10: "DOUBLE DATE"

671 24 5
                                    


~Angela's POV~



Habang nasa byahe ay parehas lang kaming tahimik ni Jarred. Medyo nakakabingi ang katahimikan kaya naman naisip kong magpatugtog. May music na pero ang awkward pa rin ng pakiramdam ko. Pasulyap-sulyap ako kay Jarred na tahimik lang sa pwesto niya habang nakatingin sa labas. Nang makabuo ako ng tanong sa isip ko ay ako na ang bumasag sa katahimikang yun.


"San ba tayo pupunta??" tanong ko.


"Ikaw bahala. Ikaw nagdradrive eh." sagot niya habang hindi inaalis ang tingin sa labas.


At sa akin talaga niya ipapaubaya lahat?? Grabe talaga! So kung sa sementeryo ko kaya siya dalhin? Aangal kaya siya? Sarap ibaon ng buhay! Hmp!


"Geh, sa coffee shop nalang tayo." Suhestiyon ko.


Pumunta kami sa favourite coffee shop ko. Sa Yum-yum house of sweets. Bukod kasi sa masasarap yung foods nila ay friend din namin ni Angel yung may-ari. Si Ms. Ivy. Pero masclose kami, dahil ako yung masmadalas magpunta sa coffee shop niya.

Pagkapasok namin ni Jarred sa coffee shop... hindi ko inaasahan na maaabutan ko dun si Ms. Ivy. Tsambahan lang kasi kung makita ko siya sa coffee shop niya. May other business pa din kasi siya na minamanage, kaya hindi talaga siya madalas sa coffee shop. Agad kong napansin ang malapad na ngiti sa mga labi ni miss pagkakita niya sa 'kin.


"Oh! Hi Angela! It's nice to see you again!" nakangiti at masigla niyang bati sa 'kin.


Nang marinig ni Jarred yung pangalang itinawag sa 'kin ni miss ay agad mababakas sa mukha niya ang pagtataka, kaya naman bigla akong kinabahan at na-awkward.


"Bakit tinawag ka niyang Angela?" taka niyang tanong.


I mentally slap my forehead nang maisip kong wala nga palang alam si miss dun sa nangyari sa 'min ni Angel na accident. At dahil sa nagpapanggap nga ako na si Angel.. no choice ako kundi to act like Angel. I suddenly gave her a cold expression.


"Huh? I'm NOT Angela." I coldy said to her.


Ms. Ivy gave me a confused look "Huh?.. How come your not?? Eh diba ikaw lang naman ang madalas pumunta dito sa inyo ng kamba---" she immediately paused when she realized something. "Oh! A-angel??"


I rolled my eyes. "Porket ba si Angela yung masmadalas na magpunta dito.. kinalimutan mo na ko??" poker face kong sabi in a sulky tone.


She became flustered. "Oh! No no no! Hindi naman sa ganun Angel." aniya habang iwinawagayway ang dalwang kamay.


"Hmf?" Tinaasan ko siya ng kilay. "Sige na. Okay na. Oorder na kami." I coldy said.


Umorder na kami ni Jarred. Pagka order namin.. Tulad ng napag-usapan ay ako ang nagbayad nung inorder namin, then humanap na kami ng pwesto namin. Nang makaupo na kami ay panay pa din ang tingin ko kay Ms. Ivy na ganun din naman ang ginagawa. Medyo hindi ako mapakali sa upuan ko, dahil sa gustung-gusto kong makausap si Miss. So para makausap ko si miss ay saglit kong iniwan si Jarred. Nang makausap ko na si Ms. Ivy ay nun ko inexplain sa kanya ang lahat-lahat. And after namin makapag-usap ni miss ay bumalik na ulit ako sa table namin ni Jarred. Tama namang naiserve na din yung order namin.

Ang Pagmamaldita ni Angel Sarosa [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon