Chapter X

1.2K 54 16
                                    

"But how-----" He cutted me.

"Humiling ako sa may likha sakin at hiniling kong gawin ako nitong tao para makasama mo. Tinupad nila 'yun, My Lady. Hindi ko nga lang inaasahang sa pagkatao pang ito niya ako bubuhayin pero atleast.. "

Umalis na ito sa pagkakayakap sakin at tinignan ako sa mata.

"Atleast ngayon kasama na kita. At hinding-hindi na ako aalis pa."
Ngiti nito sakin at nakita ko ang sinseridad sa mga mata nito.

"Hindi mo na ako iiwan?" Ngiti ko rin dito at pinunasan nito ng kanyang kamay ang luhang tumulo sa mga mata ko.

"Yes my Lady." Ngiti nito sakin.

Nagulat ako ng tumunog na ang isang classic na tugtugin sa palasyo. Simula na ang pagdiriwang ngunit hindi parin kumikilos si Mr. Nut----Prince Boros, I mean..

"Simula na ang birthday mo kailangan mo nang pumunta sa hall at magpakita sa kanilang lahat." Paalala ko dito pero umiling lang ito saakin.

Napataas naman agad ako ng kilay sa kanya.

"Okay Fine magpapakita na ako sa kanila. Pero may gusto akong gawin bago ako bumaba doon." ngiti nito saakin. Hindi ko alam kung ako lang ba. Pero ang mga ngiti ni Prince Boros ay sadyang nakakahawa. Gaya ng kung anong ngiti nito noong nutcracker pa siya.

Nagulat ako dito ng ilahad nito ang kamay niya sa aking harapan na lubos kong ipinagtakha.

"Pwede ba kitang maisayaw princess Windy?" yaya nito saakin na nakapagpainit ng mukha ko. Anong ginagawa niya?.

Pero hindi pa man ay hinigit na ako nito at sinimulan na akong isayaw. Mabilis ang indak ng sayaw at hindi ko maiwasang mapatawa sa kanya dahil sa galing at sa kakulitan ng kanyang mga galaw.

Hindi ako makapaniwala. Hindi ko inakalang babalik siya. At mas hindi ko inaasahang babalik ito sa katauhan ng prinsipe ng aming bansa.

My nutcracker is now a Prince..

At sobrang saya ang idinudulot nito sa aking puso..

Maari din palang makamtan ang kahilingang matagal mo nang ipinapanalangin. At nakakatuwang mas higit pa sa kahilingan kong iyon ang ibibigay sakin.

Una ay ang pagkabuo ng aking pamilya.. Na buo naman pala talaga pero ako itong ayaw tanggapin. Pero ngayong natanggap ko na? Ang saya sa pakiramdam. Ang saya sa pakiramdam na maramdamang hindi naman pala ako magisa. Na mayroon akong pamilya na handang samahan ako ano man ang pagdaanan ko. Matagal kong ikinulong ang sarili ko sa kadilimang ako lang pala ang may gawa.
At ngayong tinanggap ko na sila bilang kabilang sa aming kapamilya... Para bang nagliwanag saakin lahat...

Inakala kong ito na ang pinakamagandang regalong natanggap ko ngayong pasko. Pero hindi ko akalaing mayroon pa palang isa..

At iyon ay ang pagbabalik ng taong isinasayaw ako ngayon..

Ang pagbabalik ng aking matalik na kaibigan...
My nutcracker came back as a prince..
Isang pormal at ginagalang na prinsipe para sa lahat.. Pero sakin.. Isa parin siyang makulit na nutcracker na walang ibang gawin kung hindi ang patawanin at pasayahin ako..
At hinding hindi ko na hahayaan pang mawala ang taong ito sa paningin ko..

Hinding hindi...

"Happy birthday my Nutcracker."
Bulong ko kay Prince Boros bago matapos ang tugtog. Ngunit mas ikinabigla ko ng dumampi ang malambot nitong labi sa aking noo....
Making my heart skip its beat...

~to be continued SOMEDAY XD~
~Lets end this for now 😘😉~

My NutcrackerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon