-
C5: Lies
[Madeline]
It's already 9:30 in the evening at hindi pa umuuwi ang asawa ko. Hindi ako tumatawag kapag office hour niya pero dapat kanina pa siyang 8 nakauwi, so I dialed his number.
"Hello Love, sorry. I was about to call you. Sila Mommy pinapasabay ako sa dinner ngayon. Kumain ka na lang. Eat well." Tarantang sabi nito.
"Ok. Ingat ka sa pag-uwi." Sagot ko na lamang saka napabuntong hininga.
Grabe talaga ang parents niya, hindi naman sa minamasama ko ang pag-aaya nilang mag dinner with their son pero hindi man lang ba nila naisip na ako lang mag-isa dito? Na imbis na kasama ko ang asawa ko nasa kanila naman.
Kumain ako saka uminom ng vitamins. Nagpatunaw ako ng kaunti saka pumasok sa kwarto at nahiga. Ang tagal naman ng dinner nila. Napatingin ako sa orasan, it's already 10:30 ano ba ang mga kinakain nila doon? Ang tagal naman nila 'atang ngumuya!
Nakakainis! Naiinis ako!
Hindi ko na napigilang tawagan siya ulit. Tatanungin ko kung doon na siya matutulog dahil ang tagal niya.
"Love?" Panimula ko.
"Hello? We're still on a dinner right now so, stop calling Dayne."
"Abi?"
Bigla akong pinatayan. Dinner nila? Akala ko ba dinner with his parents lang? At bakit siya ang sumagot sa tawag ko? Talagang magkasama sila? Mamaya 'to sa akin si Dayne.
Pinakalma ko ang sarili ko. May tiwala naman ako sa kanya eh. Malay ko ba kung may dahilan siya. Baka si-net up nanaman sila ng parents niya. Nakakinis ang pagiging kontrabida ng magulang niya ah lalo na ng ina niya. May asawa na't lahat ang anak nila nirereto pa rin nila.
Napahawak ako bigla sa tyan ko nang bigla itong kumirot. Huminga ako ng malalim at pinilit na kalimutan ang mga nagpapainis sa akin saka ko hinaplos ang tyan kong two months na.
Kinabukasan ay nagising akong nangangamoy ng pagkain kaya bumangon ako at nabungaran ko sa kusina ang asawa ko.
"Anong oras ka na dumating kagabi?" Walang ganang tanong ko saka kumuha ng tubig para inumin.
"Almost 11. Sorry. Biglaan kasi no'ng sinabi ni Dad."
Nagluto ba siya dahil may kasalanan siya sa akin?
Hinainan niya ako ng almusal saka kami kumain.
"Sila lang kasama mo?" Tanong ko habang seryosong nakatingin sa kanya.
Nakita kong natigilan siya saka umangat ang tingin sa akin at umiwas.
"O-oo..." Sagot nito na hindi makatingin sa mga mata ko.
I smirked saka uminom ng isang basong tubig. He lied. Bakit siya nagsisinungaling?
"Sigurado ka?"
Tumango ito. Napahawak ako sa tyan ko at pilit na pinakalma ang sarili ko dahil bigla nanaman itong kumirot.
"Kaya pala sinagot ni Abi ang tawag ko sa'yo kagabi." Dire-diretso kong sabi saka tumayo para makaalis pero nahawakan niya ako sa braso saka yinakap. Hindi ako nagpumiglas dahil alam kong mas malakas siya. Hinayaan ko siya pero wala akong balak na magsalita pa.
I have to stay calm for my Baby.
"Sorry..." Bulong nito. "...Kasama talaga siya sa dinner with my parents. I wasn't inform that she'll be there... I'm sorry... Please don't stress yourself about it."
Ba't nagsinungaling pa siya? Pwede naman niyang sabihin na lang ang totoo mas maiintindihan ko pa sana! Mas minabuti kong tumahimik dahil once na magsalita ako baka hindi ko na makayanan pang pakalmahin ang sarili ko.
Binitawan niya ako at tiningnan sa mga mata with his apologetic eyes but I remain expressionless and calm. Because I have to, then I walked out.
"Love..."
I stayed in our room habang hinahaplos ko ang tyan ko.
"Sorry Baby..." Naluluha kong sabi.
Nakaupo lang ako sa kama habang nakatanaw sa bintana.
Natututo na siyang magsinungaling. Ayokong manisi pero bakit gusto kong sisihin ang parents niya sa pagsisinungaling niya? Sabagay 'yon ang hilig ng Mommy niya. Hindi nga lang ang pagsisinungaling magaling, kundi pati sa pagpapanggap.
Should I talk to his parents? Ng matapos na 'to? Ayokong madamay pa ang anak namin. Gusto kong maging totally maayos na kami ng parents niya without pretending na sinusubukan nila akong tanggapin.
Naagaw ang atensyon ko sa pagbukas at sara ng pinto at ang tunog ng yapak niya papunta sa akin. Tumabi ito at hinawakan ang isa kong kamay habang nasa tyan ko pa rin ang isa ko pang kamay.
Hindi ko siya nililingon. I remain looking outside the window. Naramdaman ko ang paghalik-halik niya sa kamay ko at ang paglagay niya nito sa pisngi niya. Narinig ko pa ang paghinga nito ng malalim saka ko bigla naramdaman ang bigla niyang paghalik sa tyan ko kaya napatingin na ako sa kanya.
Nagpapaawa.
Hinila ko ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya.
" 'Diba may trabaho ka pa? Pumasok ka na sa trabaho... Kung sakaling yayain ka ulit mag dinner ng parents mo, inform mo agad ako. Madali lang naman sigurong tumawag 'diba? At umuwi ka kaagad dahil alam mong wala akong kasama dito buti kung hindi ako buntis para na rin hindi ako 'yung tumatawag at iba 'yung makakasagot ng tawag ko. Mahuhuli pa kita. May tiwala naman ako sa'yo. Alam mo 'yan. Sa parents mo lang wala." Seryoso at dire-diretsong sabi ko dito saka tumayo pero hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako paupo sa kandungan niya.
Yumakap siya sa tagiliran ko saka ibinaon ang mukha niya sa leeg ko.
"Sorry Love... Sorry talaga. Mahal na mahal kita..."
"Kung mahal mo ako hindi ka magsisinungaling, pwede mo namang sabihin ang totoo. Maiintindihan ko pa sana, pero mas pinili mong magsinungaling."
"Ayoko lang na ma-stress ka dahil sa malalaman mong kasama namin si Abi unexpectedly..." Mahinang dahilan nito.
"Mai-stress at mai-stress ako kung hahayaan ko. Mas nai-stress ako sa pagsisinungaling mo eh."
"Sorry na. Hindi na mauulit."
Grabe talaga! Kapag mahal mo, hindi mo matiis.
So I hugged him. Haaay. Bakit ko nga ba mahal na mahal ang lalaking 'to?
"Magsorry ka din kay Baby..." Mahinang sabi ko.
He chuckled saka ako dahang-dahang inihiga saka dinampian ng halik ang tyan ko.
"Sorry Baby namin..."
Napangiti ako.
Binigyan niya din ako ng magagaang halik sa labi saka binuhat akong muli pakandong sa kanya.
"Pagagalitan ka naman ng Dad mo niyan." Puna ko dahil mukhang malilate nanaman siyang pumasok sa trabaho.
"Babawi ako sa'yo, bahala siya." Natatawang sabi nito saka yinakap ako.
Natawa na lang din ako.
-
C5 Posted: January 1, 2017 - Happy New Year! 🎇🎆
Dedicated to ahahaaaaaa & hazelinaa - Thank you for adding Substitute Personal Maid to your reading list. Sana mabasa niyo at magustuhan. God bless. Happy Reading!
![](https://img.wattpad.com/cover/94357903-288-k717650.jpg)
BINABASA MO ANG
At Worst (COMPLETED)
RomanceAt Worst - BOOK 1 Written By: invisiblegirlinpink - Worst [N] - The most serious or unpleasant thing that could happen. © Google When letting go is the only choice you can do, would you let go? Would you accept the worst results of letting go? - ...