CHAPTER 10: Jealousy

715 18 18
                                    

Nasa kotse kami ngayon ni Nash. At ayun ang awkward. Si Jai kasi daldal nang daldal. Parang ayaw niyang pasalitain si Nash. Ang kulit talaga ng bestfriend kong ito. Kay mahal na mahal ko ito e bilang kapatid :) Ang cute niya kasing maging bestfriend. Di ko rin naman siya pwedeng maging kuya kasi 4 na araw lang yung tanda niya sakin XD

"Andito na tayo" -Nash

"Buti naman! Akala ko di na tayo dadating e. Kanina ka pa nagda-drive pero ngayon lang tayo nakarating" -Jai

Ang daldal talaga! Siniko ko bigla si Jai parang nagsasabing "mahiya ka" HAHAHAH alam na niya yun!

"Ano naman? Totoo naman dba?" -Jai

"Nash pagpasensyahan mo na si Jai. Ganyan talaga kadada yan" -Me tapos nagsmile nlng ako kay Nash tapos nag-smile back siya.

BIgla-biglang hinawakan ni Nash kamay ko tapos hinatak ako.

"Nash? Saan tayo pupunta?"

"Sa lugar kung saan wala yang mokong mong bestfriend" -Nash

Nilingon ko si Jai. He look so unusual. parang galit? Tapos bigla siyang nag-iba ng daan. Di niya kami sinundan ni Nash. Di siya ok. Alam ko yun. Bestfriend ko siya e.

---------------JAI's POV------------------------

Kung kailan ko naisipang magtapat tsaka pa dadating yang Nash sa buhay ni Shar. Andun na ako e. Magtatapat na sana ako kaso lumabas yung karibal ko. At sa kasamaang palad, yung crush pa ni Shar. MALAS KO TALAGA! Ang malas malas ko. Pero di yun yung dapat maging dahilan para sumuko ako kay Shar. Di ganun kababa feelings ko para sa kanya. Kaya lalaban ako ng patas sa karibal kong yun.

Andito pala kami sa SM ngayon. Suppose to be magiging date nila ito buti nalang at .......

[[[[[[[[ FLASHBACK ]]]]]]]]

Saturday ngayon. Wala akong plano lumabas ng bahay kasi nga Saturday. 

I was peacefully sleeping when someone texted me. Mama ni Shar.. ganito yung laman:

"HOY Anak! Ano bang ginagawa mo jan? Ang slow mo kasi. Andito ngayon si NASH sa bahay at may dalang flowers para sa anak ko. Tatanga ka lang ba jan? Halika dito't makipagsabayan ka. Sige ka! Gwapo nitong si Nash magiging boto na ako dito imbes sayo ako boto."

Parang si FLASH ako! Bilis kong nakaligo at nakabihis. Kumain lang ako mga dalwang kutsara tapos umalis na.

Nang makita ko yung kotse ni Nash sa harap ng bahay ni Shar, pinark ko yung kotse ko sa tabi para kapag umalis sila, siguradong di sila magkakatabi kasi sasama ako! HAHAHA

"..................DATE?"

Yun nalang yung narinig ko tapos nataranta ako bigla. 

"NOT WITHOUT ME!!"

Hooo! Buti nalang umabot ako! Im just on time Yeeeey!!!

"JAI?" -Shar and Nash

"Yes! Sino pa ba ineexpect niyo?..........Hi Tita :)" then i smiled. Alam na ni Tita ibig sabihin nun. Its like saying "Thank You"

Then Tita smiled back at me then she said...

"Hi Jai! Halika muna sa loob. Pasok ka"

"No Tita. Isasama ako nila Shar at Nash sa Friendship Outing nila"

Nakita ko mukha ni Nash at Shar. Parang gulat na gulat. Malamang magugulat sila kasi di naman talaga ako kasama tsaka DATE nga kasi daw. Di ako papayag dun no!

"Ganun ba? Ahh ok. Mas mabuti ma ung may bantay si Shar. Makakahinga na ako ng maluwag kasi andyan ka e"

Tita never fail to make me kilig. Botong boto siya sa akin. Alam kasi ni Tita simula nung Grade School pa kami na crush ko na si Shar. At guess what! Wala siyang tutuol. Natuwa pa nga siya e HAHAHAHH. Kaya gustong-gusto kong pumunta kina Shar kasi para kaming isang complete family tapos kami ni Shar mag-asawa. Assuming ko ba? BAHALA NA!

"So Let's go!" - Me to break the silence

"Tara na Nash?" Shar

"May choice pa ba ako?" Nash

"NO! And even a single option di kita pagbibigyan" -me with my agressive tune

Pwede ko siyang pagbigyan sa lahat ng bagay pero pagdating kay Shar, MANIGAS SIYA!

So ayun. Dahil nagpanggap akong walang dalang car, sinigurado kong ako ang tatabi kay Nash sa pag-upo kaya nauna na ako. HAHAHAHHA kahit ang magtabi kayo'y di ko pwedeng hayaan BWAAHAHHAHAH (evil laugh)

[[[[[[[[ FLASHBACK ENDS ]]]]]]]]]]]]]

Tapos kanina nakita ko.... HINAWAKAN NI NASH yung kamay ni Shar. Di naman pumalag si Shar. Siyempre alam ko kung bakit. Kasi..... CRUSH NIYA SI NASH. Parang nasaktan lang ako bigla. Di kinaya ng mata kong makita silang ganun.

Kaya naisipan kong umalis. MASAKIT NA e. SOBRA!

Dahil sa tagal naming magksama ni Shar, alam ko kung gaano niya ka-crush si Nash kaya ganito nalang ako magreact ngayon kahit sa isang HOLDING HANDS lang. Oo. Nakakalamang siya sakin kasi siya ang gusto nni Shar in the first place. 

Kakainin ko ba yung sinabi ko kaninag "NOT A SIGNLE OPTION"? Pagbibigyan ko ba si Nash this time? Pero ang tanong, MAY LABAN PA BA AKO?

-------------------------------------------------------------------------------------------------

A/N: Sorry natagalan sa pag-update. Nagmumuni-muni pa kasi ako to gain ideas :) Sana naenjoy niyo. Nagselos si Jai dito HALAAAA :)

ABANGAN kung susuko na ba si Jai o makikkioaglaban siya kay Nash sa puso ni Shar :) WAG PAPALAGPASIN!!!!

I Had A Crush On You (JaiLene)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon