23: "THE TRAGIC PAST"

372 14 0
                                    

~Author's POV~



(Flashback... 10 years ago)


Sarosa and Fajardo family has a very close relationship back then, dahil highschool friends ang mga magulang nina Angel, Angela, at Jan-jan.


Close friends sina Angela at Jan-jan, samantalang ganun naman kaayaw ni Angel sa kababata, lalo na nung malaman nilang pareho na silang dalwa yung itinakda para sa arranged marriage in the future.


One time... on the way sina Mr. and Mrs. Fajardo sa school ng anak kasama na rin si Angel, dahil same school lang naman sila ni Jan-jan ng pinapasukan. Habang nakatigil ang sasakyan dahil sa red light... nang mapansin ni Angel ang bising-busy na naglalaro sa kanyang ipad na si Jan-jan...


"Hoy Polly." Tawag ni Angel sa katabi.


Dahil sa abala nga sa paglalaro ay hindi pinansin ni Jan-jan si Angel.



[A/N: bukod tanging si Angel lang ang tumatawag ng "Polly" kay Jan-jan dahil sa tukso niya ditong "Ang batang puro kanto ang mukha".]



Agad napataas ang isang kilay ni Angel nang hindi siya pansinin ng katabi, kaya naman naisipan niyang agawin dito yung hawak nitong ipad.


"Hey! Akin na yan! Naglalaro ako eh!" wika ni Jan-jan then he tried to get back his ipad from Angel.


"Kaya nanlalabo yang mata mo eh! Wala kang ibang ginawa sa byahe kundi maglaro!" sermon naman ni Angel.


"Bakit ba? Eh sa yan ang libangan ko eh!" sagot naman ni Jan-jan.


"Kanina ka pa naglalaro kaya ako naman!" –Angel


"Hindi pwede! Kita mong ginagamit ko pa eh! Akin na yan!" –Jan-jan


Hanggang sa nag-agawan silang dalwa dun sa ipad. Hindi naman nakatiis si Mrs. Fajardo at nilingon niya yung dalwang bata sa backseat para sawayin.


"Hey kids! Don't argue please? Nasa byahe tayo." Kalmadong saway ni Mrs. Fajardo.


Nang magawang maagaw ni Jan-jan yung ipad kay Angel ay binelatan niya ito dahilan ng pagsimangot ni Angel.


"Bwiset! Hindi ako makakapayag! What Angel wants, Angel gets!" inis na sambit ni Angel sa isip niya.


Nang mag-green light na ay muli ng umandar yung sasakyan nila, pero sinabayan naman yun ni Angel ng kamalditahan niya. Sa sobrang inis niya ay mabilis niyang hinawakan yung manibela na dinadrive ng daddy ni Jan-jan, kaya nagpagewang-gewang ang sasakyan nila.

Ang Pagmamaldita ni Angel Sarosa [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon