29: "THIS IS IT" (Ending)

425 16 0
                                    

One year later....



~Angel's POV~



This is really it!


I feel like everything was very familiar? (take note the sarcasm)


Nasa harapan na naman ako ng pintuan ng simbahan na 'to, but this time, dalawa na kami ni Angela ang naghihintay na buksan nila yung pintuan.


I swear that I'm gonna literally kill that person na manggugulo sa kasal namin!


Because I won't let anyone to ruin our wedding AGAIN.



~Angela's POV~



Ganito pala ang pakiramdam ng ikakasal?


Habang naglalakad kami ni Angel sa gitna ng simbahan, hindi ko maiwasang ngitian ang lahat ng bisitang nakatingin sa 'min. Walang mapaglagyan ang saya, excitement, at kaba sa katawan ko. Habang unti-unti kaming lumalapit sa altar ay tila napako bigla yung tingin ko sa isang taong nakatayo sa altar na naghihintay sa 'kin.. si Jarred.


Bigla kong naalala yung mga pinagdaanan namin. Mula nung unang beses kaming magkakilala hanggang noong magpropose siya sa 'kin.


Hindi ko akalaing magpapakasal ako sa isang Jarred Alvarez na noo'y itinuturing kong isang malaking impakto sa buhay ko.


Pero kahit ganun.. wala akong pinagsisisihan sa lahat ng nangyari.


Naging thankful pa nga ako dahil hinayaan ni tadhana na magtapo kami, dahil masasabi kong sa lahat ng nakilala ko... SIYA yung taong nagparamdam sa 'kin kung paano magmahal at mahalin ng totoo.


I came back to reality nang nasa tabi na ko ni Jarred. Nakangiti siya habang nakatingin sa 'kin, at sa puntong yun habang nakatingin din ako sa kanya ay nakakaramdam ako ng kilig.


Ano ba naman 'to? Kung kelan ikakasal na kami, ngayon pa ko kinilig ng ganito sa mga tingin niya sa 'kin. Ngayon ko lang din aaminin sa sarili ko na ang gwapo pala talaga ng mapapangasawa ko!


"Edi inamin mo ding gwapo ako?" –Jarred


"Huh? Wa-wala naman akong sinasabi ah?" –ako


"Kahit hindi mo sabihin, halata diyan sa mga tingin mo." –Jarred


Agad akong napaiwas ng tingin.


Ang Pagmamaldita ni Angel Sarosa [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon