Chapter IX

630 36 0
                                    

"S-Sino ka?" Pinunasan ko ng mabilis ang luha ko at hinanap ang may ari ng boses na iyon.

Nagulat naman agad ako ng biglang may gumalaw sa madilim na sulok ng silid.

"I don't know, but in my past life.... I am a Nutcracker."
Nanlaki ang mata ko sa sunod niyang sinabi at unti-unti nanamang namuo ang mga luha sa mga mata ko.

Unti-unti itong humahakbang papalapit sakin ngunit hindi ko makita ang mukha nito.

Magara ang kanyang pananamit at hindi ko alam kung anong ginagawa niya sa lugar na ito ngayon.

"Hindi ko man kayang maging mataba, malaki, o maging kasing gaya ng kahoy na ako noon. Kaya mo parin kayang maniwala sakin ngayong ganito na ang anyo ko?" Tanong nito saakin pero hindi parin magsink-in sa utak ko ang lahat.

Pero parang nagkaroon ng sagot ang lahat ng aking katanungan ng magningning sa liwanag na buwan ang kanyang berdeng mga mata... Mga matang alam kong sa kanya ko lang makikita...

"Mr. Nutcracker." nasabi ko nalang at nakita ko nalang ang sarili kong tumatakbo papalapit dito..

Napayakap ako dito agad at napahagulgol.

"Bakit ngayon ka lang dumating, bakit mo ako iniwan. Bakit ang sama sama mo sakin.. Bakit ang tagal tagal mong nawala." hagulgol ko dito pero lubos kong ipinagtakha ang malambot nitong katawan..

Tinanggal ko ang pagkakayakap sa kanya at tuluyan ko nang nakita kung sino siya...

He is wearing a formal suit. His dark brown hair are fallen perfectly to his forehead. But his eyes are the same. The same eyes I used to admire when I was a child.

Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay umakto ng mas wirdo ang puso ko. Napakalakas ng tibok nito at rinig na rinig ko ito.

Pero napakunot ako ng noo ng makakita ako ng kumikislap na bagay sa uluhan nito...

And things went clear to my mind...

Nanlaki ang mata ko at napalayong bigla sa kanya..

"P-Prince B-boros?" gulat na gulat kong tawag dito at napayuko nalang ng bigla para magbigay ng galang.. May korona siya... Korona ng isang maharlika...

Pero ang mga pares lang ng paa nito ang nakita ko sa harapan ko kaya napataas na ako ng tingin sa kanya. Ngayon ko lang din napansin na maliwanag na sa silid na ito ngayon at mas ikinagulat ko na puro painting ang laman ng silid na ito. Mga imahe ng isang batang babae....

At....... A-ako ang batang babaeng iyon...

Lahat ng mga nasa panaginip ko ay nakapinta sa mga canvas. Lahat ng ala-alang ilang tao kong gustong ibaon sa limot ay nakapinta ngayon sa mga canvas. At napaluha nanaman ako sa mga bagay na iyon.

"You're still not answering my question My Lady, nagustuhan mo ba ang mga ipininta ko?"

Pero this time ay tinitigan ko lang ngayon ang lalaking nasa harapan ko.

Ngumiti ito at tuluyan kong ikinatulala ng sa isang saglit ay nasa bisig na ako ng prinsipe.

"I am back My Lady. Your Mr. Nutcracker is back." Yakap nito saakin pero hindi parin ako makapaniwala sa nangyayari.

~To be Continued

My NutcrackerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon