Papunta ako ngayon sa canteen upang makipagkita kina ace at sid.hindi kasi ako nakasabay sakanila dahil narin sa may ginagawa pa ako,pero hihintayin daw nila ako.hindi kasi sila kumakain kapag kulang ng isa,kaya kailangan ko ng pumunta doon.
Habang papunta doon,nakarinig ako ng isang malakas na tawanan na nag mumula sa-
Kanila!.
"Hahaha hoi duke umayos ka!baka gusto mong lumipad ang kamao ko sa mukha mo."Rinig kong sabi ni ace don sa katabi niyang lalaki....inferness cute siya.
"Hahaha try mo ace! At nang humina naman ang kahanginan niyan." Natatawang sabi ni sid kay ace....mukhang hindi na ako kailangan.ang saya na nila e kahit wala ako.total tapos na rin naman silang kumain,makaalis nalang.
Papaalis na sana ako ng nahagip ng mga mata ko ang bagong dating na lalaki papunta sa nagtatawanang mga kaibigan ko atsaka umupo.ang gwapo niya,matangkad,matangos ang ilong,at dagdag pogi points pa ang mga ngiti niya.ang gwapo niyang ngumiti.....
Dug dug .dug dug .dug dug
Bigla akong nahawak sa dibdib ko.ano tong nararamdaman ko?,bakit ang bilis ng tibok ng puso ko?anong nangyayari sakin?....*iling iling* gutom lang siguro ito at dala narin siguro ng pagod ko.
Umalis ako kahit walang laman ang tiyan ko at bumalik sa ginagawa ko kanina.Hindi parin kasi ako tapos permahan lahat ng ito at kailangan na nila ito bukas.
Habang may ginagawa ako,pumasok si sir rey na may dalang pagkain.mukhang para sakin.
"Crystal kumain ka muna kanina kapa jan sa ginagawa mo,magpahinga ka naman.jus miyong bata ito napakapabaya sa sarili." Nag aalalang sabi ni sir rey sabay lapag ng pagkain sa lamisa."o siya ako'y aalis na sumaglit lang ako rito upang dalhan ka ng pagkain.kumain kana." Utos sakin ni sir rey.
"Opo!maraming salamat sir rey.sakto yung pagdating niyo na may dalang pagkain,nagugutom narin kasi ako e,hindi ko lang maiwan itong ginagawa ko upang bumili ng pagkain.thanks again sir rey." Pasasalamat ko sa kanya..
" walang anuman." At umalis na siya.
Iniwan ko muna saglit ang ginagawa ko at kumain at ng makapagpahinga kahit saglit lang.
Sid pov.
"Ace wala pa ba si bren?nagugutom na ako e!"
"Wala pa sid.asan na ba yun?kumakalam nayong tiyan ko." Asan na ba yun?bakit wala pa siya?malapit ng matapos ang break time namin.
"Ace!,sid!" Tawag samin mula sa likuran namin..akala ko si bren na,pero hindi si duke lang pala kasama ang kuya ko.ano naman ang ginagawa nila dito?
"O duke!kuya anong ginagawa niyo dito?" Tanong ko sakanila pagkatapos nilang umupo.
"Sasabay sa inyong kumain."
"Bakit mo pa sinama itong unggoy kong pinsan kuya paulo?okey na sana kung ikaw lang,bakit sinama mo pa yan?alam mo namang aawayin lang ako niyan kuya paulo.*sabay pout*"
"Wag kang mag inarte jan pinsan,akala mo kung sinong maganda kung makapagsalita.Kaya niya ako sinama dahil pareho kaming gwapo hahaha tabachoy!!" Singit ni duke.
"Hahaha ikaw gwapo?asa!" Asar ko kay duke ang hangin masiyado e.
"Hahaha hoi duke umayos ka!baka gusto mong lumipad ang kamao ko sa mukha mo."
"Hahaha try mo ace! At nang humina naman ang kahanginan niyan."Sabi ko sa kanya
"Maiwan ko muna kayo,mag sicr lang ako." Paalam samin ni kuya
"Bakit hindi pa kayo kumakain mae?" Tanong sakin ni duke.mae,yan kasi tawag sakin ni duke.
Maya maya dumating na si kuya at umupo.
"Hinihintay pa kasi namin ni ace ang isa pa naming kaibigan na si bren.
"O asan na siya?bakit wala pa siya dito?baka malipasan kayo." Duke
"Kumain na tayo.mukhang hindi na dadating ang hinihintay niyo."alok samin ni kuya...mabuti pa nga,mukhang may ginagawa pa si bren...sana kumain sa siya....
kahit sa pagkain namin hindi parin mawawala ang tawanan,at asaran.matapos namin kumain nagpasiya na kaming bumalik sa kanya kanyang silid aralan,syempre kasama ko si ace.magkaklase kami e.
Bren pov.
Nakakapagod masiyado ang araw nato.nakauwi na pala ako sa bahay ko at nandito ako sa kwarto ko upang magpahinga.
Dali dali akong sumampa sa higaan ko at natulog....
Zzzzzzzzz..zzzzzz
******************************************************
A/n:wag niyong kalimutan mag vote at mag comment mga readers ha.maraming salamat sa pagbabasa.

ESTÁS LEYENDO
...A FRIENDSHIP GOALS..
Non-FictionNagtiwala, Nasaktan,pero Naging palaban... Wag agad magtiwala sa kaibigang hindi kapani paniwala, lalong Lalo na,kung kaibigan mo pa. Madaling makuha sa pangkaibigang salita, Pero dapat bukas ang isipan sa kanilang intensyon, Huwag maging ta...