Chapter IV

810 35 1
                                    

"Hey. Why are you crying?" napatunghay akong bigla nang may kumausap saakin. At nagtakha ako ng husto ng makakita ako ng isang Nutcracker na kasing laki ko lang rin. Kung iyong titignan ay para lang din itong walong taong gulang dahil may kapayatan din ito ngunit ang kanyang palamuti sa katawan na binabalutan ng mga kulay ng pintura ay nagpapakilalang isa nga itong nutcracker.

"Who are you?" tanong ko agad dito pero umupo lang ito sa tabi ko at pinagmasdan nito ang mundong ginawa ko. Ang aking panaginip.

Ako ang may kakayahang kumontrol ng panaginip ko kaya naman nagtatakha ako sa kanyang presensya ngayon dahil wala siya sa mga hiniling long nandito ngayon.

"I am a Nutcracker." Kumuha ito ng isang may pagkalakihang nut at kinagat ito ng pagkabilis upang ito ay balatan at binigay ito saakin. Hindi ko naman maiwasang hindi mamangha dahil sa kagalingan nito.

"Wow, paano mo nagawa iyon?" kain ko sa Nut at napakasarap nito. Ngunit tumayo lang ito na para bang sinakluban ng langit at lupa ang mukha.

"Nutcracker nga ako." Malungkot nitong sabi na nakapagtawa sakin.

Bakit ko nga naman tinanong ulit?

"Hindi kasi halata." natatawa kong saad na lalo nitong ikinalungkot.  Sumandal pa ito sa isang malaking candy cane at nagwalling . Pfft...

"Hindi halata kasi---"

"Kasi hindi ako mataba?" nagulat ako ng bigla itong tumaba at natawa narin dahil sa kapangitan nito.

"Hindi ako malaki?" bigla naman itong lumaki at halos kasing laki lang ako ng sapatos nitong medyo kupas na ang pintura.

Lumiit din naman agad ito at nginitian ako.

"Pero kasi ayoko. I always want to play with others sa kung anong kailangan nilang kalaro. Pero ikaw, hindi mo kailangan ng kalaro." Ngiti nito saakin at tumabi na muli sa kinauupuan ko. Nasa isa kaming burol kung saan kita namin ang lahat.

"Ang kailangan mo ay isang kaibigan tama ba?" nagulat ako sa sinabi nito pero hindi ko alam kung bakit napatigil ako sa kakatawa sa kanya dahil doon.

"Crying doesn't suit you. And I promise that if you accept me as your friend. I'll never allow you to be sad again." ngiti nito saakin kasabay ng kanyang pag-abot sa kamay ko. Bagay na tinitigan ko lang dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay magsubok na maging kaibigan ako.

* * *

I rejected his offer that time and whenever I have a dream he's always there, begging to be my friend. He never fails to make me laugh, and make me happy. Kaya naman sa hinaba-haba ng pagta-tyaga niyang patawanin ako ay naging magkaibigan narin kami. I'm always excited to see him and play with him when I was a Child. Lagi akong maagang natutulog dahil sa kagustuhan kong makita si Mr. Nutcracker. We made memories. We paint, we play, he do magic, we flew, we made a castles... a real castle and it was fun!

We done crazy things together and those things made us closer and closer to each other. When my mother died, I also feel that my happiness also died with her. But when Mr. Nutcracker came. I found my happiness and he thought me that thing again. To Smile...

But it seems like my happiness came to its end. Mr. Nutcracker never came back. At ang pagbalik saakin ay ang kaisa-isang pangakong hindi nito natupad.

~To be Continued

My NutcrackerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon