-
C3: Cravings
[Madeline]
Nasa grocery kami ngayon para mamili ng stock sa condo.
"Excuse me?" Biglang sabi ng asawa ko sa guard na nadaanan namin.
"Yes Sir?"
"Staring is rude lalo na sa asawa ko kaya kung gusto mong manatili sa trabaho mo, STOP. STARING. AT. MY. WIFE." Madidiing sabi ng asawa ko dito na ikinanlaki ng mga mata ko. Hindi ko 'yon napansin.
"S-sorry Sir! Sorry Ma'am!" Kinakabahang sagot ng guard saka yumuko.
"Grabe! Tinakot mo naman 'yung tao." Komento ko.
"Bastos eh! Nakikita ng hawak ko ang kamay mo kung makatingin para kang huhubaran! G*g* 'yon ah!" Iritadong sabi nito.
"Calm down Love." Sabi ko na lamang saka hinigpitan ang pagkakakapit ko sa kamay naming magkahawak habang itinutulak ang cart.
Kumain muna kami ng pizza bago umuwi.
"Love, papasok na ulit ako sa trabaho bukas. Ok lang ba sa'yong mag-isa dito?" Tanong nito habang tinutulungan akong mag ayos ng pinamili namin.
"Of course. Ayaw mo naman akong patrabahuin eh."
Lumapit ito sa akin saka yumakap sa bewang ko.
"I'm sorry. Gusto ko lang naman n--"
"Na maabutan mo ako sa bahay, na kapag darating ka ay sasalubungin agad kita? I understand Love." Kalmadong sabi ko saka ipinalibit ang mga braso ko sa leeg nito
Ngumiti ito saka padampi-damping hinalikan ang labi ko na hindi ko maintindihan kung bakit nabibitin ako kaya ako na mismo ang mariing humalik sa kanya. Naramdaman ko pa ang pagkagulat niya but he kissed me back.
When he pulled me closer to deepened our kiss, I wrapped my legs around him hanggang sa buhatin na niya ako patungo saaming silid then he owned me again and again that night.
Nagising ako ng two am dahil sa gutom, eh nakayakap siya sa akin kaya dahan-dahan ko itong inalis.
"Where are you going Love?" Inaantok na tanong nito.
"Sorry, nagising pa kita. Nagugutom kasi ako." Mahinang sabi ko dito.
Binitawan niya naman ako kaagad saka siya tumango.
Nagsuot ako ng damit saka lumabas ng kwarto para maghanap ng gusto kong kainin pero sa mga pinamili namin ay wala akong gusto kaya uminom na lang ako ng gatas.
Pagbalik ko ay naupo ako sa kama at nag isip kung paano ako makakakain ng bayabas? Nakakapagtaka nga eh, bakit bigla na lang akong natakam sa bayabas? Saan naman ako no'n maghahanap? Wala naman akong nakikitang bayabas sa grocery sa may fruit section kaya impusibleng meron no'n doon. Gusto ko talaga kasi.
"Love?"
Napalingon naman ako nang magsalita ang natutulog sa tabi ko. Nakita ko ang unti-unting pagmulat ng mga mata nito.
"Anong oras na?" Inaantok pang tanong nito.
"Ano... 2:30." Sagot ko nang makita ko sa orasan na nakasabit sa ding-ding.
"Ba't nakaupo ka?" Tanong nito saka umupo din. "...Anong kinain mo?"
"Uminom lang ako ng gatas." Mahinang sagot ko.
"Hindi ka ba inaantok?"
"Nagugutom kasi ako. Nag iisip ako kung paano ako maghahanap ng bayabas bukas." Nakasimangot na sagot ko.
Nanlalaki ang kanyang mga mata nang titigan ako tapos biglang kumunot noo.
"Bayabas?"
Tumango ako.
"Pero parang hindi ko na kayang bukas pa makakain ng bayabas eh..." Naiiyak na sabi ko. Sh*t! Ba't ba ako naiiyak?!
Umiwas ako ng tingin dito para hindi niya mapansin ang maluha-luha kong mga mata pero hindi pa rin nakaiwas dahil hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko.
"You look like you want to cry Love..." Mahinang sabi nito na may malambot na expression sa mukha.
"Am I? Hindi ko alam kung bakit!" Sabi ko saka yumakap sa kanya. "..Gusto ko talagang kumain ng bayabas Dayne!"
"At this hour? Hindi mo na talaga mahihintay bukas Love?" Tanong nito habang pinupunasan ang mga luha kong tumulo na.
"Oo eh. Ininuman ko na din naman na ng gatas pero gusto ko talaga ng bayabas. Sorry..." Dahilan ko.
"Sige. Wait. Maghahanap ako."
"Halah! Paano 'yan Dayne? Baka wala kang mahanap?"
"Gagawa ako ng paraan. Wait for me." Sabi nito saka nagmamadaling tumayo at nagsuot ng damit.
Naglalaway na ako sa kakaisip ng bayabas kanina pa. It's already 3 am at ang bayabas pa rin ang nasa isipan ko.
Naisipan ko siyang tawagan dahil nag-aalala ako.
"Hello Love?" Panimula nito. "...Bilisan niyo nga!"
"Sino kausap mo diyan?" Tanong ko.
"Hi Madeline! Bwis*t 'tong asawa mo ginising kami ni Neo para sumama s--Sorry Love. Pabalik na ako. Sorry."
Si Xien at Neo pala kasama niya?
"Ok. Take care." Mahinang sagot ko.
Nasa living area lang ako nang dumating siya at narinig ko pa ang ingay nina Xien at Neo sa labas ng condo.
"Umuwi na kayo. Salamat! The best talaga kayo!" Rinig kong sabi ni Dayne.
Nakarinig ako ng pagmumura saka pagtawa nina Xien at Neo na nagpailing lamang sa akin.
"Love!" Bungad ko dito.
"Here."
"Thank you Love. Sorry nadamay pa 'yung mga kaibigan mo."
"Wala 'yon." Sagot nito na namumungay na ang mga mata. Mukhang antok na antok pa talaga 'to.
"Kakain lang ako. Matulog ka na Love." Sabi ko dito.
"No. I'll wait for you..." He said, yawning.
Sarap na sarap akong kumain at nakaubos ako ng hindi ko na mabilang kung ilan. Magpo-4 na nang matulog kami ulit.
-
C3 Posted: Dec. 30, 2016
Dedicated to leaquiray112 - Thank you for adding The Fall to your reading list. Sana mabasa at magustuhan mo. Happy Reading! God bless. 💋
BINABASA MO ANG
At Worst (COMPLETED)
RomanceAt Worst - BOOK 1 Written By: invisiblegirlinpink - Worst [N] - The most serious or unpleasant thing that could happen. © Google When letting go is the only choice you can do, would you let go? Would you accept the worst of letting go? - Started:...