C9: Province

1K 43 0
                                    

-

C9: Province

[Dayne]

Pagdating ko ng madaling araw ay sinalubong ako ni Tatay. Nagmano kaagad ako. Tinulungan niya akong magbuhat ng mga dala ko.

Kinakabahan ako. Natatakot kasi akong makitang galit ang asawa ko kapag nalaman niyang nandito ako ngayon.

Pagpasok ko ng bahay nila ay agad na bumungad sa akin si Nanay. Nagmano din naman ako.

"S-si Madeline po?" Nag aalangan kong tanong.

"Tulog pa ang asawa mo." Nakangiting sagot ni Nanay.

Hinatid nila ako sa isang kwarto.

"Pasensya na ijo. Maliit lang ang kwarto."

"Wala po 'yon. Salamat po. 'Yung mga dala ko po, para sa inyo po 'yon."

"Salamat din ijo. Nag-abala ka pa. Sige na. Alam naming pagod ka. Magpahinga ka na muna."

Itinabi ko ang maleta ko sa sulok saka nahiga sa kama. Single bed lang kaya maliit pero kasya naman ako. I tried sleeping but I can't stop thinking about what will be my wife's reaction kung makikita niya ako bukas.

Maya-maya'y nakaramdam na ako ng antok kaya hinayaan kong makatulog.

Nagising ako sa mga tilaok ng manok. I look at my watch. It's already 6 in the morning.

"Nay! Kanin-o hali an mga pagkaon sa kusina?"
(Nay! Kanino galing 'yung mga pagkain sa kusina?)

Sigurado akong boses 'yon ng asawa ko. Rinig na rinig pala dito sa kwarto. Buti na lang nakakaintindi na ako ng bicol dahil simula nang maging kami ay parati na akong napapadalaw dito sa probinsya nila at natututo akong makaintindi ng dialect nila kahit kaunti. Hindi lang makapagsalita. 'Yung mga mababababaw lang na salita nila ang alam ko. Madalas niya namang kausap sa phone ang pamilya niya ng tagalog. Siguro nasanay na ulit siyang magbicol dito.

"Sa bisita 'yon anak. Pabaya-i lang mun-a 'yun doon."
(Sa bisita 'yan anak. Hayaan mo lang muna 'yan diyan.)

"Sin-o na bisita Nay? Wara ako matandaan na may insabi ka na maabot na bisita ah?"
(Sinong bisita Nay? Wala akong matandaan na may sinabi kayong darating na bisita ah?)

"Maaraman mo pagnaimod mo doon."
(Malalaman mo pagnakita mo mamaya.)

Hindi ko naiwasang mapangiti nang marinig kong muli ang boses ng asawa ko. Sobra ko siyang na-miss.

"Ijo? Mag-almusal ka na." Katok sa labas ni Nanay. Nabosesan ko na din naman siya.

Bigla akong napatayo dahil kanina pa talaga ako nakaupo sa kama.

"Sige po." Mahinang sagot ko na sakto lang para marinig ng nasa labas ng pintuan.

"Nasa labas ang asawa mo kaya 'wag kang mag-alala."

Lumabas naman ako kaagad suot ang isang white shirt na dala ko at basketball shorts.

"Nag-almusal na po siya?" Bungad na tanong ko referring my my wife.

"Hindi pa. Magmumuni-muni muna 'yon sa labas habang pinapakain ang mga inahing manok." Sagot ni Nanay.

Nasa kalagitnaan ako ng pagkain nang may narinig akong boses ng isang lalaki na sigurado akong hindi 'yon galing sa boses ng matanda. Napakunot lang ang noo ko nang marinig ang biglang pagtawa ng asawa ko na ngayon ko na lamang narinig.

"Makauyam ini! Kaaga-aga!" Patawa-tawang rinig kong sabi ng asawa ko.
(Nakakainis 'to, ang aga-aga!)

"Nag-agi lang ako para maimod ka! Mayad kay nangirit ka na!"
(Dumaan lang ako para makita ka, mabuti tumawa ka na!)

Napahigpit ako ng kapit sa spoon and fork na hawak ko at nawalan na ng gana.

"Ijo! Ilagay mo lang 'yan diyan. Ako na ang maghuhugas."

"Hindi na po. Kaya ko naman po. Hayaan niyo na po ako." Sabi ko kay Nanay.

Binabanlawan ko na ang plato nang marinig ko ang asawa ko. Sh*t!

"Nay, hali didi s--"
(Nay, galing dito s--)

Nasa likuran ko na siya. Sigurado akong nakita na niya ako kaya hindi niya natuloy ang sasabihin niya kay Nanay.

"Sin-o an hali didi?" Biglang sulpot ni Nanay sa tabi niya pagkalingon ko.
(Sinong galing dito?)

"S-si Rocco. Naghatag san pandesal." Mahinang sagot nito habang pabalik-balik ang tingin sa akin at kay Nanay.
(S-si Rocco. Nagbigay ng pandesal.)

"Tutal nagkita naman na kayo. Mag-usap na kayo." Biglang sabi ni Nanay skaa kami iniwan sa kusina.

Gustong-gusto ko siyang yakapin. I missed her so f*ck*ng much.

"Bakit ka nandito? Dala mo na ba 'yung hinihingi ko?" She asked coldly.

"Anong hinihingi mo? 'Yung annulment papers? That's b*llsh*t Madeline! I can't give you that! Ikaw ang may gusto no'n 'diba? Ikaw ang mag file." I said forcing myself to keep calm.

"Sige. Ako na ang magpafile. Bakit ka pa pumunta dito?" Walang ganang sabi nito.

"Because I want you back. Alam kong mahal mo pa ako." Siguradong sabi ko.

Umiling ito saka tumalikod sa akin. She was about to go out when I pulled her into my arms. I hugged her tight.

"I missed you. Mahal na mahal kita... Paghihirapan ulit kita. Kahit ano gagawin ko. Bumalik ka lang ulit sa akin. Hindi ako aalis dito hangga't hindi ka sumasama sa akin pabalik ng Manila." Maluha-luhang bulong ko saka humalik-halik sa ulo nito.

Hindi pa sana ako bibitaw nang dumating si Tatay.

"Ijo, nag almusal ka na? Pasensya na. Naistorbo ko 'ata kayo." Patawa-tawang sabi nito.

Inirapan ako ng asawa ko saka walang sabi-sabing umalis ng kusina.

-

C9 Posted: January 2, 2017

Dedicated to Mj18macapinlac, alianagenette, rejjjjj22, EllizaVallejo, AndrewBeredo0, & NormaJumaquio - Thank you for adding It Started In A Vacation to your reading list guys. Sana mabasa at magustuhan niyo. Happy Reading! God bless. ❤

At Worst (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon