Chapter VII

642 30 0
                                    

"Pwede ho bang ngayon na Tita?" Bulong ko kay Tita a ikinagulat niya kaya tinanggal na nito ang pagkakayakap saakin.

"Or should I call you, Mom?" Nakangiti ko ditong sabi at umiyak nanaman siya. This time ay lumapit narin si Zilla at hindi makapaniwala sa sinasabi ko. Inirapan ko lang naman sila at niyakap ng mahigpit.

" Oh Please, you don't have any idea how I hate seeing you crying like this!" Naiiyak ko ring sabi sa kanila pero nagtapos lang din sa tawanan.

"Ito na ata ang pinakamagandang regalong natanggap ko ngayong pasko." rinig kong bulong ni tita.

Ako rin, tingin ko ay ito na ang pinakamasayang paskong meron ako. Ang papasukin kayo sa buhay ko.

"So lets start?" Ganado tanong sakin ni Zilla na ikinataas ko lang ng kilay pero nagsingkit lang ang mata nito na parang may sinisipat sa mukha ko.

"Oh no, why do I have this feeling that I need to regret what I offer a few minutes ago?" Kabado kong tanong sa kanya pero humalakhak lang ito ng sobra. Natatawa-tawa naman si Tita sa kanya.

* * *

"Oh Gosh Zilla, I can't believe you made me attend this event tonight." Iritable kong sabi dito habang iritang-iritang naglalakad dahil sa taas ng heels ko. Si Zilla naman ay nakasabit lang sa braso ko at ngiting-ngiti habang naglalakad kami sa Red carpet patungo sa entrada ng palasyo.

Padami na nang padami ang tao habang palapit kami nang palapit sa venue ng selebrasyon at hindi ko ikinatutuwa ito. Ayoko ng maraming tao. Ayoko..
Hindi mawala ang malakas na kabog ng dibdib ko kaya naman hinawakan ko ang kamay ni Zilla.

"Hindi ako sanay ng maraming tao Zilla. " At ayoko sa tingin nila ngayon.

Halos lahat kasi ay nakatingin sakin. Kung alam ko lang talaga na ganitong atensyon ang makukuha ng soot ko ngayong dress ay hindi ko na sana hinayaang isoot pa ito.

My Bad..

"Don't be Windy, you look like a princess tonight. Sabi ko na nga ba at bagay sayo yang gown na 'yan. Hihi. " Kinikilig nitong sabi sakin na parang nagniningning ang mata.
Hindi naman ako natuwa sa sinabi niya pero nginitian ko parin ito.

"Salamat nga pala dahil dito. " Turo ko sa gown ko at kininditan lang ako nito.

Hindi ko namamalayan na nakapasok na pala kami talaga sa palasyo at nakakamangha sa loob nito. Naglalakihang chandelier ang sumalubong sa amin at napakaliwanag ng mga ito na para bang mga kristal. May mga naglalakihang painting din ng mga yumaong mga hari at reyna at mga kakaibang paintings na talaga namang nakakamangha.

"Oh my god Zilla Is this your sister?!" Napalingon naman agad ako ng isang grupo na pala ng mga kabataan ang nasa harapan namin. They were all wearing fancy dresses and wearing their smiles. Napayuko naman ako sa mga ito. Tsk, I'm not used to it. I want to go home..

"Yes Tricia! Hihi I told you ! Bagay sa kanya ang designs mo!"
Napatingin naman agad ako sa kausap ni Zilla.

"Oh dear, ang ganda nga bagay na bagay sayo. I'm Tricia, nice to meet you finally Windy. " abot nito sa kamay ko at nginitian ko agad ito.

"You made this one? You really are amazing. I like your work by the way." Ngiti ko dito at namula naman ang pisngi nito. Well I'm saying the truth minsan lang ako magandahan sa isang bagay and this girl got me.

Naging ayus ang lahat habang naghihintay kami sa paglabas ng birthday celebrant. Naging komportable naman ako sa mga kaibigan ni Zilla dahil mababait naman ang mga ito. May ilang lalaki din siyang mga kaibigan pero malimit ko lang silang makausap. Hindi din naman pala masamang makihalubilo sa iba. They seems so nice to me and it's my bad to knew it so late. Halata kila Zilla ang kasiyahan habang naghihintay. Their friendship seems very tight.

Nagkaroon din ako ng kaibigan at hindi ko maitatangging masaya ngang magkaroon ng bagay na ito. They are the one who is willing to do everything just to say. 'HEY IM HERE YOU'RE NOT ALONE' . They make you laugh kahit wala ka naman dapat ikasaya. At ipaparamdam nila sayo kung gaano ka kaespesyal kumpara sa iba.

They are special.

Pero ang pinagkaiba nga lang namin ni Zilla? Ay ang katotohanang isa lang ilusyon ang kaibigang sinandalan ko matagal na panahon na ang nakakalipas.

Mr. Nutcracker is not real. He is just my imagination. Poor me...

~To be Continued

My NutcrackerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon