9: "FRIENEMY"

762 29 3
                                    

~Angela's POV~



2 hours vacant ako ngayon, kaya naman naisipan kong pumunta agad ng library para magawa ko na yung research project na ibinigay sa 'min ni prof. Reyes kahapon. Naglalakad ako papuntang library nang may tumawag sa 'kin mula sa likuran. Nang lingunin ko, si Janred pala, kaya tumigil ako at hinarap siya.


Nang makalapit siya sa 'kin. "Angel..."


Bago pa niya maituloy yung sasabihin niya ay inunahan ko na siya. "Sorry."


"Huh??" agad kong nakita ang pagtataka sa mukha niya.


"Uhm.. About dun sa last time? Sorry kong pinagpanggap kitang suitor ko?" –ako


"Ahh.. Okay lang yun. Naiintindihan ko naman kung bakit mo ginawa yun eh." –Janred


"Salamat." I replied then gave him weak smile. "Uhm.. Sige ah?"


Hindi ko na siya hinintay na magsalita pa at tumalikod na ko para umalis. Simula kasi nung malaman kong may girlfriend na siya at transferee pa sa school namin.. pakiramdam ko.. kailangan ko na siyang iwasan at para na rin maka move on na ko sa nararamdaman ko para sa kanya. Pasalamat na nga lang ako at hindi pa ganun kalalalim yung feelings ko para sa kanya.


(Library)


Nang mahanap ko na yung book referrence na kailangan ko sa isa sa mga shelves.. inextend ko yung braso ko para sana kunin yun dahil na rin sa nasa may kataasan ang pinaglalagyan nito. Maaabot ko na sana yung libro nang biglang may maunang kamay ang makakuha nun. Medyo napabusangot ako nang agad kong makita kung sino ang kumuha nung libro, si Jarred. Mabilis ko rin namang binago yung ekspresyon ko. Pangiti kong inilahad sa kanya yung kamay ko para sana kunin yung librong hawak niya.


"Thank you." Sabi ko habang nakangiti.


Agad siyang napatingin sa 'kin habang nakataas ang dalwang kilay na bakas ang pagtataka. "huh??"


Tinuro ko yung librong hawak niya gamit yung nguso ko.


"Thank you. Diba kinuha mo yan para sa 'kin??" sabi ko habang nakangiti pa din.


"Ang alin??... Ito ba??" tanong niya sabay taas dun sa hawak niyang libro.


Tumango naman ako bilang sagot.


"Asa ka. Bakit ko naman gagawin yun? Kailangan ko 'tong book na 'to kaya ko kinuha. Geh." poker face niyang sagot tsaka siya tumalikod at umalis.


Muli akong napabusangot.


Kapal ng mukha niyang mang-agaw, samatalang ako ang nauna sa book na yun! hay naku!

Ang Pagmamaldita ni Angel Sarosa [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon