C1: Civil Wedding
[Madeline]
Kinakabahan ako dahil ngayon ang civil wedding namin ni Dayne. Ang tanging nakakaalam lang ay ang mga kaibigan niyang sina Xien at Neo para maging witness sa kasal namin. Syempre kasama sa witness si Mayor.
Matagal ng tutol ang parents niya sa amin kaya nagdesisyon siyang hindi ipaalam na magpapakasal kami sa magulang niya. As for my parents naman nasa bicol sila kaya hindi agad makakapunta. Biglaan nga kasi talaga ito. Nakapagpaalam naman kami ng maayos kahit biglaan.
"Mas mabuti ng biglain sila Mommy dahil kapag nakasal na tayo, wala na silang magagawa." Sabi nito kahapon sa akin kaya pumayag na rin ako.
Inimbitahan talaga ni Dayne sina Xien at Neo para kahit papaano kasama namin ang dalawa sa pinagkakatiwalaan niya.
"Congrats!" Bati ni Xien at Neo sa amin. They are teasing us, but it's obvious that they are happy for us.
"May lakad pa ako kaya hindi na ako sasama sa pagkain niyo." Pagpapaalam ni Neo.
"Ako din. Nakakahiya naman na umepal ako sa bagong kasal." Biro ni Xien.
"Salamat." Sabi naman ni Dayne sa kanila.
Nanlalamig ang mga palad ko nang iuwi ako ni Dayne sa bahay nila. Takot ko ba naman sa ina nitong laging nakasimagot sa akin at nagtataray.
"Don't worry, Love. Wala na silang dahilan para tumutol sa atin. I'll fight for you no matter what." He said with full of assurance then kisses my forehead.
"Dayne Levi, bakit mo dinala ang babaeng 'yan dito?!" Bungad sa amin ng ina nito. What's new?
In four years na boyfriend ko ang anak nito ay hindi niya ako binigyan ng pagkakataong patunayan ang sarili kong deserving ako para sa pagmamahal ng anak niya dahil ayaw niya talaga sa akin simula palang. May iba siyang gusto para sa anak niya.
"Mom, she's already my wife and it's my responsibility to be with her. Kung ayaw niyong idala ko po siya dito well don't worry sinama ko lang siya para ipaalam at ipakilala sainyo ni Dad ang asawa ko. Kukunin ko lang po ang mga gamit ko." Mahinahon na sagot ni Dayne.
"How dare you talked to your Mom like that?!" Biglang sabi ng ama nito na kararating lamang.
Mabait naman ang ama nito, nahahawa lang talaga sa asawa.
"Dad, wala po akong sinasabing masama. Ipinapaalam ko lang sainyo na hindi niyo na kontrolado ang mga desisyon ko sa buhay. Kung hindi niyo tanggap, hindi ko na po 'yon problema." Kalmadong sagot ni Dayne.
"How about Abi? Paano na siya anak?" Tanong ng ina nito na puno ng pag aalala kay Abi.
Hawak lamang ni Dayne ang kamay ko. Bahagya niya itong pinisil na para bang ipinaparating na 'wag akong mag alala.
"She's just my friend and she will stay as my friend. Kayo lang naman itong gustong-gusto siya sa akin."
Huminga ng malalim ang ina nito saka ako binalingan ng tingin.
"Alright then just let me talk to you wife in private. Wala akong gagawing masama kung 'yon ang inaalala mo."
Puno ng pag-aalala kong tiningnan ang asawa ko. Ngumiti siya sa akin at tumango naman ako.
"Ok." Sagot ni Dayne sa ina nito.
Sumunod ako sa Mommy niya patungo sa garden nila. Mataray ako nitong tinitigan mula ulo hanggang paa.
"Gusto ko lang ipaalam sa'yo na hindi dahil ikinasal na kayo eh boboto na ako sa'yo, I will always choose Abi for my son. Makikisama lang ako sa'yo dahil mahal ko ang anak ko at kung mahal mo din ang anak ko sana naman 'wag mong hayaan na magkasira kami ng anak ko." Madidiing sabi nito.
"O-opo." Sagot ko na lamang.
Nakakatakot naman talaga ang Mommy niya kung hindi ko lang talaga mahal si Dayne hindi kami magtatagal dahil sa pagiging kontrabida ng magulang niya sa amin.
As for Abi naman na botong-boto sila eh wala naman akong pakialam doon sa tao as long as alam kong ako ang mahal ni Dayne at kaibigan lamang ang tingin niya dito. Childhood friend kasi niya ito kaya hindi niya magawang layuan, isip bata pa kung minsan kahit 23 years old na.
"Anong sinabi ni Mom sa'yo Love?" Panimula nito nang makasakay na kami sa sasakyan niya.
"Mahal ka daw nila kaya ayaw nilang magkasira kayo ng dahil sa akin. Kaya susubukan nilang tanggapin ako..." Mahinang sagot ko.
"That's good. 'Yung passport mo pala? Nakaready na? We're flying to Italy tomorrow."
"Oo. Paulit-ulit ka ah. Excited ka naman masyado sa honeymoon natin!" Patawa-tawang panunukso ko dito.
"Syempre! Babawian kita para sa ilang taong paghihintay ko. Tyaka ang tagal ko ng pinabook ang flight na 'yon." He said grinning.
"Ah gano'n? So, 'yon lang pala ang hinihintay mo kaya mo ako pinakasalan?" May pagtataray na sabi ko.
"Of course not. I love you so much kaya kita pinakasalan at papakasalan pa kita sa simbahan kapag nakaipon na ako ng dream wedding mo." Nangingiting sagot nito.
"Hindi naman na kailangan."
"But I want to give you the church wedding you dream and you deserves to have." He insisted while giving me butterfly kisses on my hand.
"Thank you Love..." Nakangiting sabi ko.
"Sa condo ko muna tayo titira pansamantala saka tayo lilipat sa bagong bahay natin kapag may Baby na tayo. Is that alright with you?" Malumanay na tanong nito.
"Ok lang noh! Mahirap maglinis ng malaking bahay lalo pa't tayo lang namang dalawa."
"Kukuha naman ako ng maid kapag nasa bago na tayong bahay."
"Hindi na kailangan."
"I insist. Ayokong napapagod ka." Malambing na sabi nito.
Hindi ko tuloy maitago ang mga ngiti ko dahil sa ka-sweet-tan ng lalaking ito.
-
C1 Posted: December 28, 2016
C1 Edited:
BINABASA MO ANG
At Worst (COMPLETED)
RomanceAt Worst - BOOK 1 Written By: invisiblegirlinpink - Worst [N] - The most serious or unpleasant thing that could happen. © Google When letting go is the only choice you can do, would you let go? Would you accept the worst of letting go? - Started:...