Katulad ka ba nila?
Nang mga taong umaalis kapag sawa na
Matapos masabi na ang kanilang nararamdaman
Walang paalam, nawawala nang tuluyan.Katulad ka ba nila?
Yung mga kanta na puno nang pagsinta
Itataas ka sa alapaap dulot nang tagos sa pusong melodiya
Ngunit lilisan rin pagkatapos nang huling linya.Katulad ka din ba nila?
Yung mga salita nang paborito kong tula
Nakakasakit nang damdamin sa sobrang ganda
Nilikha sana para magpangiti pero ako'y naluluhaIiwan mo din ba ako?
Maghihintay pa ba ako?
Babalik ka pa ba?
Sana.Sana kagaya na lang tayo ng mga letra
Patinig at katinig na palagibg magkasama
Gumagawa nang hindi malilimutang alaala
Alaala ng lungkot, pighati, saya at ginhawaSana nasa panaginip na lang tayo palagi
Doon malaya nating nahahagkan ang bawat isa
Doon hindi mo na ako iiwan pa
Doon hindi na ako mag-iisaAno ba ang masama na pinaabot ko ang nararamdaman ko?
Nagulat ka ba sa mga sinabi ko?
Sa sinabi ko na unti-unti na akong nahuhulog sayo.
Sa sinabi ko na sana masalo mo ako.Katulad ka ba din nila?
Nang mga taong aalis at hindi na babalik pa
Matapos ang sayang piaagsaluhan mag-iiwang ng luha.
Tanong ko lang ulit "Katulad ka ba din ba nila?".
BINABASA MO ANG
Silong ng Damdamin
PoetryMay mga damdamin na hindi dapat kinikimkim. Kaya kung ay ikaw ay mahilig sa mga tula at letra. Inaanyayahan kitang buksan ang susunod na pahina nitong libro at tuklasin ang mga samu't-saring kwento napapaloob sa bawat tulamg nabubuo.