7: "FALLEN"

839 27 2
                                    

~Angela's POV~



Masiglang nagdidiscuss yung prof. namin, pero sadyang wala sa klase yung utak ko. Hindi ko kasi mapigilang hindi maisip yung mga classmates and friends ko sa school ko.

Namimiss ko na sila. *sigh*

One and a half month na rin kasi simula nung umattend ako dito sa school ni Angel, at ni isang beses ay hindi pa ko nagagawi ulit sa school ko.

Ano na kayang nangyayari sa kanila?.. Sa mga friends ko?.. kina Ken, Icy, Cherry, Steven, Megan, at Cody. Malamang, namimiss na din nila ko. *Sigh*

Masasabi kong kahit maingay at magulo ang mga tao sa University na pinapasukan ko, atleast, dun masaya ko. Di tulad dito. Maingay at magulo din naman ang mga tao dito, pero pakiramdam ko.. hindi ako welcome. Kasi nga, gamit ko yung pangalan ng kakambal ko. At kaakibat ng pangalang yun ang salitang "mag-isa", dahil sa takot nalang ng karamihan ng estudyante kay Angel, kaya walang makapaglakas-loob na iapproach siya basta-basta. Although, I made friends, sina Jena and Trixie, and even Janred.

I already considered Janred as a friend kahit babago palang kaming magkakilala. It's has been only 1 week mula nung magkakilala kami ni Janred, and yet, parang naging close na din agad kami. Mabait naman kasi siya at gentleman pa. Malayong-malayo sa ugali nung kapatid niyang may sa impakto.

Natapos ang klase namin ng wala akong naintindihan sa diniscuss ng prof. namin. Kahit yung mga announcement na ginawa niya. At dahil classmates ko naman yung dalwa nina Jena at Trixie. Sa kanila nalang ako nagtanong, kaya sa kanila ko nalang din nalaman na may report paper kaming kailangang gawin.

Breaktime... Hindi ako sumama mag-break kina Jena at Trixie dahil dumeretso agad ako sa library para hanapan ng referrence yung gagawin naming report paper.

Habang naghahanap ako ng book sa mga shelves, at nang makita ko na yung book na kailangan ko.. kukunin ko na sana pero biglang may nakasabay ako pagdampot nito. Agad akong napatingin sa nagmamay-ari nung kamay at nakita ko si Janred. Agad kaming nagkangitian then bigla niyang ipinaubaya sa 'kin yung book.

"Ah sige. Ikaw na muna ang gumamit. Tsaka ko nalang hihiramin pagtapos ka na." aniya sabay ngiti.

"Ah.. kailangan mo din bang referrence 'to?" tanong ko.

"Oo sana. Para sa report ko." sagot niya.

"Uhm.. gusto mo share nalang tayo??.. Konting referrence lang din naman kasi ang kailangan ko dito eh." alok ko sa kanya.

Hindi din naman kasi ako madamot kaya sharing is not a big deal to me.

"ah.. okay." yun nalang naisagot niya.

Sabay na kaming naghanap ng table namin para makapaggawa na kami ng report namin. Habang pareho kaming abala sa ginagawa namin ay tila hindi ako nakatiis na hindi siya kwentuhin.

"Uhm.. nga pala.. Sino bang masmatanda sa inyo ng kakambal mo?" pagsisimula ko ng topic.

Out of curiosity ay yun agad ang una kong naitanong.

"Huh?" bigla siyang napatigil sa pagsusulat niya at agad na tumingin sa 'kin. "Uhm.. Ako. Ahead ako kay Jarred ng 2 minutes." Sagot niya.

"Ah.. So ikaw pala ang kuya?" sabi ko habang bahagya kong itinatango-tango yung ulo ko. "Pano mo naman hinahandle yung kakambal mo? Kasi pansin ko... parang ang layo ng ugali niyo sa isa't-isa? Ganun din ba siya kasungit sayo??"

Ang Pagmamaldita ni Angel Sarosa [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon