19- Hugot

727 11 0
                                    


Mahal kita, oo! Yun ang totoo. At kahit wala ka sa tabi ko ikaw pa rin ang laman ng puso ko. Sabi mo noon mahal mo ko pero kung tatanungin kaya kita ngayon, anong sasabihin mo? Ako pa rin ang mahal mo o ang taong nakasama mo nung wala ako?

*********** *

sa isang patak ng tubig nabuo ang ulan..
sa isang buhos ng ulan, nabuo ang baha..
sa isang kapirasong lupa, nabuo ang mundo..
sa isang hulma ng putik, nabuo ang tao..
parang ikaw..
sa isang ngiti mo, nabuo ang puso ko

*********** *

Piliin mo yung taong handang hawakan ang kamay mo anuman ang sitwasyon. Siya kasi yung taong handang iparamdam sayo na kahit hindi na maganda ang nangyayari hinding hindi ka niya bibitawan

*********** *

Kung ang isang buong araw ay binubuo ng 86,400 segundo.
Anong pake ko? Kung ikaw lang naman ang kailangan para mabuo ang araw ko!

101 Heart FailuresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon