Chapter II

1.1K 39 0
                                    

"Windy wake up, we need to prepare  for the Prince birthday party."
Alog sa akin ng aking step sister na si Zilla na hindi ko naman inimikan. Alam ko namang  maya-maya lang ay aalis narin ito. As if naman na pilitin ako ni Zilla na magising.

Dahil sa inis ay niyakap ko lang muli ng napakahigpit ang aking malambot na unan para pilitin ang sarili kong matulog.

Nakakainis, ni wala man lang panaginip. I always wanted a dream but it's almost Eight years since I waited for nothing.

Lagi nalang ang huling panaginip na iyon ang umuulit-ulit sa panaginip ko. Hindi ba niya alam na ang panaginip na iyon ay ang pinaka masakit para saakin?! Argh.

Inis akong tumayo at nagsimula na munang maglinis ng bahay. Si Zilla? Ayun wala sa bahay, kasama ang aking step mother sa Salon. Nagpapaganda sila dahil mamayang gabi na ang kaarawan ng Prinsipe ng Valenz. At ito ay si Prinsipe Boros.

I never seen his face dahil pribado ang buhay nilang taga-palasyo, lalo na't anak sita ng Hari at Reyna ng Valenz. Ang pamilyang may dugong maharlika

Tradisyon nang itago ang pagkakakilanlan ng mga maharlika hanggang sa sila ay mag debut. Kaya naman tnging ang Reyna Kylah at Haring Randal lang ang nakikita ko sa palabas sa mga TV. Ngunit ngayong kaarawan na ng kanilang anak ay ipapakita na nila ito sa wakas sa publiko dahil ito ay ang ika-dalawampu't isang taon nitong kaarawan.

Well, I never dream to know who he is. I also not a fan of his mystery. At si Zilla ang isa sa mga babaeng sobrang excited sa magaganap na kaarawan ng prinsipe mamayang gabi.

Invited ang lahat ng kabataan sa Valenz. Mga kabataang may labing-walong taong gulang hanggang dalawamput dalawang taong gulang na anak ng bawat pamilya sa Bansang Valenz ay imbitado sa gaganaping pagdiriwang.

At nakakainis isiping kasama ako sa mga imbitadong iyon. But the real thing is, I don't want to attend that party. Hindi ako komportable kapag maraming tao ang nakapaligid saakin. Lalo na sa mga ka-age ko lang.

Yeah, these attitude are too weird for a teenager like me but it is true. I survived my Eighteen years of life without any people get close to me. At si Zilla? Ayaw naman talaga niya sakin at hindi ako tanga para hindi iyon maramdaman.

Isa pa, sino ba namang gustong umatend sa kaarawan ng isang taong hindi mo naman kilala. It's such a waste of time.

Maagang namatay ang Mama, At nagalit ako kay Papa nang mag-asawa muli nito. Ito ay si Tita Natalie. Ang totoo'y napakabait niya sakin, pero ayoko sa kanya. No one can blame me, hindi ko siya kadugo at hindi ko hahayaang magkaroon ng kapalit ang Mama ko sa tahanang ito.

~To be continued

My NutcrackerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon