"Zilla alis muna ako ah maglilibot libot lang. Babalik ako pag magsisimula na." bulong ko dito at ngiti naman itong tumango saakin.
Agad akong tumayo at lumayo sa lahat.
I am walking out of nowhere. Hindi ko alam kung saan ako pupunta pero sinusundan ko lang ang mga paintings na kakaiba para saaking paningin. They seems very familiar to me but I can't remember kung saan ko sila nakita. May ilang mga palace guards akong nakita pero hindi naman nila ako pinigilang magpunta sa mga paintings. One thing I hate most is their uniforms!They are all wearing a red uniform with a golden buttons . They are wearing a nutcracker uniform. At nakakainis ito.
I rolled my eyes . At pinagmasdan nalang ulit ang mga paintings.
Ang gaganda nila at ang kukulay. Hindi ko alam na mahilig pala sa ganitong painting ang mga royals. Pfft---
Nakakatawa lang, I'm expecting a classic paintings but I'm seeing these instead. Mga laruan, mga makukulay na bagay. Pero maganda naman ang pagkakapinta.But one painting really caught my attention.
A very huge painting posted in this empty room.
My heart beats very fast.. At para bang gusto kong umiyak dahil dito.
Agad kong nilapitan ang painting at hinaplos ang tekstura nito..
Ang painting na ito ay isang imahe ng dalawang magkaibigan na nakatanaw sa isang burol..
B-burol ng mga panaginip.
I-it was me and Mr. Nutcracker.
It was my dream...
Agad akong nagpalinga-linga sa paligid ko. At tuloy-tuloy lang ang mga luhang pumapatak sa mga mata ko. Hindi ako maaring magkamali, ako ang may-ari ng panaginip na nakapinta sa painting na ito. At ang lahat ng kakaiba at makukulay na bagay sa mga painting ay ang mga bagay na nasa panaginip ko ilang taon na ang nakakalipas. Saakin... Saakin ang lahat ng iyon. At iisa lang ang alam kong maaring makakita sa kung anong nasa panaginip ko bukod sakin..
At siya yun.
Si Mr. Nutcracker...
Para akong sirang palinga-linga ngunit ang madilim na mga sulok lang ng silid na ito ang nakikita ko.
Wala, walang kahit na sino.Wala nalang akong nagawa kung hindi ang maluha at hawakang muli ang parte kung nasaan nandoon ang imahe ng pinintang aking kaibigan..
"A-ang sabi mo babalik ka. Ang sabi mo may gagawin ka lang.. Pero bakit hindi ka bumabalik." Bulong ko sa sarili ko.
Naiinis ako, naiinis ako sa sarili kong umaasa parin akong babalik siya. Naiinis akong para parin akong siraulo na umaasa na babalik ang isang bagay na hindi naman totoo---
"Nagustuhan mo ba?"
Lumakas ang kabog ng dibdib ko sa boses na iyon...
Dahilan upang maluha-luha akong lumingon sa pinanggalingan nito.~To be Continued
BINABASA MO ANG
My Nutcracker
FantasyTitle: My Nutcracker This story is inspired by 'The selection Novel' of Kiera Cass Enjoy reading... ~Miss Eli