59- Paasa/Umaasa

364 3 0
                                    


Aalis ako kasi may iba kang gusto..
Aalis ako kasi alam kong mahal mo siya at mahal ka rin nya…
Aalis na lang ako ha?
Kasi sa tingin ko,masaya ka na…
Pero babalik din ako…
Pag iniwan ka na nya.

Nagmahal kana ba?
pero tinago mo kase mali.. Nasaktan ka na ba? yung parang unti-unti kang pinapatay dahil may gusto syang iba. Pero mas masakit yung malaman mong Kaibigan lang pala ang turing nya sayo..

Diba sinabi ko sayo noon pa na gusto kita?
Pinaramdam ko rin sayo na kelangan kita diba?
Isang araw tinabihan pa kita at sinabing,
“alam mo, mahal kita” pero sabi mo naman…
“kaw talaga nagpapatawa ka ba?!”

Kung magmamahal ka dapat sigurado kang handa ka masaktan.. kase masakit masaktan lalo na kung malaman mong hindi ikaw ang handa nyang mahalin at pakisamahan ng totoo…

Sabi mo gusto mo ko,
sabi mo konting panahon na lang
magkakasama na tayo,
sabi mo iiwan mo na sya…
sabi mo intayin kita,
sabi mo mas mahal mo ako,
bakit ngayon asan ka na?
Bakit kapiling ka pa rin nya?

"Kahit masakit, pinilit kitang kalimutan…
Kahit masakit, pinilit kong wag umiyak…
Kahit masakit, pinilit kong wag magtiis…
Pero kahit anong gawin ko,
kaw parin ang mahal ko eh…
Kahit masakit!"

"Kadalasan nakakatakot magmahal kasi masakit umasa; pero hindi ba mas masakit yung alam mo na ngang wala kang pagasa, pero siya pa mismo ang nagpaparamdam na sa kanya ika’y mahalaga."

"Tama na yung minsan mo kong paasahin, minsang saktan at minsang paluhain. Minsan mo lang naman din akong minahal; hindi tulad ko, minahal kita ng walang katapusan."

"Mas masakit ang iniwan ka kaysa ikaw ang ng iwan."

Bakit pag kaibigan mo wlang break-up? pero once na naging kayo, konting away break na agad! di ba natin naiisip na kung sa magkaibigan nagkakaintindihan what more dapat s nagmamahalan di ba?!

“Kahit ilang beses pa akong masaktan dahil sayo, di ako susuko. Kahit magkaroon pa ng isangdaang dahilan upang ika’y iwan, hahanap parin ako ng isang dahilan para pagmamahal ko sayo’y ipaglaban.”

101 Heart FailuresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon