15: "SIS TALK"

510 19 0
                                    


~Angela's POV~



Nakatulala lang ako kay Angel mula sa kinatatayuan ko.


"Tatayo ka nalang ba hanggang mamaya dyan?" poker face na wika ni Angel.


Gusto kong isipin na nananaginip lang ako, pero hindi eh. Totoong gising na si Angel.


"Na-nakakapagsalita ka na?" wala sa isip kong tanong.


Ay! Ang tanga lang Angela nung tanong noh?


Bahagyang nagtaas ng kilay si Angel. "Malamang, may bibig ako, kaya nakakapagsalita ako." seryoso niyang sagot.


Kahit natarayan niya agad ako after waking up from coma ay hindi ko nalang din pinansin yun dahil masnangingibabaw yung sayang nararamdaman ko ngayon, dahil gising na rin sa wakas ang kakambal ko. Kaya naman hindi ko na din napigilan ang mapangiti ng malaki sa tuwa ko sa pagkakarecover ni Angel.

Dahan-dahan akong lumakad palapit kay Angel habang hindi nawawala sa mukha ko ang napakalaking ngiti. Habang si Angel naman ay nakapoker face pa ding nakatingin lang sa 'kin.


"Welcome back kambal!" nakangiti kong wika at sunod ko siyang niyakap.


Hindi ko na talaga napigilan pa ang pagkamiss ko sa kakambal ko kaya mahigpit ko siyang niyakap.


"Ano ba Angela! Hindi ako makahinga!" reklamo ni Angel.


Pagkakalas ko sa yakap ko sa kanya ay sunod kong nakita ang medyo irita niyang mukha, pero kahit ganun ay hindi pa rin nawala sa 'kin yung malaki kong ngiti.


"Pwede ba, wag ka ngang ngumiti ng ganyan." Medyo inis niyang wika.


"Bakit naman? Masaya lang naman ako at nakarecover ka na eh." sagot ko.


"Pwes, ako hindi ako masaya! Matapos ng nalaman ko??" sabi niya.


Biglang nawala yung ngiti ko at napalitan yun ng pag-aalala.


Sunod namang tumingin si Angel kay mommy... "Mom, pwede niyo ba muna kaming iwan ni Angela?"


Medyo naghesitate pa si mommy nung una, pero hindi din nagtagal ay pinagbigyan na din niya si Angel sa pakiusap nito.


"Sige my angels. Maiwan ko na muna kayo." mom said then she went out.


Nang maiwan kaming dalwa ni Angel sa kwarto ay muli niyang ibinaling ang seryoso niyang tingin sa 'kin.


"Anong kalokohan ba yung pinaggagagawa mo ha Angela?? At bakit pati kinailangan mong pakealman yung school ko!?" tanong niya habang bakas sa kanya ang disappointment.

Ang Pagmamaldita ni Angel Sarosa [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon