3: "FOR YOU, I WILL"

805 28 2
                                    

~Angela's POV~



Paggising ko ay nasa ospital na ko. Ramdam ko pa yung sakit ng katawan ko kaya iniwasan kong gumalaw masyado. Agad akong nilapitan ni mommy pagkakita niya sa 'kin na gising na.


"Angela, it's good that you're awake! How are you feeling my baby?" nag-aalalang tanong sa 'kin ni mommy.


"I'm okay mom. Wag na kayo masyadong mag-alala." sagot ko habang bakas sa 'kin ang panghihina.


Nang agad kong maalala si Angel na kasama kong naaksidente...


"Mom, si Angel? Okay lang din ba siya?" tanong ko.


Biglang lumungkot ang mukha ni mommy nang mabanggit ko si Angel sa kanya.


"your sister is in the ICU." Sagot niya.


"I-I.C.U??" bigla akong kinabahan at dumoble pa yung pag-aalala ko.


"The doctor said that your sister is.... in a coma. Sa lakas daw kasi ng impact na natamo niya ay nagkaron siya ng internal hemorage sa ulo niya, kaya kinailangan siyang operahan. The surgery was successful but your sister is still unconscious." Medyo emosyonal na paliwanag ni mom.


"Mom, will she be okay??" tanong ko habang unti-unting nangingilid ang luha ko.


"Yes Angela, your sister will be okay. Let's pray for that." sagot ni mom at hinaplos-haplos niya yung ulo ko.


After a day of rest nang maging okay na yung pakiramdam ko ay agad kong naisipan na puntahan si Angel sa I.C.U. I got teary-eyed upon seeing her in that unconscious state. Hindi ko kasi matanggap na na-comatose siya because of the accident.

 Hindi ko kasi matanggap na na-comatose siya because of the accident

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

I believe that everything will be okay, kaya Angel... sana magpakatatag ka. Don't give up okay?.. At lalong wag mo kong iiwan!


Lord, sana wag niyo pong hayaang mawala sa 'kin yung kakambal ko! Iligtas niyo po siya! Kahit naman po maldita siya, kapatid ko pa din naman siya eh, at mahal ko siya.


Dahil sa kondisyon ni Angel, at nang maalala ko bigla yung naging usapan namin nung araw na yun bago kami maaksidente.

Awang-awa ako sa kapatid ko nun.

Hindi ko pa nararanasan ang masaktan ng dahil sa lalaki, dahil hindi pa rin naman ako nagkaka-boyfriend, pero nung araw na yun ay damang-dama ko yung sakit na nararamdaman niya habang paulit-ulit niyang ikinekwento sa 'kin yung nangyari.

Kinausap ko sina mommy at daddy, at pinakiusapan ko sila na wag nilang ipapaalam sa school ni Angel ang status niya, sa halip ay ako nalang yung palabasin nilang na-comatose. Sinabi ko din sa kanila na ako yung aattend sa school ni Angel.


In short, MAGPAPANGGAP AKO NA SI ANGEL.


Alam kong magiging challenging at hindi magiging madali para sa 'kin ang magpanggap na si Angel, dahil una sa lahat ay wala naman talaga sa ugali ko ang pagmamaldita. Ikalawa, hindi ko kayang tapatan yung kamalditahan niya. At ikatlo, ayokong sabihin na MASmaganda siya, pero aaminin kong MASMAAYOS siya sa sarili niya kesa sa 'kin.

Hindi ko sinabi kina mommy at daddy ang totoo kong dahilan sa kung bakit ganun yung gusto kong mangyari dahil ayoko na silang mag-alala pa, pero ang totoo niyan.. kaya ko gustong magpanggap na si Angel ay para maipaghiganti ko siya sa mga taong nanloko at nanakit sa kanya.

Medyo mahirap man pero willing akong gawin yun para sa kanya...






...dahil kakambal ko siya.

Ang Pagmamaldita ni Angel Sarosa [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon