Chapter VI

655 30 2
                                    

"Zilla? Seriously...you've got to be kidding me." natatawa kong sagot kay Tita pero hindi nagbago ang ekspresyon nito.

"I know you are mad at us Windy even for Zilla. But yes, believe it or not this gown if from my daughter Zilla. She saved her allowance for this gown. Ang akala ko ay para sa kanya pero para sayo pala ito. Ang buong akala ko rin ay hindi ka gusto ng anak ko dahil sa pakikitungo mo sa aming dalawa simula ng tumuntong kami sa bahay na ito. Pero hindi, gusto ka niya. Hindi niya lang masabi dahil takot sayo si Zilla." paliwanag nito na yumanig sakin.

"Look dear, I'm so sorry dahil sa pagpasok namin sa buhay ninyo. We didn't mean to hurt you, dahil kung alam ko lang ay hindi ko na sana i-nintertain ang Papa mo. Believe me, we're having a hard time to stay with you. I even decided to broke up with your father pero hindi ko pala kaya. Zilla knew how hard for me to stay with you. Dahil halata sayong ayaw mo sakin. But can you please, kahi------" But I stopped her.

Because one thing hits me...

Guilt...

"T-Tita Natalie." Tawag ko sa pangalan nito at ngayon ko lang nakitang umiiyak na pala siya.

"I'm sorry for being rude, but please don't leave my father just because of me." hawak ko sa kamay nito at pinunasan ang luha niya. I hate this, I hate myself making this woman cry. Pero hindi ko inaasahan ang isang yakap mula sa kanya.

"B-bakit n-niyo po ako niyayakap." takha kong tanong kay Tita.

"Matagal na kitang gustong mayakap Windy. Matagal na matagal na." Sagot nito at mas lalo nitong hinigpitan ang yakap sakin. Aangal na sana ako dito ng magsalita pa siyang muli.

"Gusto kitang yakapin kada makikita kitang umiiyak dahil sa pagka miss mo sa Mama mo. Gusto kitang yakapin kapag ikinukulong mo ang sarili mo sa silid na ito para iparamdam sayo na nandito ako, handang dumamay sayo. At gustong-gusto kitang yakapin kada aalis ka o iiwas ka dahil sa ayaw mo saakin. Gustong-gusto kong gawin ito hindi dahil sa gusto kong palitan ang pwesto ng Mama mo sa bahay na ito. Gusto kong gawin 'to kasi gusto kong maging parte ng buhay mo at ipadama sayo ang sinseridad na meron ako sayo at sa Papa mo." Hikbi nitong sabi sakin. At ako.. hindi lang ako makapagsalita, hindi ko alam ang sasabihin pero sapat na siguro ang mga luhang 'to sa mga mata ko para maipaliwanag ang hindi maipaliwanag na nararamdaman ko.

"Nandito lang ako lagi Windy anak, nandito lang ako at handa akong hintayin ang panahong matatanggap mo narin kami dito sa pamilyang 'to." Dugtong pa nito. Napalingon naman ako sa pintuan ng makarinig ako ng mahinang paghikbi doon at nakita ko si Zilla. Umiiyak ito at nakita kong nakabihis narin siya. Hindi ko mapigilang hindi mapangiti dahil ang ganda niya ngayong gabi. At isa pa, hindi ko mapigilang mapangiti dahil sa mali palang talaga ang pagaakala kong ayaw nito sakin. Nagulat ito saakin ng magtama ang paningin naming dalawa pero hindi ko tinanggal ang ngiti sa mga labi ko.

~To be Continued

My NutcrackerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon