbabago ang isip nito pero isang tango ang ikinabasag nanaman ng puso ko.

Bagay na naging dahilan para yakapin ko pa ito ng husto. Mahigpit na mahigpit dahil alam kong kapag kumalay ako'y mawawala na ito sa tabi ko.

Oo. Alam kong panaginip lang ang lahat ng ito at hindi siya totoo. Pero simula ng mawala si Mama ay ito na ang naging kaibigan ko at nakapabilang sa mga pinapahalagahan kong bagay sa mundo.

Ilang minuto rin akong umiiyak habang hawak ang malamig at matigas nitong kahoy na katawan hanggang sa makahugot muli ako ng lakas ng loob para magsalita.

"Papayagan kita sa ngayon Mr. Nutcracker. Pero mangako kang babalik ka. Please, bumalik ka." bitaw ko sa yakap nito at tinignan ito sa mata. "Promise me." Diin ko pa dito na nginitian naman nito. Bagay na nakapahpagaan ng loob ko pero naging sanhi din ng pagpatak ng luha ko.

"I will My Lady. Yes, I will."

At matapos nitong sabihin ang mga katagang iyon ay unti unti na itong naglaho sa paningin ko.

~To be Continued

My NutcrackerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon