8: "BROKEN"

743 26 2
                                    


~Angela's POV~



Nasa student's lounge ako ngayon at gumagawa ulit ako ng research paper ko. Gustung-gusto kasi ng mga professor namin ang pinapahirapan kami sa pagreresearch eh. Kung hindi lang talaga ako mabait na mag-aaral, hindi ako magtyatyagang pagurin yung mata at kamay ko sa pagreresearch. Medyo marami-rami na rin akong naiisulat dun sa bond paper nang sa kamalas-malasan naman ay biglang may nakatapon ng tubig dito. Sa sobrang bigla ko ay napatayo ako sa kinauupuan ko at agad bumungad sa 'kin ang pagmumukha ng impaktong kapatid ni Janred na si Jarred, pero hindi siya nag-iisa dahil may kasama siya. Agad kaming nagkatingingang dalwa. Sunod ay napatingin ako sa plastic cup na hawak niya dahilan para malaman ko na sa kanya galing yung tubig na natapon sa research paper ko. Muli kong ibinalik ang tingin ko sa kanya.


"Sorry." Walang emosyong sambit ni Janred.


Sa halip na tanggapin ko yung sorry niya ay lalo ko pa yung ikinainis. Napaka plastic naman kasi nung pagkakasabi niya. Halatang hindi siya sincere dun sa pagsosorry niya.


Paalis na sana sila ng kasama niya nang magsalita ako. "Anong magagawa ng sorry mo kung nabasa na yung RESEARCH PAPER ko!" bulyaw ko sa kanya.


Agad din napatigil sa paglalakad si Jarred at muli siyang bumaling sa 'kin. "Tubig lang naman yan diba? Matutuyo din yan."


"Matutuyo nga, pero sa tingin mo.. mababasa pa ba 'to ng professor ko kung kalat-kalat na yung ink!?" Kinuha ko yung papel na nabasa at itinapat ko yun sa mukha niya. "Diba hindi na? At malamang, sa halip na ipasa ako sa project na 'to.. baka ibagsak pa ko ng prof ko, dahil hindi na niya maintindihan yung nakasulat!" masama ang loob kong reklamo sa kanya.


Nakakainis naman kasi! Sa dinami-dami ng pwedeng matapunan niya ng tubig, yung research paper ko pa!


"Nagsorry na nga ako diba?" seryosong wika niya.


"It's not enough." Sagot ko naman.


Agad kong nakita ang pagkunot ng noo niya. "Panong it's not enough?? Anong gusto mong gawin ko? lumuhod ako sa harapan mo para lang tanggapin mo yung sorry ko? Asa ka."


Sa inis ko ay bigla akong napapikit at napakagat labi.


Pagtinamaan ka nga naman talaga ng magaling!


Sinubukan kong kalmahin yung sarili ko. Sa pagmulat ko ay sunod kong tiningnan yung papel na hawak ko kasabay ng pagbuntong hininga ko.


"Ang dami ko ng naisulat oh? Ano 'to? Uulitin ko na naman?" –ako


"Malamang sa malamang." –Jarred


Tiningnan ko siya ng masama. "Kasalanan mo 'to eh! Siguro sinadya mo talagang tapunan yung papel ko?!" hindi ko na rin talaga napigilan yung pagtaas ng boses ko.

Ang Pagmamaldita ni Angel Sarosa [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon