13: "KNIGHT IN BLACK"

757 23 0
                                    


~Samantha's POV~



Inihahanda ko na ang sarili ko sakali mang magkabistuhan, pero syempre, hindi ko pa din hahayaang mangyari yun. Sinimulan ko ng humanap ng butas kay Angel at hindi naman ako nabigo sa paghahanap nun. May nadiskubre ako na hindi ko akalaing malalaman ko, at sa nalaman kong yun ay siguradong wala siyang ligtas sa kahihiyang mararanasan niya once na pinasabog ko na yun sa lahat ng estudyante sa school.

Nang magkita kami ng contact ko na si Gary sa lugar na napag-usapan namin...


"Pinatawag mo ko?" bungad nito sa 'kin.


"Change of plan." Sabi ko.


"huh? bakit?" tanong niya.


"Malakas ang kutob ko na baka may alam na si Angel tungkol dun sa nangyaring aksidente sa kanila." Wika ko.


"Oh? so pano na?" –Gary


"Hindi ko hahayaang mabisto ako, kaya uunahan ko na siya. Iisang tabi mo muna yung nauna nating plano, dahil may ipapagawa ako sayo." –ako


Hindi pa rin naman talaga ako totally sigurado dun sa nalaman ko kaya gusto ko yung makumpirma at para magawa ko yun ay may bago akong ibinigay na utos kay Gary.



~Jarred's POV~



Ramdam ko ang pagkabagot sa umagang 'to. I was slouching in the couch habang walang ganang nanunuod ng TV. Weekends kaya walang pasok na tinapatan pa ng Valentine's day. Nang makita kong dumaan sa harapan ko si Janred na tila bihis na bihis ay hindi ako nag-atubiling usisain siya.


"San punta?" tanong ko.


"Diyan lang." tipid na sagot niya.


"May date kayo ni Liane?" tanong ko ulit.


"Yap." –Janred


"Pasama." –ako


Biglang kumot ang noo niya.


"Wag na. Asungot ka lang eh." deretsang sabi niya.


Bumusangot ako. "I'm so damn bored right now."


"Oh? Eh bakit hindi mo kontakin yung mga kaibigan mo?" suhestyon ni Janred.


"Ayoko. Puro inuman lang naman alam ng mga yun eh, at wala ako sa mood magliwaliw ngayon. Gusto ko lang maglibang, kaya isama mo na ko! sige na!" pangungumbinsi ko sa kanya.


"Eh date nga kasi namin yun ni Liane. Eepal ka pa. Gumawa ka rin ng date mo kung gusto mo." –Janred

Ang Pagmamaldita ni Angel Sarosa [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon