C7: Coldness

1.1K 44 11
                                    

-

C7: Coldness

[Dayne]

Pagmulat na pagmulat nito ay agad siyang humawak sa tyan niya.

"Love..."

" 'Y-yung Baby? 'Yung Baby ko?" Tarantang tanong nito.

"I'm Sorry Love..." Halos pabulong na sabi ko.

Sorry dahil wala na ang Baby natin.

"Hindi! Hindi! 'Yung Baby ko!" She cried hard.

I cupped her face pero lumayo siya. Hinawi niya lang ako.

"Love, I'm still here." Mahinang sabi ko.

Maya-maya'y dumating ang parents ko may dala silang prutas. Hinayaan ko na muna ang asawa kong kumalma.

"Mag babanyo lang po muna ako." Pagpapalam ko saka lumabas ng kwarto niya.

Pagbalik ko ay parang mas lalong umiyak ang asawa ko.

"We'll go ahead now son." Pagpapaalam ni Mom.

Tinanguan ko lamang sila. Tinapik naman ang balikat ko ni Dad.

Lumapit ako sa hinihigaan ng asawa ko at hinaplos ang ulo niya. Nakatalikod pa rin siya sa akin.

"Love, tahan na."

Bigla itong umupo at bumaling ng tingin sa akin.

"Umalis na 'yung magaling mong magulang?" Sabi nito na tumingin pa sa likuran ko.

Kunot noo ko siyang tiningnan.

"Kakaalis lang nila. Why?" Pagtataka ko.

"Hindi ako mahilig magsumbong sa'yo, alam mo 'yan.." Mahinang panimulang sabi nito. "..Nalalaman mo na lang kahit hindi ako magsalita but this time I can't just shut my mouth and pretend that everything is alright! Especially when it comes to your parents!" Huminga ito ng malalim bago muling nagsalita. "..Gusto ko lang malaman mo na pumunta lang dito ang magulang mo para ipamukha sa akin na kasalanan ko ang pagkawala ng anak natin! P*t*ng*n*! Sinong ina ang gustong mawala ang anak nila?!" Puno ng paghihinagpis na sabi nito.

Pinilit ko siyang yakapin because she's already sobbing at hindi ko din alam ang gagawin ko sa mga narinig ko mula dito.

"Hindi mo kasalanan. I'm sorry about what my p-parents sai--"

"Bitawan mo ako! P*t*ng*n*! P*ny*t*! Ganito pagkakasabi ng Mommy mo, Maybe you don't deserve to be a mother kaya nawala kaagad ang anak mo, pabaya ka kasi. Alam mong maselan ang pagbubuntis mo nagpapaka-stress ka. Kasalanan mo 'yan!" Umiiyak na sabi nito. "..Ganyan na ganyan ang pagkakasabi niya! Bahala ka kung paniniwalaan mo ako o hindi pero p*ny*t*! Hindi man lang nila naisip ang mararamdaman ko!"

"Sorry.... Sorry... Sorry... Love, please calm down now. Tahan na. I'll talk to them." Tarantang sabi ko.

I can't believe my parents can say those. Wala silang karapatang saktan ang asawa ko using their words. Alam kong under si Dad ni Mom kaya si Mommy ang kakausapin ko at kung makikialam si Dad wala na akong magagawa kung hindi ang umalis sa kompanya. Ayoko ng ganito, lalo na kung ang taong mahal ko ang naaagrabyado. Hindi niya kasalanan na nawala ang anak namin. Kasalanan ko nga 'ata 'yon dahil sa kanila.

Nakatulog ang asawa ko sa kakaiyak. Nakauwi din naman kami kinabukasan pero ang tanging ginawa niya lang ay ang umiyak at tangi ko din naman ginagawa ay ang patahanin siya.

I can't just leave her kaya hindi ko rin makausap ng personal si Mom ngayon.

It's been a month since we lost our Baby and she's been very cold towards me.

At Worst (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon